Kabanata 21

579 28 3
                                    

'Di ko nalang pinansin ang sinabi niya at nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa bus. Nakita ko naman si Allysa na nasa second to the last sa right side na nakaupo. Agad naman akong lumapit sakanya at akma na sanang uupo ng pinigilan niya ako.

"Hep!"

"What?!"

"May space pa sa likod."

Napatingin naman ako sa last na upuan, may dalawang upuan pa ngang blanko tapos sa pinakadulo e halos puno na—'yong sa mahabang upuan ng bus. Basta.

Hinarap ko siya ulit at tinaasan ng kilay. Ano ba pinaparating niya?

"Eh ano naman ngayon?" Sabi ko habang nilalagay ko ang backpack ko sa lalagyanan sa itaas.

"Doon ka umupo."

"What the—"

"Ate dito ka na lang umupo." Sabi niya sa Aleng nasa likod ko.

Hayop! Taksil na kaibigan 'to! Buti nga at sinamahan ko siya dito e. Langya 'to walang utang na loob hmp.

Agad naman akong tinabig ng Ale sabay upo sa tabi ni Allysa. Ngumiti lang saakin si Allysa at sumenyas na sa likod na ako umupo. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Bwisit ka!" Tinawanan lang niya ako. Tinaasan pa nga ako ng kilay no'ng Ale, akala niya yata siya ang sinabihan ko. Assuming naman luh?

So ayun no choice kaya dito nalang ako sa likod niya umupo. Pumwesto ako sa may bitana. Pero teka, nasa'n si Li—

"Gusto mo?"

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Liam na kakaupo lang habang inaalok saakin ang isang nilagang itlog pugo.

"Sa'n ka galing?"

"Namiss mo agad ako?" Sabi niya sabay bigay saakin ng nakakalokong tingin. Tss. Tinarayan ko na nga lang at tumingin nalang sa labas ng bintana ng bus.

"Bumili ako sakanya e. Eto naman tampo agad."

Napatingin naman ako sakanya at sa babaeng nakangiting nakatingin din saakin na katabi niyang nakatayo na may mga bitbit na mga itlog pugo, mga mani saka chicharon.

"Ahh" Sagot ko at binaling ulit ang tingin ko sa labas.

"LQ kayo sir?"

"Oo e. Pasensya na ha? Sensitive talaga girlfriend ko." Napatingin naman ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama. Girlfriend niya daw ako kadiri.

Narinig ko namang tumawa 'yong babaeng nagtitinda. "Sige ho. Salamat sa buena mano." At tuluyan na nga siyang umalis at bumaba ng bus.

"Girlfriend na pinagsasabi mo? Nakakadiri."

"E ba't ka namumula?"

Napahawak naman ako sa mukha ko, namumula ako? Hindi nga?

"Kinilig ka naman e."

Tinarayan ko lang siya ulit at nagfocus nalang ako ulit tumingin sa labas. Kasalukuyan na din kasing umaandar na ang bus.

"Ayaw mo ba talaga ng pugo?"

"Tss."

"Suplada."

new message

Kinuha ko ang cellphone ko sa bitbit kong pouch at binasa kong sinong nakaalala saakin.

Nilalanggam ako dito. Shet

Napapokerface nalang ako sa nabasang kong text na galing kay Allysa.

new message

Marami kang ikwekwento saakin bruha!

Pinagsasabi nito?

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon