Kabanata 25

549 16 7
                                    

Nabasag ang katahimikan nang bigla nalang tumawa ng bongga si Lola Soli. Halos maubo na nga siya sa kakatawa niya.

"Hahaha. . . mga apo ko talaga. . . hahaha."

Agad namang lumapit si Allysa kay Lola Soli at inabutan ito ng tubig. Kinuha naman ni Lola Soli ito at uminom.

"Are you okay, ma?" Tanong ng papa ni Allysa.

Tumango lang ito at bumalik naman si Allysa sa tabi ko.

"Hindi parin kayo nagbabago. . .Fabian at Liam. . .pareho parin kayo ng hilig. . . kahit sa babae. . . hahaha."

Napayuko nalang ako sa sinabi ng Lola nila. Ano ba kasing pumasok sa isip ni Liam na 'to at sinabi niyang girlfriend niya ako. May gusto ba siya saakin? Kadiri!

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Liam pero mahigpit niya lang itong hinahawakan. Namamawis pa naman na ang kamay ko.

"Pero paano nangyari 'yon?" Fabian's mother asked while staring at me. Napatingin ako sakanya at nakakunot noo siya saakin habang nakataas ang kilay.

Magsasalita na sana ako nang magsalita na si Lola Soli.

"Sige na. . . tapusin niyo na ang pagkain niyo. . ." At nagpatuloy na nga silang kumain. Nakayuko lang ako kasi sobrang awkward ang nararamdaman ko. JUSKO!

Saka isa pa, 'di ako makakain kasi hawak ni Liam ang right hand ko. Actually hindi rin naman siya kumakain. Nakatitig lang siya sa pagkain niya.

"By the way Liam, kailan pupunta dito ang mga magulang mo?" Tanong ng mama ni Allysa.

"Bukas pa po."

Tumango lang sila at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik lang ang lahat at tanging ang pag-gamit lang ng kutsara ang naririnig na ingay.

Bumulong ako kay Liam na kasalukuyang nakikipagtitigan sa pagkain niya.

"Namamawis na ang kamay ko."

Bumuntong hininga siya at binitawan na nga ang kamay ko. Tumingin siya saakin at ngumisi. Tinaasan ko nga siya ng kilay. Sarap punitin ng bibig nito o kaya lagyan ng ipis sa loob. Wait kadiri naman 'yon. HAHAHA

Pero buti nalang talaga at ni-change topic ni Lola. Baka ngayon nasa hotseat parin ako. Bakit ba kasi ako napasok sa sitwasyong ito. Parang gusto ko na lamunin ng lupa o kaya mawala nalang na parang bula. KAHIHIYAN!

-'-

Nasa guestroom ako ngayon at nakahiga lang sa kama ko. Gabi na at kakatapos lang din naming magdinner kanina. At about sa Lunch naman, after no'n dumeritso na agad ako dito sa guestroom at nagkunyaring matutulog. Baka kasi i-hotseat na naman nila ako at wala akong masagot dahil wala naman akong alam at dinamay lang talaga ako ng pakielamerong ipis na 'yon. Tss.

Sa pagkakaalam ko, nasa sala sila at nagkwekwentuhan silang magpapamilya. Pinapapunta nga ako do'n ni Allysa ngunit datapwat subalit ayoko dahil ma-o-out-of-place lang ako kaya mas mabuting dito nalang ako sa kwarto.

~ It's turning out just another day
I took a shower and I went on my way
I stopped there as usual
Had a coffee and pie
When i turned to leave
I couldn't believe my eyes

Standing there i didn't know what to say
Without one touch
We stood there face to face~

Napataas ako ng kilay nang may marinig akong nagtutug-tug ng piano at kumakanta. Mukhang sa kabilang kwarto na katabi ng guest room nang-gagaling.

Hindi ko alam kung bakit, pero tumayo ako at lumabas ng guest room. Pumunta ako sa katabing kwarto kung saan nang-gagaling 'yung kumakanta.

Nasa harap na ako ng pinto at para makasiguro na dito nga 'yon nang-gagaling, dinikit ko ang tenga ko dito.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon