Mabilis lumipas ang mga araw at november na ngayon. Naging seryoso na rin kami sa training namin dahil next month na ang tournament na pinakahihintay namin. Iniisip ko pa nga lang na-eexcite na agad ang mga muscles ko sa paa. To think na mga professional soccer players from America ang makakalaban namin. Nevermind about the life I will have after the tournament. Hays. But speaking of, mommy called me again last week. Siyempre nangamusta, pero ang pakay niya talaga sa tawag niya ay pinapipili ako. . .
Between pursuing Law or Accountancy?
Hindi ko alam why are they asking me about it again, kung napag-usapan naman na namin 'to noon. Anyways, ang totoo niyan ay natutuwa nga ako kahit mga 45% lang. Para kasing mas gusto ko nalang kunin ang Accountancy to be a Certified Professional Accountant than being an Attorney. I'm almost 22 years old and if I take Law, mababaliw ako sa kakaaral for 10 freaking years! Sa pagkakaalam ko pa nga lahat dapat ng R.A or Republic Act ime-memorize mo. Mas gugustuhin ko nalang magkwenta ng pera at magmonitor ng mga assets, liabilities, revenue and owner's equity kesa mag-memorize. Kaloka.
That's why sinabi ko kay mommy na Accountancy na talaga at final na ito. 4 years lang naman yata 'yan tapos 1 year of review kung gusto mo para first take lang sa board, ay makapasa agad to be CPA. Actually hindi talaga pumasok sa utak ko ang pagiging accountant or a business woman what-so-ever. Masyado kasing occupied ang utak ko ng passion ko sa paglalaro ng soccer. It's like a drug and I'm already addicted to it. Pero noon talaga pinangarap ko ring maging Architect, pero noon pa talaga 'yun. Eventhough may talent naman talaga ako sa pagdedesign, mas gusto ko pa rin talaga ang soccer.
"Hey." Naramdaman ko nalang na pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko mula sa likod. Pero dahil nabigla ako sa ginawa niya, hinawakan ko ang wrist niya at pinihit ito. "WHAT THE—OUCH!"
Binitawan ko agad ang kamay niya at pumunta siya sa harap ko habang naka-pout at hawak ang isang wrist niya. Hindi ko alam kung mannerism ko na ba talaga ang manakit kapag nasa deep thoughts ako tapos may manggugulat.
"Binigla mo ako e." Sabi ko sabay lapit sakan'ya. Umatras siya ng kaunti at tiningnan ako ng masama. Napatawa nalang ako ng mahina sakan'ya. Para siyang bata.
Nandito kaming dalawa ni Liam sa field, kakatapos lang ng training namin at kami na lang dito naiwan. Wala pa nga ako sa sarili ko habang nasa training kanina dahil may kung ano akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Naka-ilang sigaw ako kay coach saka irap kay Ms. Mutya. Hays. Lunch na at mukhang wala pa kaming balak kumain. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito sa field dahil ang lamig. Wala rin kasi si haring araw at natatakpan lang ng mga mapuputing ulap ang langit. Pero sa hindi malamang dahilan may kung ano nga akong nararamdaman. Eto na naman siya. And I really don't like this feeling.
"Bakit ba kasi ang lalim ng iniisip mo?" Tanong niya habang hinihimas pa rin ang wrist niya. Mahina lang naman 'yun e. OA talaga nito. "Parang na dislocate 'yung buto ko." Bulong pa niya.
Sinipa ko muna ang maliit na bato sa paanan ko bago ko siya sinagot. "Wala naman."
Hindi ko pa kasi namention sakan'ya na sa january na ako aalis. January 10 to be exact at 4:30pm. Pero sa tingin ko aware naman siyang aalis ako dahil mukhang nabanggit ko naman sakan'ya 'to noon.
"Weh? 'Yung totoo?" Tanong naman niya ng seryoso. He's looking directly to my eye, kaya nagwala na naman ang puso ko. Bakit ba hindi ako nasasanay na sa tuwing kasama ko 'tong si Liam, laging hindi ako makahinga sa kaba. Kahit wala namang nakaka-kaba, bigla ka nalang makakaramdam ng tambol sa dibdib mo.
"Yeah. It's just nothing. Tara kain na tayo nagugutom na ako." Pag-iwas ko at naglakad na ako papalayo sakan'ya. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong sabihin sakan'ya na aalis na ako. It's like I'm afraid kung anong magiging reaction niya at kung anong mararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...