Pagkababa ko sa lugar kung saan ang salon ni Arthur dumeritso muna ako sa public CR na malapit dito. Magbibihis ako. Namiss ko na magsuot ng dress, yung usual na sinusuot ko noon.
Pagkapasok ko sa CR ng boys napahawak agad ako sa ilong ko. Yak! Ang panghe. Ew. Dumeritso agad ako sa isang medyo malinis na cubicle. Tinanggal ko ang wig ko at nilugay ko ang mahaba kong buhok. Nagbihis na rin ako at nilagay ko na ang mga gamit ko sa backpack ko.
Pagkalabas ko ng cubicle nagulat yung ibang kalalakihan kung bakit may isang magandang babae dito. I just wink at them at tuluyan na akong lumabas.
"Baklaaaaaaa!" Sigaw ko, pagkapasok ng Salon ni Arthur. Himala wala pa siyang customer.
Maya maya lang lumabas na siya at nagtatakbong palapit saakin.
"Baklaaaa!" Then agad rin kaming nagbeso-beso.
Pagkatapos at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"You're so pretty." Sabi niya saakin habang hinahawakan yung buhok kung mahaba.
Siguro kaya nagmukha rin akong lalaki kasi matangkad din ako. My Kuya and I are like carbon copy daw. Kaya siguro malakas din charm ko sa mga babae.
Umupo na ako sa harap ng malaking salamin. Sumunod din naman siya sakin. Nasa likod ko lang siya at nakasimangot.
"Ano ba Arthur napag-usapan na natin to diba? At saka wag kang mag alala maganda parin ako kahit maikli na buhok ko."
Ngumiti naman siya sakin ng pilit.
"Kung 'di lang kita mahal eh." Sabi niya at sinimulan ng gupitin ang buhok ko.
Hindi ako nakaramdam ng lungkot sa bawat pag hulog ng ginupitang buhok ko, but actually it really feels good. Gumaan nga pakiramdam ko e.
Nang matapos na ang gupit sakin. I look at the mirror and weh? Ako to? Ba't parang wala paring nagbago? Ba't ang ganda ko parin?
"Omg. Bakla! I'm so gwapooooo" Sabi ko sakanya pero tinarayan niya lang ako. Magsasalita na sana siya nang may biglang pumasok.
Nanlaki ang mata ko ng makikilala kung sino ito. Ops.
"Nikki?"
"K-kuya?"
"Anong nangyare sayo?!"
Napatayo nalang ako sa sobrang gulat ng bigla niya akong sinigawan. Mabuti nalang talaga at wala pang tao ngayon dito sa salon ni Bakla. Napatingin ako kay bakla at natataranta rin siya.
Hindi alam ni kuya ang mga pinag gagawa ko e. Basta ang alam niya lang nagtransfer ako sa ASA o Academy of Sports and Arts. Magaling din kasi ako sa arts at suportado naman ako ng mga magulang ko diyan pero pagdating sa soccer ay hindi.
Yumuko lang ako sakanya.
"What the fck did you do Nikki Jewel Lizondra?!"
Halos mapatalon ako ng sinigaw na niya ang kompleto kung pangalan. Close naman kami ng kuya ko. Yun nga lang masyado siyang over protective sakin at laging nasunod sa mga magulang namin. My parents are not here. Nasa state sila for i don't fckng know months. Kaya tinake advantage ko na para tuparin yung pangarap ko.
"Kuya. Gusto kong maglaro sa International Soccer League Cup Tournament."
Nagulat siya sa sinabi ko at napapikit nalang sa inis.
"Are you insane Nikki?!"
Tiningnan ko lang siya habang pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Hindi ako sanay na sinisigaw ako ni Kuya.
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...