Nasa soccer field ako ngayon. Wala naman kaming training today pero sadyang miss ko lang yung baby ko. Ball is life mga teh.Sinisipa-sipa ko yung bola nang parang napapansin ko na may nakatingin saakin. Si Coach Wowie pala.
He just smiled at me and nagthumbs up siya. Pero hindi lang naman siya yung nakatingin saakin, nasa tabi niya si Liam.
He's just giving me a blank stare. Ano na naman problema ng lalaki na yan saakin? Tss. Naalala ko tuloy yung sinabi saakin ni Allysa bago sila umalis ni Arthur. Pero bago yun, kaya pala sila nakapasok dito kahapon, kasi walang guard kaya nakalusot sila. Aba yung mga teammates kong 'to gusto pang bumalik ulit sila. Actually si Allysa lang. Charot. Well no doubt she's pretty naman e, may pagkamalandi lang pero matino naman siyang babae. Si Arthur? Actually siya talaga yung malandi. Charot. Pero love na love ko yung Arturo nayun.
So anyways sabi nga ni Allysa may nafe-feel daw siyang something kay Liam. Tinukso ko pa nga siya baka crush niya pero sinapok niya lang ako. Gwapo daw ito pero hindi niya type. Mapili rin ang loka.
"Ang lalim ng iniisip ah."
Napatingin nalang ako sa nagsalita nang bigla siyang sumulpot at inagaw saakin yung bola saka ito pinaglaruan. Sino pa ba? Edi si Liam.
"Tsk. Kumuha ka nga ng sariling mong bola." Sabi ko at agad na inagaw sakanya 'yung bola. Pero napa-pikit nalang ako sa inis nang inakbayan niya ako. Mukhang mang-i-inis na naman 'to. Pabago-bago rin talaga mood nito e. Tss.
"May alam ako sayo."
Nanlaki ang mata ko bigla sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig buong katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sinabi kaya sakanya ni Coach Wowie? Sabi niya wala siyang pagsasabihan?
"Naestatwa kana."
Inalis na niya 'yung kamay niya at humarap saakin while giving me an irritating smile.
"You're a girl."
Mas lalo akong naestatwa sa sinabi niya. Hindi na nga ako halos makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Alam na din niya. Paano na? COACH WOWIE!
"Don't worry. Walang sinabi saakin si Coach Wowie." Sabi nito habang naka-ngiti pa rin. Hindi ko alam pero inis talaga ako sa ngiti niya. "Hmm. Matagal-tagal narin nung nakahalata ako." Dagdag pa nito.
Kinunutan ko naman siya ng noo. Nahalata niya? Tapos matagal na?
"Nung try out mo palang may duda na ako sayo. Pero nung una inisip ko lang baka bakla ka lang."
Tahimik lang akong nakatingin sakanya habang hinihintay yung mga susunod niyang sasabihin. Dumeritso siya ng tayo at nilagay ang mga kamay sa bulsa niya. Nakangisi parin ito saakin. Ang sarap tuloy burahin ng bibig niya!
"Then naconfirm ko yung duda ko nung 1st training natin. I mean not in the field but in the Shower Room."
What? Shower Room? Nandun ba siya nung--- OMFG.
"Yes. Nakita at narinig ko kayong nag-u-usap nun ni Coach Wowie. Actually napadaan lang ako nun kaso nakita ko si Coach na pumasok ng Shower Room. Balak ko sana siyang gulatin kaso ako yata yung nagulat." Pagsasalita nito.
"Nice skin by the way." Dagdag pa niya. Gusto ko sana magsalita kaso parang nanuyot yung lalamunan ko. Nakita niya rin akong naka-towel lang? Shet.
Lumapit siya saakin, sobrang lapit. Nararamdaman ko na nga 'yung hininga niya. Para na tuloy nabaliw yung puso ko. Hindi ko na ma-explain yung nararamdaman ko. Kabado bente ako!
"Wala akong pagsasabihan."
Nakatingin parin ako sakanya. Kahit papano e nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya na hindi niya ipagsasabi.
"But in one condition."
What the! Na-itulak ko tuloy siya ng medyo malakas dahilan para matumba siya. Ops.
"Aray! Anong problema mo?" Sabi niya habang halos magdugtong na yung kilay niya sa sobrang inis. Kabwisit kasi to.
"Anong one condition?" Tanong ko sakanya dahilan para humagalpak siya ng tawa. Baliw na talaga to.
"Kaya mo paring magpaka-lalaking boses no? Idol. Hahaha."
Tiningnan ko na lang siya ng masama. Iniinis talaga ako netong ipis nato. Kapag talaga ako napuno, bubuhusan ko siya ng isang sakong ipis ng lumadlad na siya. Tss.
"Chill ka lang. Remember baby, I know your secret." He said habang tumatayo at pinapagpagan yung damit niya. Napabuntong-hininga nalang ako. Pinang-blackmail pa saakin. Bwisit!
"Madali lang naman yung condition e. Tulungan mo ako kay Leone." Dagdag niya. Napataas nalang ako ng kilay sa sinabi niyang condition niya. Gagawin pa akong tulay ng ipis nato. Tss.
"Hindi ka ba marunong dumiskarte sakanya? Ang hina mo naman. Talo pa pala kita."
Naningkit naman yung mata niya sa sinabi ko. Napalip-bite nalang ako para pigilan yung tawa ko. Yung mukha niya kasi hindi ma-ipinta. Yung ang lakas niya mang-asar, tapos kapag siya inasar pikon naman.
"Liam!"
Napatingin kami sa tumawag kay Liam at sila Mark saka Kevin lang pala.
"Hey guys. May sasabihin pala ako sainyo." Sabi bigla ni Liam nang makalapit na yung dalawa saamin. Nanlaki ang mata kong napatingin kay Liam. He looked at me too and gave me freaking smirk. Shet. Mukhang sasabihin niya kela Mark at Kevin.
"Alam niyo guys may nalaman ako kay Niko." Panimula niya sabay lapit at akbay saakin. Tiningnan ko siya ng masama pero mukhang walang epekto sakanya kasi mas lalong lang siyang ngumisi.
"Oh ano naman nyon?" Mark.
"Sabihin mo na." Kevin.
"Kasi ganito. Si Niko ay isang..."
Napalunok ako ng laway. Sasabihin niya talaga? Hindi pwede.
Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya. Wala na akong magagawa pa kundi awatin ang bunganga ng ipis na 'to.
"Gwapo." Pagpapatuloy ko sa sinabi ni Liam.
Napataas naman ng kilay yung dalawa tapos ito namang si Liam ay humagalpak ng tawa. Bwisit.
"Nakadrugs ba kayo?" Kevin
"Ibang klase talaga ang Team NiAm." Mark, habang pa-iling-iling na usal nito pabalik-balik ang tingin samin ni Liam.
Napa-poker face nalang ako sakanila. Dagdag din ang dalawang to e.
Kinalabit naman ako ni Liam at bumulong saakin.
"So ano? Deal?"
May magagawa pa ba ako?
Tumango na lang ako at saka sabay sipa ng malakas sa bola at tuluyang naglakad na palayo sakanila. Baka kapag nag-stay pa ako do'n hindi ko na mapigilan sarili kong jombagan sila.
"Anong ginawa mo dun Liam?" Mark
"LQ yata sila" Kevin
"Mga gago." Liam
Narinig ko namang nagtawanan silang tatlo. Fighting lang Nikki! Makakayanan mo 'to. Salot lang talaga kasi sa buhay ko 'yang si Liam. Pinapahirapan ako sa pag-abot ko ng pangarap.
Paano ko ba siya matutulungan kay Leone? Mukhang hindi naman kasi interesado sakanya ito e. Nakakainis! Binibigyan niya talaga ako ng problema. Hayop ka talaga Liam! Hayop!
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...