Pagmulat ko ng mata, napapikit rin ako agad dahil nasilaw ako sa liwanag. Dahan-dahan ko nalang minulat ang ang aking mata para maka-adjust sa liwanag.
"Nikki—I mean, Niko?" Bungad saakin ng isang lalaki na bakas sa mukha ang pag-aalala. Kinunotan ko lang siya ng noo.
"Iwan ko na muna kayo. May aasikasuhin lang ako." Narinig kong sabi ng nurse at tuluyan na nga siyang lumabas. Mukhang nasa clinic kami.
"Nikki, sa susunod pumayag ka ng samahan kit—" 'Di niya natuloy ang sasabihin niya nang binigyan ko lang siya ng kunot ng noo.
"T-teka s-sino ka ba?" Tanong ko sakan'ya na nakapanganga at nakapalaki ng mata niya. Mas lalo siyang lumapit saakin at hinawakan ang mukha ko.
"You're joking. Imposible namang nagka-amnesia ka agad?" Sabi niya habang ngayon ay nanliliit ang mata niyang hinuhuli ang tingin ko. Pero halata parin sa mukha niya na kinakabahan siya at natatakot.
"Do I look like I'm joking? I don't even know where the hell am I and what I am doing here." Sabi ko sakan'ya na may irita sa tono.
Napabitaw naman siya sa paghawak sa kamay ko at napaatras. Nanlaki ulit ang mata niya saka napahawak pa sa bibig niya. Napailing-iling rin siya and parang anytime ay maiiyak siya.
Lumapit uli siya saakin at hinawakan ang kamay ko. Nagmamakaawa rin ang mukha niya. Tinitigan niya ako habang kumikislap ang mata niya. Mukha talaga siyang naiiyak.
"Nikki naman, hindi magandang biro 'yan." Sabi niya at may butil ng tubig ng tuluyang bumagsak sa right eye niya.
Kinunotan ko lang ulit siya. Pero nabigla nalang ako ng humagugol siya at ngumawa sa kamay ko.
"Nikki. . .naman. . .ako to. . .ang pinakagwapo mong boyfriend. . .Nikki. . .remember—"
'Di niya natapos ang sasabihin niya ng tinulak ko siya gamit ang kamay kong puro uhog at luha na niya.
"Boyfriend? Kailan pa kita naging boyfriend?" Taas kilay na tanong ko sakan'ya.
Tulala naman siyang nakatingin saakin habang nakaupo sa sahig.
Hayst! 'Di ko na tuloy natuloy ang magpanggap na may amnesia dahil sa sinabi niyang boyfriend ko daw siya. So baka maniwala talaga ako sakan'ya na boyfriend ko nga siya kapag totoong nagkamnesia ako.
Gusto mo naman e.
Shut up.
Pwede na talaga akong maging best actress sa ginawa ko kanina. Akalain mong naniwala talaga siyang may amnesia ako. O 'di kaya sadyang uto-uto lang siya.
"Naaalala mo na ako?" Tanong niya habang tumatayo at lumalapit saakin.
Napairap nalang ako at napahawak sa leeg kong may bandaid. Hinawakan ko rin ang gilid ng bibig ko at nangiwi ako ng masakit ito. May pasa yata dahil siguro sa pagsuntok saakin ng bakulaw na 'yun. Tapos sinugatan pa nila ang flawless na skin ko. Mga bwisit sila.
"Nikki!" Sigaw ni Liam at niyakap ako. Nasagi pa niya ang sugat ko sa leeg kaya napangiwi ulit ako. "H'wag mo na akong binibiro ng gano'n, kasi hindi nakakatawa. I'm happy that you're fine now."
Infairness, nakakakilig naman talaga minsan ang mga linyahan ng lalaking 'to.
"If you just see your face. Hahaha." Tukso ko sakan'ya. Humiwalay naman siya sa yakap at tiningnan ako ng masama.
"Tss. Wala na bang masakit sayo?" He asked habang nag-aalala pa rin ang mukha niya.
Tinulak ko ang mukha niya gamit ang palad ko. "I'm fine, idiot."
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...