Nasa room ako ngayon mag-isa dahil nag-tra-training 'yung tatlo. Nagpaalam naman ako kay Coach Wowie na hindi muna ako makakatraining ngayon. Ang sama kasi ng katawan ko kaya nakahiga lang ako. Feeling ko nga nilalagnat ako, pero hindi naman ako mainit. Siguro sa loob ng katawan ko ang lagnat. Shy type yata. Saka ang init din kasi ng hininga ko at parang ang bigat ng katawan ko.
Kasalukuyan akong nakatalukbong lang ng kumot dahil nilalamig din ako. Nakapikit din ako dahil gusto ng mata kong matulog pero para namang may pakpak ang utak ko dahil lipad naman ito ng lipad. Hayst.
Napamulat ako ng mata ng biglang tumunog ang cellphone ko sa side table. Sino naman ang nakaalala saakin?
Bumangon ako at kinuha ang panda na stuff toy na binili saakin ni Fabian sa tabi ko. Pagkatapos, dahan-dahan ko namang ginapang ang kamay ko sa side table at kinuha ang cellphone.
[Bessywap!!]
Na-i-alis ko agad sa tenga ko ang cellphone. Tama daw bang sumigaw?
"Hindi ako bingi Allysa."
Mahinahon kong sabi ng binalik ko ulit ang cellphone ko sa tenga ko.
[Sorry bes. Mangangamusta lang. Hehehe!]
I cleared my throat kasi parang may bumabara sa lalamunan ko. Saka ang hirap magpababa ng boses kaya ibabalik ko nalang muna ang girly voice ko.
"Mangangamusta o may i-chichika?"
[Pwede both? Hahaha. Anyways, ba't parang nag-iba ang boses mo? Boses may sakit ka yata? Okay ka lang ba bessywap?]
"Hindi ko alam, pero feeling ko nilalagnat—" 'Di pa nga ako nakatapos magsalita nang magsalita ulit siya sa kabilang linya.
[Nilalagnat ka?! OMG. Do I need to call Kuya Mike? Uminom ka na ba ng gamot? Gaano kataas ang lagnat mo? OMG. Anong kailangan kong gawin? Gusto mo bang puntahan kita diyan? Bilhan nalang kita ng gam—]
"Easy. I'm fine, Allysa. Itutulog ko lang 'to. 'Wag kang OA. Tss."
[Hindi ako OA. Okay? Concern lang ako sayo. Kumain ka na ba? Kumain ka muna bessy bago ka uminom ng gam—]
"I know, I know. Pwede ba, Allysa? Calm down."
Narinig ko naman siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.
"By the way, ano nga pala ang ibigsabihin mo sa text saakin no'n na kung gusto ko bang malaman? Hindi ka kasi nagreply."
[Shocks. Oo nga! Actually, that is the main reason why I called you. Ang haba kasi ng reply ko nun kaso hindi nagsent, naubusan ng load e. Balak ko rin sanang ichat ka. Kaso, hindi ka naman nag-oonline.]
Humiga ako at binalot ko ang sarili ko sa kumot dahil nakaramdam ako ng lamig. Hala, baka may multo dito. Naramdaman ko namang nagtayuan ang balahibo ko sa iniisip ko. Ako pa naman mag-isa dito. Hayst.
Napailing-iling nalang ako para alisin sa utak ko ang mga multo-multo jusko. Baka dahil september na bukas kaya gano'n o 'di kaya isa talaga sa sintomas ng lagnat ang lamigin?
[Bessywap, still there? Kung hindi kaya ng katawan mo, pwede naman bukas ko nalang sabihin sayo.]
"It's okay bes. Ano ba 'yun? Sabihin mo na kasi ang i-chichismis mo."
Tumawa naman siya sa kabilang linya.
[Hahaha. Okay. Kasi ganito bessy, remember the time when Liam told everyone that you are his girlfriend? Yiee. Sa tuwing naaalala ko 'yun, kinikilig ako.]
Talagang in-emphasize pa niya ang 'everyone' at 'you' ha. Tss. Saka bakit pa niya kailangang ipaalala?
"So?"
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...