Napaayos kami ng tayo nang lumapit na ang dalawang epal na 'to saamin.
"Uy Liam, sino siya?" Tanong ni Mark habang kinakalabit-kalabit pa si Liam at binibigyan ng nakakalokong ngiti saka tingin.
"Familiar ka."
Napatingin naman ako kay Kevin na titig na titig saakin. Para bang inu-usisa talaga ang bawat detalye ng mukha ko. Nanliliit din ang kanyang mga bilogang mata. 'Di ko na lang tuloy mapigilang mapa-irap.
"Ay suplada si ate." Sabi pa ni Kevin sabay napahawak pa sa dibdib niya. Mas lalo tuloy akong napairap sa ginawa niya. Matuluyan ka sana sa ginagawa mo.
"Anong ginagawa niyo dito? Wala bang training?" Tanong naman ni Liam sa dalawa na ang sama ng tingin saakin. Luh?
"Sino muna siya?" Tanong naman sakanya ni Kevin sabay lapit nila ni Mark kay Liam at umakbay pa dito.
"Paano na si Leone?" Sunod na tanong ni Kevin at tiningnan na naman ako ng masama nilang dalawa.
Napapikit nalang ako dahil bwisit na bwisit na ako sa kanilang dalawa. Tinulak pa ako palayo ni Mark ng kaunti para makakapit siya sa braso ni Liam at gano'n din si Kevin.
"Teka nga. Bitawan niyo nga ako." Pagrereklamo ni Liam at tinanggal nito ang mga kamay na nakakapit sakanya.
"E sino nga siya? Bakit kayo magkasama?" Kevin.
"Bakit ang sweet niyo kanina? Girlfriend mo ba siya?" Mark.
Can somebody stop me to hit this two freaking idiot in my front?! Nanggigil na ako ha.
Lumapit naman saakin si Liam at umakbay saakin. Inayos niya ang clip sa buhok ko at kumindat saakin. Teka nasusuka ako. Nabuntis ako bigla sa kindat niya este nandidiri ako. Yak!
"She's actually Ni. . ." He stopped while looking at me with his teasing smile. Subukan mo lang talaga Liam. Binabalaan kitang peste ka. "She's Nikki." Pagpapatuloy nito. Napabuntong hininga nalang ako.
"Mahilig ka talaga sa 'Nik' no?" Mark.
"Ano pinagsasabi mo diyan Mark?" Kevin.
"Siyempre Niko tapos Nikki. HAHAHA." Sabay tawa ng malakas ni Mark na akala mo ang havey talaga ng sinabi niya. Tumawa din si Kevin nang ma-gets niya 'yong sinabi ni Mark. For the nth time napa-irap na naman ako. Ba't ba laging napakahyper ng dalawang 'to? Ang babaw nila. Jusko.
Pero napatingin ako kay Kevin nang huminto siya ng tawa at tumitig saakin habang bilog na bilog ang mata na para bang may na realize siya. Eh?
"Mark." Tawag ni Kevin habang tinatapik-tapik niya si Mark na mukhang hanggang ngayon ay hindi parin makamove-on sa korning sinabi niya. "Magkahawig din sila ni Niko." Napahinto sa pag-tawa si Mark at napatitig saakin.
Eto na nga ba sinasabi ko e. Teka may sinabi ba ako? Aish. Mabuking pa ako dito ng wala sa oras.
"May pupuntahan pa kasi kami ni Liam. Mauna na muna kami ha?" Malambing kong sabi at dahil naka-akbay saakin si Liam, pinulupot ko na lang ang kamay ko sa bewang niya. "Let's go babe." Dugtong ko pa at hinila na si Liam papalayo sa dalawang tulala parin saamin.
"Mukhang girlfriend niya nga 'yon." Mark.
"Okay na din 'yan atleast kahawig naman ni Niko e." Kevin.
"Kahawig ba niya? Parang hindi naman e." Mark.
"Pacheck mo na nga 'yang mata mo." Kevin.
"Baka ikaw ang kailangang magpa-check o 'di kaya may gusto ka rin kay Niko, kaya mukha niya nakikita mo sa babaeng 'yon?" Mark.
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...