"Matagal pa ba matapos? Nakakangalay na ah.""Wag ka kasing galaw ng galaw."
Away nila Mark at Kevin. Hindi tuloy ako maka-concentrate sa binabasa ko. Nakaposing kasi si Mark sa may pintuan habang nakataas yung kamay niya na pinapakita pa yung muscle. Tapos si Kevin naman ay nakaupo habang may hawak na sketch pad tapos drina-drawing niya si Mark. Napapailing na nga lang kami ni Liam.
"Uy."
Kalabit saakin ni Liam. Hindi ko na tuloy maintindihan yung binabasa ko. Nasa tabi ko rin kasi si Liam. Ang sikip-sikip na nga, sumiksik pa siya dito. Tss.
"Ano?!"
"Suplada." Mahinang sabi niya. Tiningnan ko nalang siya ng masama. Hindi porket alam niya sekreto ko, magpapatalo ako sakanya. Tss.
Nilapag ko yung librong binabasa ko na kahit isang linya manlang, e wala akong maintindihan dahil sa mga walang magawa na tatlong lalaking to. Tss. Tumayo ako at lalabas nalang ako ng dorm. Bakit pa kasi walang paring training hanggang ngayon? Mababaliw ako sa mga ka-roomate ko na to.
"San ka pupunta baby?"
'Di ko nalang pinansin si Liam at tinabig si Mark kasi paharang harang sa pintuan.
"Ano ba!"
"Ay wala na. Ulit na lang tayo sa umpisa." Sabi ni Kevin kay Mark sabay punit ng pinagdrawing sakanya dahilan para umusok yung ilong ni Mark.
"Nangalay ako tapos pupunitin mo lang!" Pagrereklamo ni Mark at ayun naghabulan silang dalawa. Napa-iling nalang ako habang tuluyan ng lumabas sa pisteng kwartong to.
"San ka ba pupunta?"
Tss. Akala ko makakalabas na ako sa impyerno. May sumunod namang demonyo.
"Bakit ka ba sumunod?"
"Bawal?"
"Oo."
Inakbayan naman niya ako kaya napapikit nalang ako sa inis.
"Gusto ko marinig totoong boses mo." Bulong niya sa tenga ko. Lord. Kunin mo na siya oh. Please lang.
"Baka mainlove ka pa saakin kapag narinig mo totoong boses ko." Sabi ko sakanya sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko. Napahawak naman siya sa bibig at umaktong nagulat. Napapoker face nalang ako sakanya.
"Asa ka naman. Sa mga magaganda lang ako naiinlove."
Nagsmirk nalang ako sakanya habang binilisan na ang lakad ko at iniwan ang bwisit na Liam na yun. I want a peace of mind. Jusko.
"REMEMBER THE DEAL BABY. GUSTO KO SA SABADO NA!" Sigaw niya dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Gusto ko sa sabado na kami magdadate and gusto ko siya rin yung mismong magaaya sakin." Sabi niya habang lumalapit na naman saakin. Pinapahirapan talaga ako ng ipis nato. Tss.
"Bakit sa sabado na agad? Bigyan mo kaya muna ako ng time. Hindi madali pinapagawa mo."
"Madali lang pinapagawa ko. Depende sayo baka gusto mo rin siya. Tibo ka?"
I just rolled my eyes to him. Nandidiri nga ako sa babaitang yun, magugustuhan ko pa? Asa.
Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Gusto ko na talagang makalayo.
"Kapag hindi mo nagawa. Expect mo na hindi aabot ng lunes alam na ng lahat. Sinong hindi makakalaro sa ISLCT?"
Napahinto na naman ako sa sinabi niya. Punong-puno na talaga ako sa lalaking to ha. Na-ikuyom ko nalang ang kamao ko. Narinig ko naman siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...