Kabanata 11

580 27 5
                                    


Nandito ako ngayon sa bench habang nanonood ng laro nila. Tuloy parin naman yung practice game pero pinalabas na muna ako ni Coach. Okay narin naman paa ko e 'di naman na masyadong masakit. Tss.

1-0 parin yung score at team nila Liam yung 1. Nahihirapan din kasi si Christopher na sumukob sakanila. Magaling nga talaga si Liam. Halos siya kasi dumadala sa laro ngayon e.

"Kamusta na yung paa mo?"

Napatingin naman ako sa nagsalita at umupo sa tabi ko. Si Leone.

"Okay na siya. OA lang talaga si Coach." Tumawa naman siya sa sinabi ko. Totoo naman e kainis nga.

"Niko?"

"Hmm?"

"W-wala."

Napatingin naman ako sakan'ya at namumula na naman siya. Lagi nalang nangangamatis ang mukha nito kapag ako kausap. Problem nito?

Tumayo siya at nag-dali-daling umalis. Napakunot noo nalang ako sakan'ya. Weird talaga yung babaeng 'yon.

Nang marinig ko nang pumito si Coach, napatingin ako sa mga teammates ko na pawisan na naglalakad papalapit saamin. Yak ang lalagkit nilang tingnan. Ew.

Napatingin naman ako sa mga taong nanonood kanina na unti-unti namang nagsi-alisan. Teka nasa'n na pala sila Allysa saka Arthur?

"N-niko."

Napalingon naman ako sa tumawag sakin at si Liam pala. May nakasabit pang tuwalya sa batok niya. Teka... Bakit parang ang hot niya?

"S-sorry nga pala kanina."

Mahina niyang sabi na tama lang na marinig ko. Pakamot-kamot pa siya sa ulo niya habang nakayuko. May kuto siguro to.

"Bakit ka nag-sosorry?"

Napatingin siya saakin. Bahagya akong nailang nang magtama ang mata namin.

"Nevermind." He uttered and walk away.

Bakit parang mahilig mag-walk out mga nakakausap ko ngayon? Tss. Makawalk out na nga rin.

Habang naglalakad ako papalayo, narinig ko pa si Coach Wowie na nag-salita. . .

"May training ulit bukas and si Liam muna ang bahala sainyo. May pupuntahan kasi kami ni Ms. Mutya."

Napangiti ako at muntik na akong mapatawa ng tinukso ng mga teammates ko sila Ms. Mutya saka Coach Wowie.

"Ayiee."

"Magdadate yata sila."

"Wag kayong ganyan. Minsan lang magkaroon ng quality time ang dalawa."

"Hahaha tngna."

Napailing nalang ako sakanila. Mga wala talagang magawa sa buhay. Sabagay, bagay naman talaga si coach saka si Ms. Mutya.

-'-

Pumasok ako sa CR ng dorm namin. Bawat kasi palapag ng Boys dormitory nato ay may tig-dadalawang CR. Malaki kasi yung dorm nato eh. Kaya napag-desisyonan kong dito nalang ako mag-hahalf bath kasi puno yung Shower Room ng soccer team. Doon sila lahat e mas mabuti ng dito nalang ako. Doble ingat na talaga ang kailangan ngayong may nakakaalam na.

After kong mag-half bath lumabas na ako ng CR. Pagkalabas ko e may nakabangga pa ako.

"Watch out!" Singhal niya. Nang makilala ko kung sino nakabangga ko, si Dominic lang pala.

"Ikaw pala, Dominic."

"Hindi. Picture ko lang to." Pagsusuplado niya saka naglakad na papalayo saakin. I just rolled my eyes at sumabay nalang sa paglalakad niya.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon