Kabanata 17

549 24 7
                                    


After ng training dumeritso agad ako sa canteen kasi nagugutom na ako. Um-order lang ako ng adobo with rice for lunch kasi halos magwala na alaga ko sa tiyan. Lagi nalang kasing tanghali natatapos ang training namin. Bakit kaya hindi nila i-try na hapon naman ang training namin.

Tahimik lang akong kumakain dito sa sulok ng canteen. Kahit naiinitan na ako at kating-kati na akong maligo, isasantabi ko muna para sa nag-a-alboroto kong tiyan.

"Ahh..." I burped as I finished eating. Sumandal ako sa upuan habang hinihimas-himas ang tiyan ko. Sobrang busog ko!

Dahil tapos na ako kumain, tumayo na ako at lumabas na ng canteen. Maliligo na muna ako kasi ang lagkit na ng katawan ko like ew.

So naglakad na ako papuntang shower room ng team at pumasok na sa isa sa mga cubicle.

After several minutes e natapos na akong maligo and shocks it really feels good. Feeling fresh na me. Dumeritso na agad ako sa dorm dahil ngayon naman, naramdaman ko ang sakit sa katawan. Mabilis lang kasi ang warm-up ko kanina kaya nabigla na naman siguro katawan ko.

Pagkapasok ko ng kwarto namin, nagtaka ako kasi walang tao. Himala wala yata ang tatlo? Well, hindi ko na rin kasi sila napansin kanina kasi nga dumeritso na agad ako ng layas kasi gutom na gutom na ako.

Well, okay nga ito para kahit minsan e maging payapa naman ang kwartong ito. Nabaling ang tingin ko sa side table ko nang marinig ko na nag-ring 'yong cellphone ko. Agad akong lumapit at kinuha ito sabay higa ko.

Waaaaaah. This is life. Ang sarap matulog buong hapon.

"Hello?"

[Nikki!]

Si Allysa pala. Umubo ako para ibalik 'yong dati kong boses. Kakamis din pala 'tong totoo kong boses ha. Ang sakit narin kasi ng lalamunan ko sa pag-pababa ng boses ko e.

"Ba't ka naman napatawag Allysa? Miss mo ako?"

Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. Loka talaga.

[Matagal-tagal ko ring hindi narinig totoong boses mo. Nakakamis. HAHAHA]

Napa-ngiti nalang ako sa sinabi niya. Infairness, miss ko na sila ni Bakla.

"Buti nga at wala mga ka-roomate ko e kaya malaya akong gamitin totoong boses ko."

[Good for you bessy. Anyways. .  Ahm. . . May gusto sana akong hingin ng pabor sa'yo.]

"Ano 'yon?"

[Pwede mo ba akong samahan sa province nila papa?]

Napataas naman ako ng kilay sa hinihingi niyang pabor. Ano namang gagawin ko do'n?

"Bakit ako? Ano bang mayro'n?"

[Hindi pwede si Arturo e. Busy siya sa salon niya at study daw niya. Pero kasi ganito... 'Yong lola ko na mama ni papa e. Gusto niya makita lahat ng apo niya. Miss na daw niya e.]

"Bakit hindi rin ba ako busy? Saka apo rin ba niya ako para samahan pa kita?"

[Nikki naman eh you don't understand! Huhu]

Naparoll eyes naman ako sa in-arte niya. Baliw ba siya? Ba't naman niya ako i-sasama? Ma-OP pa ako do'n 'no? Kaloka.

[Payag naman si papa saka mama na i-sama kita e.]

"Pwes ako hindi. 'Wag mo nga akong dinadamay diyan. Kaloka 'to. Kapamilya ako? Kapamilya?"

[Kapuso ka naman e este may puso ka naman. Alam mo namang wala akong close sa side nila papa. At saka para makapamasyal ka narin sa probinsya namin.]

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon