Kabanata 12

598 20 12
                                    


"TEAM NIAM IS REAL!" Sigaw ng dalawa dahilan para matauhan ako. Pakening tape naman.

Dali-dali kong tinulak si Liam dahilan para mahulog siya sa sahig.

"Ba't ka nanunulak?!" Singhal niya saakin habang nakakunot noong nakaupo sa sahig. Nagtawanan naman yung dalawa kaya napatingin naman kami ni Liam sakanila.

"Naistorbo yata natin sila Mark."

"Ikaw naman kasi Kevin ang ingay mo e." Sabay hagalpak na naman nila ng tawa. Tiningnan nga namin sila ng masama dahilan para mas lalong umalingaw-ngaw ang mga tawa nila sa kwarto.

"Ang bilis mo talaga captain." Dagdag pa ni Mark habang tinuturo si Liam.

"Nakahubad ka na agad." Panggagtong pa ni Kevin at nagtawanan na naman sila with matching apir pa sa isa't-isa.

Napatingin naman ako kay Liam na tinatakpan yung katawan niya gamit ang mga kamay niya.

Oo nga pala, wala pala siyang t-shirt. Tss. Mas lalo tuloy na-green minded utak ng dalawang to.

"Mga gago!" Sigaw ni Liam sakanila sabay tayo niya habang hinahawakan yung pwet na nahulog. Mukhang napalakas yata ang tulak ko sakanya ah.

Tiningnan niya muna ako ng masama bago umakyat sa taas kung saan yung higaan niya. Tatawa-tawa naman yung dalawa habang naglalakad papunta sa kabilang double deck kung saan din ang higaan nila.

Tinarayan ko nalang sila at tumayo ako. Lalabas nalang ako dito baka ako na naman pagtripan nila.

"Uy Niko sa'n ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Kevin.

"Sa impyerno sama ka?" Sagot ko habang pinipihit na ang doorknob.

"Uy sumama ka na do'n tutal demonyo ka naman. Hahaha." Tukso ni Mark kay Kevin at ayun nagrambulan na sila. Nakita ko naman si Liam na natulog ulit. Napailing nalang ako nang maalala ko yung mga titig niya kanina at kung gaano kaganda yung mata niya. Shet. Erase. Erase.

Tuluyan na akong lumabas ng kwarto. Narinig ko pang nagpahabol sila Kevin at Mark ng panunukso saamin ni Liam.

"Suportado namin kayo!"

"We love NiAm forever!"

"Tumahimik nga kayo. Mga bwisit kayo. Kingina niyo." Pag-rereklamo ni Liam.

I just rolled my eyes at them. Mga makukulit talaga e. Tss. Maglalakad-lakad nalang nga ako, gusto ko naman maka-langhap ng fresh air.

Habang pababa na ako at palabas ng Boy's dormitory biglang tumunog yung cellphone ko. May nakaalala yata saakin.

I answered it without even looking at the name kung sino ang tumatawag. Nakakatamad tingnan e at saka ang baba ng brightness ng phone ko, 'di ko naman gaano makita.

"Hello?"

[Nikki. Si Mike to.]

"Oh kuya. Napatawag ka?"

[Teka. Si Nikki ba talaga to?]

Napapoker face nalang ako sa tanong ni kuya. 'Di ba pwedeng nag-iingat lang ako? Kaloka. Binabaan ko kasi ang boses ko.

"Alam mo naman kung bakit kuya diba? Nakalimutan agad?"

Narinig ko naman siyang nagbuntong-hininga.

[Oo nga pala sorry. By the way Nikki... ahm... may kailangan kang malaman.]

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Well, lahat naman tayo kinakabahan kapag ganyan ang bungad sayo e. Pero ano nga ba ang kailangan kong malaman?

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon