Kabanata 38

399 20 6
                                    

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang nakapatong lang ang ulo sa dalawang braso ko. Tulala lang din akong nakatingin sa ilalim na higaan ni Liam sa taas ko. Sa tingin ko nga natutulog siya. 'Yung dalawa naman ay wala dito sa kwarto. 'Di ko alam kung saan sila, saka pakialam ko naman dun?

Out of nowhere. . . naalala ko bigla 'yung shocking revelation na sinabi saakin ni Leone kahapon. Hindi ako makapaniwala na may lesbian pala talagang maganda 'no? Hindi halata na tibo, dahil babaeng babae. Naaawa nga ako sakan'ya e. Nagrequest pa siya saakin na tulungan ko siyang magmove-on. Lakas maka help me get over you ang peg. Sabi niya kapag magkasalubong kami or magkita, ako na daw sana ang mag-adjust na umiwas. Dahil kapag daw siya, nahihirapan siyang iwasan ako.

Napatingin ako sa side table ko nang biglang nagring 'yung cellphone ko. Inabot ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag at nakita ko sa screen ang name ni Fabian.

Himala at nagparamdam siya ngayon. Sa pagkakatanda ko ang huli pa naming kita ay yung nagmall kami. Binilhan pa nga niya ako ng panda na stuff toy. Teka, speaking of the stuff toy. Nasa'n na pala 'yun? As far as I remember, nandito lang 'yun sa higaan ko. Nakita ko pa nga kanina 'yun dito e. Mamaya ko na nga lang hanapin. Baka pinaglaruan na naman nila Mark at Kevin 'yun.

"Hello?" Sabi ko, pagkasagot ko ng tawag niya.

[Hey, Kamusta?]

Tumikhim ako at binalik ang totoo kong boses. Tutal wala naman ang dalawang tukmol dito saka tulog naman si Liam.

"Still alive and kicking. Ikaw ba, Fabian? Napatawag ka?" I babbled. Bigla namang gumalaw ang higaan ko dahil mukhang gumalaw si Liam sa taas ng double deck.

[I just missed your voice.]

Napapikit ako at naramdaman kong kumurba ang bibig ko. Pero napamulat rin ako agad nang marealize kong ngumingiti ako. Kinilig ba ako? Shocks!

"Boses ko lang ang namiss mo?" Tanong ko habang sinamahan pa ng may pagdrama na boses.

Bigla namang gumalaw ulit ang higaan ko. This time medyo malakas na ang pagka-uga. Tumunog na rin ito e. Ano bang pinag-gagawa ni Liam sa taas?

[Mas miss ko ang nagmamay-ari ng boses.]

Magsasalita na sana ako nang bigla nalang nakita ko si Liam na tumalon sa right side mula sa higaan niya. Napatitig ako sakan'ya nang napansin kong nakatop-less siya at nakaboxer lang. I thank God dahil nakatalikod siya saakin. Baka makita niya ang mukha kong nakanganga na ang bibig na may tulo laway pa siguro, saka mata na lumuluwa na nakatingin sa katawan niya. Likod pa lang yummy na.

Manyak

Oh, mind. You're still there?

[Nikki?]

Nabalik ako sa sarili ko nang magsalita na ang kausap ko sa linya. Iniwas ko nalang tingin ko kay Liam na mukhang hawak rin ang cellphone niya na nakatalikod pa rin saakin. Hindi siya gumagalaw sa pwesto niya at nakayuko lang. May katext siguro, baka si Heart na naman. Tss.

"A-ano nga ulit 'yun?" Tanong ko sa kabilang linya habang binalik ko ulit ang tingin ko kay Liam. Kasalukuyan na siyang humiga sa higaan ni Mark. Hawak niya ang cellphone niya at parang ginagalaw ito. Mukhang hindi naman siya nag-tetext kasi baliktad 'yung cellphone. I mean nakapa-higa siya. Sa tingin ko nagge-games lang siya.

Tuwa ka naman.

Natutuwa talaga ako dahil ibigsabihin lang niyan, hindi sila magkatext ni Heart na 'yun. Pero ang nakakainis lang, hindi ko pa rin lubos maisip na simula pa talaga kahapon at kanina ulit na training ay 'di pa rin niya ako pinapansin!

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon