"Bakit na naman?!" Tanong ko ulit sakan'ya. Bakit ba lagi na lang ako nasu-surprise?
Napabuntong-hininga si kuya at napakamot nalang sa batok niya. "K-kasi. . . nasabi ko kela mommy ang nangyari."
"WHAT?!" For the 2nd time halos malaglag na ang panga at ang eyeballs ko sa gulat. "Did you what?" Ulit na tanong ko habang nagsasalubong na ang kilay ko.
"Nasabi ko." Sagot ni Kuya sabay yuko at kakamot-kamot ng batok niya.
"Seriously? ba't mo nasabi?" Sigaw ko sabay lapit ko sakan'ya. Umatras naman siya ng kaunti pero dahil nasa hagdan na siya napakapit nalang siya sa hawakan ng hagdan.
"Naawa ako sayo e. Saka nadulas ako. Nasabi ko sakanila lahat-lahat."
Para na naman ulit akong binagsakan ng langit at lupa. Sama mo na pati earth at lahat ng planeta. Kahit kailan talaga pahamak talaga 'to.
"KUYAAAAAA!" Sigaw ko sakan'ya at alam kong cue na 'yun para tumakbo siya. Kaya ayun dali-dali siyang lumayo saakin habang nakatakip pa ang kamay sa ilong niya.
"Sorry na baby, pero ang baho talaga ng hininga mo!" Sigaw niya habang nagtatakbo palayo na saakin. Aba at dinamay pa ang hininga ko.
"Bumalik ka ditong peste ka!" Sigaw ko rin habang hinahabol na siya. Kainis naman kasi e, alam naman niyang lagot ako kay mommy at mas lalo na kay daddy nito. Gigisahin nila ako kapag nando'n na ako. Nakakainis! Ngayon pang alam nila lahat. Sana hindi ko na lang pala sinabi kay kuya. Argh!
-'-
"Naayos mo na gamit mo?" Tanong ni Kuya na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. Buong araw ko siyang hindi masyadong pinapansin kahit lumabas kami kanina papuntang luneta para magcelebrate ng Christmas. Tumawag din sila mommy kanina at binati kami pero happy naman ako dahil hindi muna nila in-open up 'yung about sa pagpapanggap ko. Naka-receive rin ako ng messages sa mga teammates ko at maging sila Coach Wowie at Ms. Mutya. Gano'n din sila Arthur at Allysa na ni-flood pa ako ng christmas messages.
Pero ang nakakainis lang habang nasa luneta kami, nagkita kami ni Liam. Pero alam kong sinadya ito.
"Nikki?"
Hindi ko siya pinansin at hinanap si Kuya. Nasa'n na ba 'yun? Tama bang iwan ako dito? Kahit galit pa ako sakan'ya wala siyang karapatang iwan ako dito. Nakakainis ka talaga kuya Mike!
"Merry Christmas, Nikki." Sabi ng lalaking kanina pa nagsasalita sa harap ko. Ano bang problema nito? Sa dinami-daming lugar na pwede kaming magkita bakit dito pa?
Parang sa lugar kung saan lang nagsimula ang peg. Kaloka. Hindi pa naghihilom ang sakit tapos eto na naman.
"Paano magiging Merry ang Christmas ko kung ikaw lang ang taong bumati saakin sa personal." Ngumisi siya saakin dahilan para taasan ko siya ng kilay. Ayoko talaga sa bibig nito. Iniisip ko palang na natikman na rin 'yan ni Heart, nagtataasan balahibo ko.
"Babaeng babae ka ngayon ah." Sabi niya sabay tingin saakin mula ulo hanggang paa. Naka-red mini-skirt kasi ako with matching tuck-in na white blouse and boots. Actually na-cute-an lang ako sa outfit na 'to kaya naisuot ko.
"Pakialam mo ba kasi sa suot ko—"
"Gumanda ka."
Hindi ko alam pero ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya pero agad ko rin itong binawi at tiningnan siya ng masama.
"Matagal na akong maganda." Sabi ko at akma na sanang aalis ng hinawakan niya ang braso ko para pigilan.
"Nikki. . . alam kong aalis ka na bukas."
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...