Kabanata 27

493 15 7
                                    

Nandito kami ngayon sa sala ng mansyon. Si Lola Soli naman ay nasa kwarto niya nagpapahinga habang ang parents naman nila Allysa ay bumalik naman ng manila, pero babalik din silang mamayang hapunan.

"Akala ko ngayon pupunta sila Tita dito, Liam?" Tanong ni Heart habang naghahanap ng DVD na pwede naming panoorin ngayon. Habang sila Reevan, Troy at Nate nasa kusina, 'di ko alam kung anong ginagawa baka gumagawa ng meryenda. Si Allysa naman e may kausap sa phone, at hula ko kung sino. . .

"Ano ka ba naman Jaspher! Hihihi." Hagikhik niya sa tabi ko habang naka-upo kami dito sa sofa.

Anyway si Fabian naman nasa C.R yata and I'm happy kasi mukhang naiintindihan na namin ang sides ng isa't-isa. Ayaw niya lang madamay ako sa problema niya tapos ako naman itong nag-iinarte saka bumitaw agad sa relasyon namin. Aba malay ko ba kasi? Kung naging open lang siya saakin sa problema niya, edi sana hanggang ngayon ay kami pa.

Pero kapag ang vase nabasag mahirap na buoin. Ang relasyong nabasag mas lalo ng walang closure, mahirap na ibalik sa dati. Kahit pa sinabi niya saakin na mahal niya pa rin ako at hindi 'yon magbabago. Para kasing ayoko muna.

"Fabian..."

"Let's start all over again." He said at humiwalay sa pagkakayakap namin.

"L-look Fabian, I-I'm sorry kasi hindi ko pa alam." Sabi ko sabay yuko.

"What do you mean?"

"Ayoko pa. Ayoko munang magfocus sa personal feelings ko. Saka aaminin kong g-gusto pa kita, pero hindi na 'to tulad ng dati."

Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap ito sakanya. Ngumiti siya saakin. Ngiting dahilan kung bakit ako na-inlove sakan'ya noon.

"I understand. I will wait and make sure na babalik ang dating nararamdaman mo saakin." Sabay halik niya sa noo ko.

"May sakit ka ba best? Ba't namumula ka?"

Nabalik ako sa katauhan ko nang bigla nalang nilagay ni Allysa ang palad niya sa noo ko. Wala na siyang kausap sa phone niya.

"Wala naman e." Dagdag niya. Umirap lang ako sakanya.

"Okay lang ako. Naiinitan lang."

"Nice talking, Liam." Sarkastik na sabi ni Heart kay Liam na kasalukuyang ina-adjust ang electric fan sa dereksiyon namin. Mukhang tinanong nga siya kanina ni Heart kung pupunta ngayon ang parents niya pero 'di niya ito pinansin. Ang snob lang.

"Here's some sandwiches!" Sigaw ng tatlong lalaki na sila Reevan, Nate at Troy galing sa kusina habang may bitbit na mga plato na may sandwiches at isang pitsel na may lamang juice. Nilapag nila ito sa lamesa sa harap namin.

"Ano na Heart! Bukas nalang tayo magmovie marathon?" Reevan.

"Inamo! Ang kokorni nga ng mga dvd dito!" Sagot naman ni Heart at tumayo sabay kuha ng isang sandwich.

"Jamming na lang tayo!" Masayang suggest ni Nate.

"Baka magising si Lola." Allysa.

"Hindi 'yan! Hindi naman tayo mag-iingay e. Kakanta naman tayo." Troy.

"Let's go!"

Napatingin kami lahat sa biglang nagsalita at nakita namin si Fabian na may bitbit na gitara. He's smiling so wide while looking at me. 'Di ko alam pero para akong nailang. Iniwas ko nga ang tingin ko. Bumilis kasi bigla ang tibok ng puso ko.

Nagpalakpakan naman sila at pinaupo na nila si Fabian. Actually lahat na kami nakaupo except for Liam na nakatayo lang sa may electric fan at kung ano-ano ginagawa.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon