Kagaya sa mga nababasa at mga napapanood ko, kapag talaga nasa romantic moment na may isang tao talagang laging ume-epal.
"Liam?"
Humiwalay ako sa pagkakayakap namin ni Fabian at hinarap siya na kasalukuyan pang nakacross-arm.
"Hinanap kita, tapos dito ka lang pala." Panimula niya at tiningnan si Fabian ng masama. "Kasama pa 'yang lalaki na 'yan?"
Narinig ko namang nagsmirk si Fabian sa sinabi ni Liam. Ano ba pinuputok ng buchi nito?
Lumapit si Liam saamin then he freaking grab my right hand.
"Aray." Angal ko pero 'di nila ako pinansin. Nagtitigan lang silang dalawa. Ako naman, pinabalik-balik ko ang tingin sakanilang dalawa. Kung fantasy lang 'to, for sure makakakita ako ng parang kidlat mula sa mga mata nila. Parang nag-aaway sila pero sa pamamagitan lang ng titig. Ayos ah?
"Hindi ko alam kung saan kayo nagkakilala or kung paano at bakit kayo magkakilala. . ." Fabian said with a bitter smile. "Pero isa lang ang sa isip ko. Lahat talaga ng dapat saakin, inaagaw mo."
WAAAAAH. Para silang mga bata. Jusko. Naramdaman ko nalang na humigpit ang hawak ni Liam sa wrist ko. Alam ko namang may away kayong dalawa pero sana naman 'wag niyong dinadamay beauty ko kasi maglalaro pa ako sa ISCLT!
"Kahit kailan, wala akong inaagaw sayo." Sagot naman ni Liam.
Para silang babae mag-away. Kaloka! Puro sagutan lang. Dapat may action. Ano ba 'yan ang boring nila.
Nagulat nalang ako ng hinawakan naman ni Fabian ang left hand ko. Napatingin naman doon si Liam.
Jusko. Parang kdrama lang ah? Feeling ko tuloy ang haba ng buhok ko. Feeling ko lang talaga. Infairness namiss ko ang mahaba kung buhok.
"Tsk. Edi sayo na!" Liam said sabay tulak saakin dahilan para mapasubsob ako sa dibdib ni Fabian. Matangkad siya e. Tigas naman ng dibdib nito.
Gago talaga si Liam na 'to! Nakita ko naman siyang napatawa ng mahina sa nakita niya. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Fabian at hinabol si Liam.
"HAYOP KA TALAGA!" Sigaw ko at nakita ko naman siyang tumatawa habang tinatakasan ako. Napansin ko ding bakas sa mukha ni Fabian ang gulat. Diyan ka muna! Habulin ko lang ang ipis na 'to!
Kapag talaga naabutan kitang Liam ka, kakalbuhin kitang ipis ka! Makita mo!
-'-
Nasa hapag-kainan na kami. Katabi ko sa left side si Allysa saka sa Right side naman si Liam. Katabi naman ni Allysa sakabila, si Fabian tapos katabi naman ni Liam sa kabila, si Heart. Mahaba ang lamesa kaya kasya kaming walo dito. Nasa gitna ang Lola nila. Mukhang uugod-ugod na nga ito. Feeling ko nasa mid 80's na siya. Sa harap naman namin e 'yung magulang ni Allysa saka ni er--- Fabian. Ngiting-ngiti pa saakin 'yung mama niya. Baka akala niya kami parin ni Fabian.
Kinalabit ko si Liam. Nilapit naman niya ang ulo niya saakin.
"Saan parents mo?"
"Gusto mo agad ma-meet parents ko? Sa bahay nalang namin." Sagot niya na may halong panunukso. Napapoker-face nalang ako sakanya saka siniko nalang siya. Tinawanan lang niya ako ng mahina.
Mukhang 'yong parents lang kasi ni Liam ang wala dito e.
"Tayo ay magdasal muna.'' Mahinang sabi no'ng lola nila at nagpray na nga kami. After ng prayer, nagkainan na rin kami. Nakakagutom kaya. Kawawa naman mga alaga ko sa tiyan. Nagiging dragon kasi 'to kapag nagugutom e.
So habang kumakain kami. Nagkwekwentuhan lang sila. Ako naman etong out of place. Kaloka. Kausap nila ang lola nila at nag-rereminisce sila ng mga moments nila. Ang mga parents naman nila ay nag-uusap ofcourse tungkol sa mga businesses nila, as usual. Eto ang dahilan kung bakit ayaw kong sumama kay Allysa e. Parang ang kapal ng mukha ko. Nakikireunion lang? Jusko. Kung 'di lang talaga niya ako pinakiusapan e. Nag-tratraining siguro ako ngayon.
"Fabian. . .sa. . . pagkakaalam ko, may kasintahan ka na."
'Di ko alam kung bakit bigla akong napaubo sa sinabi ni Lola Soli. Hindi naman ako sinabihan niya pero ba't ako naapektuhan? Ibang klase naman siya, ang bilis niya naman akong palitan. Tapos may pa-i miss you pa siya kanina. Tss.
"Tubig bes?" Agad ko namang kinuha ang tubig na inabot saakin ni Allysa at inubos ko talaga ang laman nito. Sumakit dibdib ko do'n ah.
"Hindi ka naman inaagawan ng pagkain, nabilaukan ka na." Sabi naman ng katabi ko. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Shut up. Ipis na baboy." Mahinang banat ko sakanya. Naningkit naman ang mata niya kaya inirapan ko na lang siya.
"Opo ma. Actually dito po ang girlfriend niya."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ng mama ni Fabian. Don't tell me ako ang tinutukoy nila?
"Aba talaga? Pwede. . .ko bang makilala. . .ang maswerteng dalaga?"
Napa-lipbite ako nang siniko ako ng mahina ni Allysa na parang pinahihiwatig saakin na ako talaga ang tinutukoy nila. Nagsisisi na talaga ako ng sobra kung bakit sumama pa ako dito. I miss my babies. I miss the field, the goal post—
"Come on Fabian. Ipakilala muna si Nikki sa Lola mo."
Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig. Hindi na rin ako halos makahinga sa sobrang kaba. Eto siguro ang disadvantage ng walang closure eh. Shocks!
Napatingin ako kay Fabian na kasalukuyang nakatingin saakin na may pag-aalala. Mukhang 'di niya rin alam kung anong sasabihin niya. Napalunok nalang ako at napayuko.
"K-kasi mom—" Naputol ang sasabihin ni Fabian nang magsalita ang katabi ko.
"Excuse me tita. Siya bang Nikki ang tinutukoy mo?" Liam asked while pointing at me.
Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka. Subukan mo lang talaga na may gawin ka na namang hindi magandang bagay Liam. Kakalbuhin na talaga kitang literal at gagawing ipis!
"Yes dear, Why?"
Napatingin kaming lahat kay Liam nang bigla nalang tumawa ito ng sobrang lakas na nakapaalingaw-ngaw sa buong paligid. Manners naman Liam!
"Anong nangyare sa apo ko? Parang nabaliw na. . . nasaniban yata. . . kunin mo nga ang aking rosarito."
'Di ko alam pero napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Lola Soli. Comedy din si Lola oh.
Napatigil nalang sa pagtawa si Liam sa sinabi ng Lola niya.
"La!" Saway niya kay Lola dahilan para magtawanan ang mga nandito.
"Ano bang. . .tinatawa mo diyan? Aba'y napakagandang dalaga. . .naman ang kasintahan ni Fabian ah. . ."
Mukhang nagkaroon ng sariling buhay ang bibig ko dahil kusa itong ngumiti sa word na napakaganda ko. Hende nemen mesyede enebe hehehe.
"Unang-una la, hindi siya gano'n kaganda."
Tiningnan ko naman ng masama si Liam sa sinabi niya. Ginagago talaga ako nito palagi! Akala mo ang gwapo-gwapo rin. Pwe.
''Pangalawa, she's not Fabian's Girlfriend.''
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Naramdaman ko namang tutok na tutok sila sa mga susunod na sasabihin ni Liam. Teka ba't parang naha-hotseat ako dito?!
"Because she's actually my girlfriend."
Nanlaki na naman ang mata ko sa sinabi niya. Dagdag pa ang paghawak niya ng kamay ko sa ilalim ng lamesa. Alam kong naramdaman niya ang panginginig at panlalamig ng kamay ko pero mas lalo niya lang itong hinigpitan ng hawak.
Napatingin ako sa reaction nila at lahat sila gulat na gulat. Except for Heart, na ang talim ng tingin saakin, Kay Allysa na nakangiti ng pilit at Fabian na seryoso lang na nakatingin saamin.
WAAAAAAH! GUSTO KO NANG BUMALIK SA ASA!
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...