Kabanata 33

376 19 11
                                    

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you~"

"Happy, happy, happy birthday. Sayo ang pagkain, kay Niko ang inumin. Happy, happy, happy birthday. Sana'y mabusog mo kami!"

It's 3pm in the afternoon, at nandito kami ng mga teammates ko sa rooftop ng dorm namin. Kasama rin siyempre sila Coach Wowie saka Ms. Mutya. Nakaupo lang kami sa nilatag naming malaking tela. Nakapabilog kami at may mga pagkain sa gitna. Merong spaghetti, isang cake na may design pang superman, may hotdog at marshmallow pa na nasa stick.

Today is Liam's birthday. Hindi na ako nagtaka kung bakit gan'yan ang handa niya. Yes, sakan'ya talaga ang mga pagkain na 'yan. Isip bata rin kasi. Saakin naman ay drinks. Dahil mayaman ako, ang inambag ko ay Ice tea na may kasama pang bucket of ice.

Ang pwesto namin ay, sa left side ko si Liam, tapos sa right side ko naman ay si Dominic. Katabi naman ni Dominic si Kevin saka Mark, tapos katabi naman ni Liam ay sila Coach Wowie, Ms. Mutya and Christopher.

"Thank you guys, kahit wala kayong ambag." Pagpapasalamat ni Liam. Nagtawanan naman sila.

"Atleast kinantahan ka namin." Pagyayabang ni Kevin sabay apir pa nila ni Mark.

"Pangbungguin ko kaya kayo? Ni wala nga kayong regalo saakin e."

"Uy. Meron kaya." Mark.

"Saan?"

"Papunta na." Sagot naman ni Kevin na may ngisi pa.

Speaking of regalo, wala rin akong maiibigay sakan'ya. Okay lang siguro dahil mahal rin ang bili ko sa bucket of Ice 'no saka nestea.

"Wow, walking gift pala regalo niyo saakin?" Tanong naman ni Liam kela Mark at Kevin, kaya nagtawanan na naman sila. Masayahin talaga mga tao rito. Kahit hindi naman katawa-tawa e tumawa. Pero ano bang gift ng dalawang 'to kay Liam? Pasuspense pa e.

"Knowledge lang ang maiiregalo ko sa'yo." Sabat naman ni Coach Wowie sabay tapik sa balikat ni Liam. Ngumiti naman sakan'ya si Liam at nagpasalamat.

"Wala man akong mairegalo sayo, wish ko naman na sana nasa mabuti kang kalagayan palagi. And also good luck to your career." Ms. Mutya said. Ningitian ulit ni Liam si Ms. Mutya at nagpasalamat. Tumingin din siya pagkatapos sa mga teammates niya.

"Kayo?" Tanong nito. Napakamot nalang sila sa ulo at ngumiti ng pilit.

"Basta ang importante Captain, Mahal ka namin." Jaspher.

"Oo nga. We love you!" Ralph.

Napalip-bite nalang ako sakanila, para pigilan ang tawa ko. Ang kukulit talaga. Napabuntong-hininga nalang si Liam.

Napatingin kami sa pintuan ng rooftop, nang bigla itong tumunog. May tao siguro.

"Baka 'yan na ang regalo namin." Sabi ni Mark na may halong kahambugan pa ang tono.

Pagbukas nito, tumambad saamin si Leone na nakangiti. He's wearing a simple pink dress saka may hawak din itong paper bag.

Teka. . .si

Leone?

Napatingin ako kay Liam at nakatitig siya kay Leone. Hindi ko alam pero parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ni-reregla pa naman ako kaya feeling ko ang pula-pula ng mukha ko. Uminit din ang katawan ko at naikuyom ko ang kamao ko.

What the hell is she doing here?

Tahimik lang namin siyang tiningnan habang papalapit na siya kay Liam. Siya ang regalo nila Kevin? Bakit naman siya? Aba mukhang na mesmerize naman itong katabi kong si Liam sa beauty ni Leone. Hindi matanggal-tanggal ang tingin?

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon