Nagdali-dali akong pumunta sa Salon nila Arthur. Pagkapasok ko nakita ko agad si kuya na nakaupo sa dulo habang hinihilot naman yung ulo niya ni Arthur. Aba't nagtatawanan pa yung dalawa.
"HOY!" Sigaw ko sakanila dahilan para mapatingin sila lahat saakin. Pati yung dalawang customer at bakla na kasama dito ni Arthur na kasalukuyang binibigyan ng service yung mga customer.
Ngumiti nalang ako ng pilit sakanila at yumuko. Nakakahiya naman ginawa ko, puro pa mga matatanda yung nandito kaya ang sama ng tingin saakin. Jusko.
"Ba't ka ba sumisigaw?" Nakapikit na tanong ni Kuya habang hinihilot parin ni Bakla yung ulo niya. Minsan napagdududahan ko na 'tong dalawa. Nako sana wag naman.
"E kayo? Anong ginagawa niyo?" Tanong ko pabalik sakanila habang umuupo sa katabing upuan ni kuya.
"Complimentary massage. Duh." Sagot ni bakla habang tuloy parin sa pagmasahe kay kuya. Gustong gusto naman nitong ni kuya. Parang wala siyang problema ah.
"Kuya ano na!" Sabi ko sakanya sabay hampas ko sa braso niya. Napatingin naman siya saakin na may halong inis sa mukha. Tiningnan din ako ni Arthur ng masama. Kung pag-untugin ko kaya sila. Ang laki laki ng problema ko pero parang wala lang sakanila. Hayop ah.
"Kailan pa umuwi sila mom and dad?" Tanong ko kay kuya kaya napabuntong hininga naman silang dalawa. Umayos ng upo si kuya at hinarap ako.
"Kanina lang. Actually dumaan muna sila sa dating mong school bago dumeritso saatin."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hindi nga kasi nila alam na nagtransfer ako e. Pero bakit naman sila bumisita sa dating kong school bago dumeritso sa bahay?
"Bakit daw?"
"Di ko nga alam e. Nagulat nalang nga ako na nasa sala na sila. Galing pa ako sa basketball court no'n."
Napabuntong hininga nalang ako.
"Gusto rin pala nila makita ka ngayon."
Nanlaki na naman ang mata ko sa sinabi niya.
"What?"
"Yes."
Napatakip nalang ako sa mukha ko. This really can't be happening! Kailangan kong makaisip ng paraan.
"Sinabi ko rin pala sakanila na biglaan yung pag-transfer mo sa ASA kaya gusto nila malaman yung dahilan mo." Sabi niya habang nakatingin na saakin at minamasahe naman ngayon ni Arthur yung balikat niya.
"Anong idadahilan ko?" Nakapout kong tanong kay kuya.
"Edi yung dinahilan mo saakin."
Napatitig nalang ako sakanya. Teka ano bang dinahilan ko sakan'ya no'n?
"Hmm. Mag pupurso ako sa Arts?"
"Okay na yan. Baka maniwala naman. Suportado ka naman nila diyan sa pagpipinta mo e."
Napabuntong hininga nalang ako. Magaling talaga ako magdrawing and nag-pipinta din ako. Marami nga akong award no'ng elementary e.
"Sige sige sana nga." Sabi ko sabay buntong hininga ko na naman.
"Pero may isa ka pang problema."
Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Tinitigan niya ako pati rin si bakla.
"Yung buhok mo saka 'yang porma mo ngayon." Arthur uttered while rolling his eyes.
Nanlaki na naman ang mata ko ng marealize kong naka jersey short ako tapos naka white plain tshirt. Tapos ang iksi pa ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...