Kasalukuyan akong nasa field ngayon. Nagwa-warm-up. Sabi kasi ni Liam, 3pm daw ang training namin pero nandito na ako sa field kahit alas dos palang. Mas gusto ko talaga kasing mag-training ng hapon. Mas energetic ako kaysa kapag umaga 'yong training. Nakakagutom kaya kapag umaga.
"May training kayo ngayon Niko?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko. Pagtingin ko si Leone pala.
"I-ikaw pala Leone. Oo e." Sagot ko nalang sakanya. Para naman 'tong kabute, bigla-bigla nalang sumusulpot.
Ngumiti siya saakin at hinila ako sa bench.
"Kamusta na?"
"Okay lang naman. Ikaw ba?"
"Okay lang din. Nabasa mo na ba ang sulat na binigay ko sa'yo?"
SHOCKS! Nakalimutan ko na naman. Hindi ko na alam kung na'san 'yon. Naglaba naman ako pero parang wala naman akong nakitang sulat sa bulsa na suot ko no'n. Sa'n ko ba talaga nalagay 'yon?
"Base sa expression mo mukhang hindi pa." Malungkot niyang sabi saakin.
Paano ko ba sasabihin sakan'ya na nawala ko?
"Nawala mo ba?"
Napatingin ako sakanya kaya nakokonsensya tuloy ako. Hindi naman kasi ako interesado sa sulat mo e. Huhu.
"K-kasi—" Naputol ang sasabihin ko nang hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
GOSH. WALANG EPEK SAAKIN 'YAN ATE GIRL!
"Okay lang. Hindi naman mas'yadong importante 'yon."
'Di naman pala gaanong importante e. Bakit ko pa pinoproblema tss.
"Sorry." Sabi ko para kunyare nagsisisi talaga akong nawala ko 'yon.
"Okay lang 'no. Ano ka ba. Hahaha." Tumayo na siya at ngumiti saakin. Kaso 'yong ngiti niya e parang may something. Luh?
"Mauna na ako ha? May praktis pa kami sa cheerdance."
"Sige, ingat ka." Ngumiti lang siya saakin at umalis na nga.
Tumayo na ako, eksakto namang nagsi-datingan ang mga teammates ko. Binigyan pa nila ako ng mga tingin na nakakaloko dahil nakasalubong pa nila si Leone. Napatingin naman ako kay Liam na binibigyan ako ng nagtatakang mukha. Problema ng ipis na 'yan?
"Magwarm-up na kayo. Para pagdating ni Coach e ready na for training." Sabi ni Liam sa mga teammates ko at lumapit saakin.
"Mukhang nakawarm-up ka na." Sabay kuha ng panyo niya at pinunasan ang pawis ko sa noo.
WTF! Bigla akong kinabahan sa ginawa niya. Bwisit. Agad ko namang tinapik ang kamay niya kaya tumawa lang siya saakin. Tss.
"Ang sweet ng NiAm."
"Kilig ako."
Napatingin ako kela Kevin at Mark na nakatingin saamin ni Liam habang kinikilig at may pahampas-hampas pa sa isa't-isa. Anong NiAm ba pinagsasabi nila? Isang klase ba ng Kikiam?
Mga bwisit talaga. Lumapit naman si Liam sakanila at binatukan silang dalawa. Napatawa nalang nga ako sakanila.
Maya-maya lang dumating na sila Coach at Ms. Mutya. Napataas nalang ang kilay ko na unti-unti na namang dumadami ang manonood. Updated talaga sila sa training namin 'no?
"Gusto niyo magpraktis game?" Tanong ni coach na nakagpaliwanag ng mga mukha ng mga teammates ko. Kahit ako nga rin e. Mas gusto ko talaga kasing naglalaro.
"Yes coach!"
"Ofcourse!"
"Why not?"
"GAME!"
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...