"Attention everyone." Coach Wowie said habang pinapalakpak yung kamay niya para makinig kami sakanya. Nasa field kami ngayon kasi may training kami. Salamat naman. Paano kami mananalo sa ISCLT kung minsan lang kami nagt-training diba? Actually wala pang schedule kung kailan ang ISLCT pero basta within this year daw. Nangangalahati na ng taon tapos dalawang beses palang kami nagt-training. Jusko. Pero okay lang, ako nalang ang magpapanalo. grin."We are all aware na this year gaganapin ang ISCLT that will be held here in ASA."
Nagtanguan naman kami sa sinabi ni Ms. Mutya habang nakangiti ng malapad saamin.
Oh. Speaking of ISCLT.
"Meron na kaming nareceive na schedule and gaganapin ito on December 23, 2017 Saturday." Dagdag ni Ms. Mutya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ibang klaseng excitement nararamdaman ko. SHET. ETO NA TALAGA!
"Excited na ako." Bulong ng katabi ko. Sino pa ba? Edi ang salot sa buhay ko. "Uy. Nikki."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya kaya tiningnan ko naman siya ng masama. Paano niya nalaman totoo kong pangalan?
Ngumisi naman siya sakin. Ngising demonyo bwisit. Tss.
"Nanghula lang ako na pwede mong totoong pangalan, tumama agad ako. Hahaha."
I rolled my eyes sabay tinapakan ng malakas ang paa niya.
"Aray!" Reak niya.
I just smirk at him at umalis na ako sa tabi niya saka tumabi kay Dominic. Nakastads pa naman ako na sapatos, for sure masakit yun. Bagay sayo yan. Panira ng pangarap e.
"Anyare sayo captain?"
"Okay ka lang Liam?"
Rinig kong tanong sakanya ng ibang teammates. Naramdaman ko naman at nakita ko sa peripheral vision ko na tinitingnan niya ako ng masama. Hindi ko nalang siya pinansin. Buti nga yan sayo. Tsk.
"Okay, for now, hahatiin ko kayo sa dalawa and we will have a practice game." Coach Wowie
Naghiyawan naman silang lahat. Napangiti nalang ako. Namiss ko din maglaro uy.
"The first team ay sila Liam, Mark, Dominic..."
Hanggang sa imention na niya lahat ng nasa first team, wala parin yung pangalan ko so ibigsabihin lang nun e lahat kaming hindi natawag ay sa second team.
Dahil 18 kami lahat, tig 8 members each team kami. Pero dahil 7 sides lang dapat, yung isa saamin e bangko. Half court lang din kami maglalaro kasi kunti lang naman kami.
Ang soccer kasi ay nagco-consist ng 11 people in each team, kapag whole soccer field na talaga ang gagamitin.
Nang makapag warm up na kami, maya maya lang e nagpito na si Coach para sabihing maguumpisa na ang practice game.
"GO LIAM!"
"GALINGAN MO LIAM!"
"GO TEAM"
"WAAAH! NIKO!"
"KYAAAH! GO MARK!"
"GO KEVIN!"
Napatingin ako sa mga nagsisigawan at nagulat ako nang sobrang dami nilang nandito para manood. Whoa.
"Masanay ka na." Sabi saakin ni Kevin sabay tapik sa balikat ko. Napatingin ako sakanya at pumunta siya sa pwesto niya. Nag last man pala siya. Yung last man ay kasama sa defender, sila yung mga nagsusupport sa goal keeper.
Pumwesto narin ako at sa forward ako as usual. Well kaming dalawa pala, kasama ko si Christopher. Yung mga forward ay sila yung mga usually dumadala ng bola and nag g-goal.
Pumwesto narin naman yung isa kong teammate sa midfield. Siya naman yung sumusuporta sa mga forward.
Napatingin naman ako kay Liam na ngumingisi saakin. Gusto niya sakanila daw yung bola edi sainyo porket captain ball. Tss.
Siya lang mag isa yung forward tapos nasa midfield naman sila Mark saka Dominic.
prrrrtt
Pagkapito ng pagkapito ay agad dinala ni Liam yung bola. Nagulat ako sa galing niyang magdribble ng bola sa paa niya. Ngayon ko lang siyang makikitang maglaro at mukhang magaling nga talaga siya.
