Nagising ako nang may bigla akong naramdaman sa paanan ko. Nang tiningnan ko ito halos kumawala ang puso ko sa sobrang kaba.
"Anak ng!"
Mga lalaki na may suot na nakakatakot na maskara ang nakatitig saakin. Teka nananaginip ba ako?
Sinampal ko ang sarili ko at napa-aray ako, so ibigsabihin totoo to?
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko sakanila.
"Welcoming you to the team. HAHAHAHA" Sabi ng lalaki sa gitna at ngayon ko lang narealize na naka soccer attire sila.
Nagulat nalang ako nang bigla nila akong hinila palabas.
"Huy. Bitawan niyo nga ako." Pagpupumiglas ko pero para namang hindi nila ako narinig dahil pinag-patuloy lang nila ang paghila saakin.
Paglabas namin, natigilan ako nang may bumuhos na malamig na tubig saakin.
"Tngna!" Mura ko habang pinipigilan ang sarili kong banatan sila. Ano bang problema nila?
"Hubad! Hubad! Hubad!" Sigaw nilang lahat at pinalibutan kami. Oo kami. Kasama rin si Dominic at Christopher na kasalukuyang basa na rin. So talagang welcome party to para saamin? Ang saya naman ng pagwe-welcome na 'to.
"Hubad na!" Sigaw nilang lahat saaming tatlo. Ba't ba kami pinapahubad nito? Mga bakla yata to e.
Napatingin naman ako sa dalawa kong kasama at mukhang naiinis na sila sa nangyayari kaya naghubad nalang sila. Omo. Ang ganda ng hubog ng katawan nila.
Bigla naman silang binuhusan ulit ng tubig. Nakapoker face lang yung dalawa habang naliligo sa tubig. Jusko. Ang po-pogi ah.
Pero nabalik ako sa sarili ko nang bigla na akong pinilit ng iba na maghubad.
Shit. Malalaman nila na babae ako kapag naghubad ako. Shit. Shit.
"Bitawan niyo nga ako. Kundi masasaktan kayo." Sabi ko sakanila pero 'di nila ako pinansin at pinilit parin akong maghubad. Pina-ekis ko ang kamay ko sa harap para di nila mahawakan yung suso ko jusko. Mainggit pa sila sa katawan ko e. Mga baklang to.
"Bitawan niyo sabi ak—."Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may biglang nagsalita.
"Tama na yan."
Agad namang umatras ang mga kalalakihan na nagpupumilit saaking maghubad. . . at nakita ko si Liam na nakasandal sa pintuan ng kwarto namin with matching cross arm pa. Kanina pa kaya siya diyan?
Umayos siya ng tayo at lumapit saakin. Tapos may pinulupot siyang towel mula sa likod ko.
"Ano ba yan captain. Ang KJ mo talaga kahit kelan." Sabi nang bida-bida talagang lalaki na pilit akong mag-hubad sabay tanggal ng maskara niya.
Kevin. One of my roomate. Aba! Siya ba ang may pakana nito?
"Magsibalik na nga kayo sa kwarto niyo kung ayaw niyong isumbong ko kayo kay Coach Wowie." Walang ganang usal lang sakanila ni Liam. Nagsi-alisan naman pagkatapos sila habang kinakalat yung mga maskara na suot nila. Pumasok naman si Kevin at Mark na ka-roommate ko sa kwarto. Kainis. Sila siguro may pakana ng walang kwenta na welcome party nato. Tss.
Eto namang dalawang 'to na si Dominic at Christopher, nagsuot ulit ng damit at umalis narin. . . pero ang pinagtataka ko kung bakit naka-poker face parin sila. Wala manlang expression ganun? Baka akala nila panaginip lang 'to.
"Magbihis ka na." Napalingon ako kay Liam nang kinausap niya ako. Pero mas naagaw nang pansin ko 'yung nasa paa niya na gumagapang.
"Ahm. Liam wag kang gagalaw."
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...