Maaga kaming nagising dahil mahaba pa nga ang byahe. Sinabi pa nga saamin ni Lola Soli na dito na daw kami magtanghalian pero ayaw naman nila dahil mukhang marami pa yatang silang gagawin. Kahit ako din, pupunta pa akong airport. Traffic pa naman lagi sa EDSA, baka 'di ko pa maabutan sila mommy.
"Mag-iingat kayo. . ."
Bumabay na kami kay Lola Soli at sumakay na kami ni Allysa sa kotse nila tita—mommy ni Allysa. May kanya-kanya namang mga kotse sila Troy, Nate, Reevan and Heart sa mga parents nila. Gano'n din sila Fabian at mama niya na hindi ako pinapansin. Noong unang kita namin ngiting-ngiti pa siya saakin tapos ngayon 'di na ako pinapansin. Feeling ko about pa rin sa sinabi ni Liam 'yon e, na girlfriend niya daw ako. Tapos ito namang mama ni Liam kung tratuhin ako parang napaka-fragile ko. Ang caring niya saakin e. Anyways, kanina ko pa hindi nakikita si Liam. Nakasakay na kaya siya sa kotse nila?
"Nag-enjoy ka ba sa pagstay mo dito Nikki?" Tanong saakin ng mama ni Allysa na nakaupo sa passenger seat.
Ngumiti lang ako at tumango kahit ang totoo niyan ay sising-sisi ako na sumama pa.
"Sino ba tinitingnan mo diyan sa labas? Parang may hinahanap ka." May halong panunukso saakin ni Allysa na kasalukuyang nasa tabi ko.
Kanina pa kasi ako tingin ng tingin dito sa labas ng bintana ng kotse. Hinahanap ko kasi si Li—Nope. Napansin ko lang kasing wala siya at 'di ko pa siya nakikita. Pero pakialam ko naman sakanya?
Nababagabag pa rin ako until now kung anong pinag-usapan nila ni Fabian kagabi. Ayoko naman maging assuming na tungkol saakin ang pinag-usapan nila no. Pero pinapatay ako ng curiousity ko e. Saka napansin kong kahapon pa akong hindi kinakausap ni Liam. May kasalanan ba ako sakan'ya?
Tapos kaninang umaga habang nag-aayos ako ng gamit tumabi saakin si Fabian.
"Nikki."
"Hmm?" Tanong ko habang patuloy parin sa pag-ayos ng gamit ko sa bag.
"Still the same number?"
Napatingin ako sa tanong niya.
"Oo. Bakit?"
"Wala naman." Sagot niya na ang lapad pa ng ngiti.
"You're so pretty."
Bigla naman akong napayuko sa sinabi niya. Buti nalang at mahina lang pagkasabi niya no'n, baka tuksuin ako ng katabi ko 'tong si Allysa.
"Pftt."
Napatingin ako kay Liam na nasa katabi ko ring kama na parang pinipigilan ang sarili niya sa pagtawa. Napataas tuloy ako ng kilay at napairap. Narinig niya kaya sinabi ni Fabian? E bakit siya napatawa? 'Di ba siya naniniwala na maganda ako? Aba't hanep 'yan ah. Tss.
"Let's see each other often." Sabi ni Fabian dahilan para bigyan ko siya ng what-the-heck-do-you-mean look.
Tumayo lang siya at ginulo ang buhok ko. Tinabig ko naman agad ang kamay niya kaya tumawa lang siya ng mahina.
"Tss." Liam.
"Sabi ko na ba may something pa rin sakanila." Narinig ko namang bulong ni Heart.
OMO. Pinabalik-balik naman ang tingin nila Reevan, Nate and Troy saakin at kay Fabian na kinuha na ang gamit niya at lumabas ng guest room. Nakalipbite lang na nakayuko si Allysa. Hayst!
"Nikki!"
Natauhan na naman ako sa pag-iisip ko sa nangyari kanina ng tinapik ako ng bahagya ni Allysa.
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...