Agad namang lumapit si Christopher sakanya at nagbody-body. Body-body tawag namin kapag gusto mong agawin yung bola. Ginagamit mo yung katawan mo pantulak sa katawan ng kalaban para makuha yung bola. Bawal maniko o hawakan o pigilan o hilahin yung kalaban kasi maf-foul ka dapat katawan mo lang o yung braso mo.
Napangisi ako nang naagaw ni Christopher sakanya yung bola. Isa rin to sa mga magaling e.
"Dito!" Sigaw ko kay Christopher kaya napatingin naman siya saakin. Pero naramdaman kong may papalapit saakin at mukhang uunahan akong makareceive ng bola kaya bago niya maipasa sakin, sumenyas na agad ako kay christopher gamit yung nguso ko na sa kateam naming isa na midfield niya ipasa. So sinunod naman niya. Napamura naman yung lumapit saakin at si Dominic pala. Ngumisi lang ako sakanya.
Dinala na nga ng isa kong kateammate na sa pagkakaalam ko is si Jaspher. He's good too but mukhang wala siyang balance, bigla kasing sumulpot si Liam kaya ayun naagaw agad sakanya at natumba siya. Lumapit ako at tinulungan siyang tumayo.
"GO JASPHER!"
Rinig kong support sakanya pero bakit parang familiar yung boses na yun? Napatingin ako sa sumigaw at nanlaki ang mata ko nang makita na naman yung dalawa kong kaibigan. Ngiting ngiti pa sila saakin. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Jaspher at kumindat siya. Sino kinindatan niya? Tumingin ulit ako sa dalawa kong kaibigan at nakita kong namumula si Allysa tapos tinulak-tulak naman siya ni Arturo. Tsk.
"Move."
Natauhan ako ng tinapik ako ni Christopher kaya napatingin ako kay Liam na nasa goal post na. WTF ANG BILIS NIYA.
prrrttt
"shit" bulong ko na lang sa sarili.
"Goal!"
"WAAAAH ANG GALING MO TALAGA LIAM"
"OMG WAAAAH LIAM"
"GO LIAM"
Naglakad pabalik si Liam at tinitigan ako. Hala ang gwapo.
Wait what? Yaaaaak. Kadiri.
Lumapit siya saakin at ngumisi.
"Saan na pinagmamalaki mo?"
Tiningnan ko naman siya ng masama at tinulak ko siya. Tinawanan niya lang ako. Just wait Liam. Nag iipon pa ako ng energy. Tss.
Pumwesto na ulit kami. Saamin na ngayon yung bola. Tinitigan ko si Liam at nagsmirk ako sakanya dahilan para tumawa siya. Sige lang tawa ka lang. Lalampasuhin kitang ipis ka.
prrrttt
Pinasa ko kaagad kay Christopher yung bola at tumakbo pasukob sa team nila Liam. Agad namang pilit na inagaw ni Dominic kay Christopher yung bola pero hindi niya nagawa kasi dali-dali ring pinasa saakin ni Christopher yung bola. Nang dala ko na 'to nakita ko si Liam na nakangisi sa harapan ko na nakaharang. Napatingin ako sa paa niya at napangisi rin. Agad kong pinalusot ang bola sa dalawa niyang paa na nakabukaka at agad na nireceive sa likod niya. Narinig ko pa siyang nagmura. Ano ka ngayon?
Pero hindi pa ako nakakalayo sakanya, nasa tabi ko na agad siya. Nagbody-body siya saakin para maagaw yung bola. Masyado siyang malakas kaya na-out of balance ako dagdag pa na naapakan ko yung bola dahilan para matipalok yung paa ko.
"Shit." Mura ko habang nakaupo na at hawak hawak ang paa ko. Shet ang sakit. 'Di kasi maganda pag tipalok ko.
"Niko." Sabi naman ni Liam at agad-agad na lumapit saakin at hinubad yung sapatos ko.
"Omg Niko. Are you okay?" Nagulat nalang ako na madami ng nakalibot saakin. Sama mo narin ang nag-aalalang mukha ni Leone. Napatingin naman ako pagkatapos kay Liam na seryosong hinihilot yung paa ko.
May kung ano namang biglang dumaan na kalabog sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...