Narinig kong may bumubukas na sa pintuan kaya agad-agad akong nagtalakubong ng kumot. Kunyari tulog nalang ako. Shems. Paano ba pakalmahin ang puso? Hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok nito. Kainis.
"Si Niko ba 'yan?"
'Rinig kong boses ni Mark. Ay hindi, multo 'to! Multo. Tss.
"Tulog na agad siya?" Tanong naman ni Kevin. Ay hindi, gising ako!
Napahigpit ang paghawak ko sa kumot nang biglang gumalaw 'yong hinihigaan ko. Mas lalong lumakas ang dibdib ko nang nagsalita na si Liam. Napapikit tuloy ako ng bongga. SHET!
"Binilhan kita ng fries at sundae. Sayang naman."
'Di ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa pag-acting kong tulog.
"Nikki?"
"AHHHHHHHHH" Sigaw at biglang bangon ko. Nasapak ko pa nga siya e. Paano ba naman? Bigla siyang bumulong sa tenga ko e ang init ng hininga niya. Nakuryente buong pagkatao ko.
"Aw."
Napatingin naman ako sa dalawa na sila Mark at Kevin habang nakatingin saakin na may halong pagtataka sa mga mukha nila.
Oh syet.
"Ang tinis ng boses mo" Sabi ni Kevin habang sinusubo ang fries na kanina pa sa kamay niya. Nagkibit-balikat lang pagkatapos silang dalawa dahilan para makahinga ako ng maluwag. Pahamak kasi si Liam na 'to e.
"Pero mas matinis 'yong kay Liam. Naalala mo 'yong about sa ipis. HAHAHA" Mark
"Oo para siyang bakla. HAHAHA" Dugtong ni Kevin.
Napabuntong-hininga nalang ako at napapoker face nalang sa dalawang 'to. Napatingin naman ako kay Liam na kasalukuyang hinihipo 'yong panga niya. Mukhang napalakas yata ang sapak ko sakanya ah.
"Masakit ha. Matapos kitang bilhan ng fries at sundae, sasapakin mo lang ako." Nakapout niyang pagre-reklamo saakin.
"Sino ba kasing may sabi na bilhan mo ako?"
"Nagmamagandang loob na nga. Napasama pa." Sagot niya at tumayo papunta sa dalawa na kumakain na sa lamesa, pero nilapag niya muna ang fries at sundae sa side table ko.
"H'wag mo nalang galawin kung ayaw mo." May halong lungkot na dagdag pa niya.
Nangongonsensya ba siya? Kung oo, sobrang effective. Bwisit talaga 'to.
"Well, thanks." I said dahilan para mapatingin siya saakin. Then ngumiti ng pagkalapad-lapad.
"Welcome." Sabi niya at kumain na siya. Nakakunot-noo lang 'yong dalawa habang pabalik-balik ang tingin saamin ni Liam.
"Okay na sila bro."
"Oo nga kilig ako."
I just rolled my eyes sa bulungan nila Kevin at Mark. Nagbulungan pa kayo kung 'rinig naman. Tss.
Napatingin ako sa fries at sundae saka kinuha ito. Masyado lang siguro akong praning. Baka nga nagmamagandang loob lang itong si Liam tapos ang OA ko na. Sadyang kinakabahan lang kasi ako sa mga ginagawa niya e, naaapektuhan kasi ako. Kainis.
-'-
"Gisingin mo na yang si Niko"
"Hayaan niyo lang."
"Sus Liam! Favoritsm ka talaga. Kami nga halos bugbugin mo na kami magising lang 'tapos si Niko? Ni ayaw mong pagalawin? HUTISYA!"
"Tss."
"Pabayaan mo na Mark. Kapag mahal mo gagawin mo talaga ang lahat."
"Anong konek? Sira ulo ka talaga Kevin."
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...