Kabanata 30

465 19 6
                                    

"Narinig mo ba 'yon, Kevin?"

"Hindi ako bingi, Mark. Saka umusog ka nga ng kaunti nadudutdot ako e."

Nadistract ako bigla nang maramdaman kong nakasilip sa pintuan ang dalawa. Kahit kailan talaga napakachismoso nila. Sinipa ko nga ng bahagya patalikod ang pintuan.

"Aray!"

Narinig ko pang reklamo nila saka nakarinig rin ako ng kalabog, baka napatumba rin sila. Ang hina nga lang ng sipa ko e.

"You're joking right?" Tanong ko naman sa lalaking nasa harap ko na sinabi saakin na nag-aalala daw siya saakin. Baka kasi pinagtri-tripan na naman niya ako. Pa-fall ang ipis na 'to e. Bakit Nikki? Nafa-fall ka na ba? Napailing naman ako bigla sa tanong sa isip ko. Hindi pwede. Magseselos ang baby soccer ball mo Nikki! Kasi naman, sa tuwing gumaganyan siya saakin, 'di maiwasan ng puso kong tumibok ng bongga, 'yung kulang na lang lumabas sa dibdib ko para tumabling dahil sa kilig.

"Do I look like I'm joking?" Tanong naman niya saakin pabalik. Napabuntong hininga nalang ako saka tumalikod na at binuskan na ng tuluyan ang pintuan. Hindi ko alam kung anong nangyare saakin pero bigla ko nalang naramdaman ang pagkurba ng labi ko.

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala." Narinig ko pang pahabol niya bago ko naramdamang sumunod siya sa likod ko.

Pagkapasok namin sa kwarto, nakita ko naman ang dalawang nagdali-daling gumapang papunta sa higaan nila. Dahil nasa taas pa ang higaan ni Kevin dali-dali nalang siyang tumabi kay Mark at nagtalukbong ng kumot.

Akala mo naman hindi namin alam na nakikichismis sila? Tss.

"Akin na lang 'yang spaghetti." Sabay hablot ni Liam sa plastic na dala ko na may lamang dalawang spaghetti at isang burger. "Nasa'n 'yong drinks?"

"Napakademanding mo." Sagot ko at inabot sakanya ang isang coke na sa plastic na nakatali pa talaga para hindi matapon. Agad naman niyang kinuha ito.

Pumunta siya sa table at ako naman ay dumeritso sa higaan ko. Napansin ko namang sumisilip ang dalawa sa mga kumot nila. Napa-irap nalang ako at humiga nalang.

Parang nawalan ako ng gana sa sinabi ni Liam e. Ba't parang ang slow ko magdigest ng mga sinasabi ni Liam saakin this past few days? Ba't rin ba kasi nasasabi niya saakin ang mga bagay na 'yan? Bakit rin niya sinasabi na girlfriend niya ako and sa buong pamilya niya pa ha? He's also acting weird about sa text saakin ni Fabian. Hindi kaya gusto niya talaga ako?

Napatingin naman ko kay Liam na kasalukuyang kumakain ng spaghetti na dala ko. Sige ganito nalang. . . kapag humarap ka saakin o tumingin manlang in 5 seconds, gusto mo nga ako Liam. Teka parang ang feeling ko naman pero hindi naman masamang subukan. Hmmm. . .

Okay—5. . .

4. . .

3. . .

2. . .

1. . .

"Why are you staring at me? Naiinlove ka na ba saakin?" Tanong ni Liam habang sumusubo ng spaghetti niya and—he's not looking at me.

Assumera ka talaga Nikki! Malay mo trip ka lang niya talagang pagtripan. Tss.

"Staring is rude." Dagdag niya na hindi parin tumitingin saakin habang umiinom ng coke.

Napairap nalang ako. Kahit anong gawin niya ay hindi ko na bibigyan ng meaning. Baka madisappoint na naman ako. Wait what? Disappoint? Ba't naman ako madidisappoint? Gusto ko ba siya? Over my dead gorgeous fabulous amazing body! NEVER!

"Hindi ko lang kasi lubos maisip na ang spaghetti na para saakin ay kasalukuyang kinakain ng ipis. Tss. Saka asa ka namang ma-inlove ako sayo. Hindi tayo talo." Sabi ko sakan'ya at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko pang humagikhik 'yong dalawa.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon