Kabanata 19

539 21 9
                                    


"Anong pinagsasabi mo—" Di ko natuloy ang sasabihin ko nang may bigla nag-flashback sa utak ko nang marealize kong familiar ang kwenekwento niya.

Flashback (Third Person's POV)

"Sa'n tayo pupunta ma?"

Tanong ng isang little Nikki sa mama niya.

"Mamamasyal tayo sa Luneta anak."

Lumiwanag ang mukha ni Little Nikki sa sinabi ng mama niya. First time niya kasing makakapunta sa Luneta kaya labis ang saya na nararamdaman niya.

"Yehey! Tayong dalawa lang?"

"Yes baby, namiss ka kasi ni mommy."

Niyakap ni little Nikki ang mama niya. Hindi na siya makapaghintay. Naeexcite siya.

"Let's go mom!" Masiglang sabi ni little Nikki nang maghiwalay na siya sa yakap. Hinila na niya ang mama niya papunta sa kotse.

After several minutes nakarating na sila sa Luneta Park. Halos magningning ang mata niya sa sobrang pagkamangha niya.

"Ma? 'Di ba dito pinatay si Dr. Jose Rizal? Ang pambansang bayani natin?" Tanong ni little Nikki habang magkahawak kamay sila ng kan'yang mama habang naglalakad.

"Aigo. Ang talino naman ng anak ko. Yes baby."

Ngumiti naman ng pagkalapad-lapad si little Nikki sa sinabi ng mama niya. Pero naagaw ng atensyon niya ang nagtitinda ng lobo. Mas lumiwanag ang mukha niya ng makakita siya ng isang hugis soccer ball na lobo.

"Ma gusto ko po 'yon. 'Yong hugis soccer ball po." Sabi niya habang tinuturo ang mga lobo.

"Okay sige."

At lumapit na nga sila sa nagtitinda ng lobo para bumili. Pero sa pangalawang pagkakataon naagaw na naman ng atensyon niya ang isang batang lalaki na naglalaro ng bola. Nagningning ang mata niya na isang soccer ball ang nilalaro nito.

Hindi namalayan ng mama niya na nawala na pala sa tabi niya si little Nikki. Lumapit kasi si little Nikki sa batang lalaki na may malusog na katawan na kasalukuyang sinisipa-sipa ang bola.

"Hello." Pagbati ni little Nikki sa batang lalaki. Nagtataka namang tumingin sakanya ito.

"I love soccer." Dugtong niya. Napangiti naman ang batang lalaki sa sinabi ni little Nikki.

"Kaso 'di pa ako gano'n marunong e."

"Okay lang. Tuturuan kita."

"Talaga?"

"Oo naman"

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Nikki. Ikaw?"

"Liam."

End of Flasback

"Omg! Ikaw 'yong matabang baboy sa luneta?"

Nawala naman ang ngiti niya sa sinabi ko. Bakit may nasabi ba akong masama?

"Mataba na nga, baboy pa? Grabe ka talaga manglait. Tss." Sabi niya at umiwas ng tingin.

Napatawa nalang ako sakanya. Grabe ang liit naman ng mundo. Pero 'di ko inakala na siya pala 'yon. Ang bait-bait ng batang 'yon e, ang layo-layo ang ugali sa katabi ko.

"Small world?"

Napatingin naman siya saakin kaya kumindat ako sakanya. Natawa naman ako ng mamula ang tenga niya.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon