Kabanata 14

598 31 16
                                    


Para akong zombie na naglalakad papasok sa gate ng school ngayon. Ang lalim ng iniisip ko e kahit ako, 'di ko mareach.

In our life kasi, may mga bagay talagang things. Minsan, sometimes naiisip natin to think. Akala natin that's what we thought. Ang sakit tuloy because it hurts. We can't do anything about it dahil wala rin naman tayong magagawa. Siguro maybe just go with the flow para makasabay lang sa agos.

Kingina nababaliw na ako---

"HEY"

"ANAK KA NG DEMONYO!" Halos mapatalon ako palabas ng earth sa biglang sulpot ng lalaking 'to.

"Ouch." Sabi ni Liam habang nakahawak pa sa dibdib niya.

Tiningnan ko siya ng masama saka dinuro-duro. Ikaw kaya gulatin habang ang lalim-lalim ng iniisip mo? Hindi ka kaya mabebeastmode? Imba to ah!

"Ba't ka ba nanggugulat?" Singhal ko sakanya dahilan para tawanan lang niya ako.

Bwinibwisit talaga ako ng ipis nato. 'Di ba niya alam na pasan ko ang buong mundo? Saka nangangain ako ng tao kapag beastmode ako. RAWR!

"Matapos kitang hintayin kahit nilalamok na ako dito sa gate, ikaw pa 'tong galit."

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. I remember na nagtext siya saakin at nangamusta pero dahil mayaman ako sa load 'di na ako nagreply.

"Sino ba may sabing hintayin mo ko dito? Nababakla ka na ba sakin?" Sabi ko with my manly voice. May dumaan kasing grupo ng magkakaibigan. Mahirap na baka may makaalam na naman.

"E hindi ka na naman totoong lalaki---"

Agad akong lumapit sakanya at tinakpan ang bibig nito upang putolin ang sasabihin niya. Tumingin kasi bigla saamin 'yung mga dumadaan. Pinapahamak talaga ako ng bwisit na 'to.

"Sinong hindi lalaki?" Matigas na tanong ko sakanya. Tinanggal naman niya 'yung kamay ko sa bibig niya at humagalpak ng tawa.

"Let's go baby! Doon nalang tayo sa kwarto magusap." He said sabay akbay saakin.

"Sabi ko sayo teh, wala ng straight na gwapo."

"Oo nga sayang ang pogi pa naman nila."

Biglang nagtayuan mga balahibo ko sa sinabi nila. Jusko for pete's sake! Kailan pa naging gwapo 'tong katabi ko? Kailan?

"Kung alam niyo lang. Hahaha" Rinig ko namang bulong ng lalaking 'to. Tinanggal ko nga ang kamay niya sa balikat ko at binilisan na ang lakad. Pagod ako. Hindi lang ang katawan ko, pati narin utak ko jusko.

"Uy teka lang!" Habol niya saakin. Tss.

"Sabado na bukas." Dugtong pa niya. Paki ko?

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero pinaglihi yata 'to sa makulit na bibe e, hinawakan niya ako sa braso dahilan para humarap ako sakanya with a straight face.

"Baka nakakalimutan mo ang pinapagawa ko sayo?"

Tinaasan ko na naman siya ng kilay. Kulang nalang umabot hanggang langit yung kilay ko sa pagtaas nito. Ano na naman bang pinasasabi ng lalaking 'to.

"The date?"

Date? Inaya niya ba ako magdate bukas? Parang wala naman ah. At saka bakit naman ako makikipagdate sakanya? Ew.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Umayos siya ng tayo at tinitigan ako. Shocks. Naiinggit ako sa mata niya ang ganda. Parang diamond. Sarap ibenta.

"Date with Leone or else..."

Lumapit siya saakin at bumulong. Jusko yung hininga niya nararamdaman ko.

"I'll reveal your secret to everyone."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Oo nga pala. Dagdag pa 'to sa problema ko. Kingina nito. Tss.

Humarap ako sakanya na nakacross arm.

"Alam mo bang ang dami ko ng problema?"

He's just stared at me while crossing his arm too. Wala bang originality 'to? Gaya gaya. Binaba ko nalang ang mga kamay ko.

"Una. Muntik na akong mabuking kay mama at papa sa mga pinag-gagawa ko para lang makapaglaro sa ISLCT at matupad ang pangarap ko."

"Pangalawa. Akala nila lesbian ako."

"Pangatlo. Okay lang kay papa na hindi ko na kunin ang Accountancy basta ba magtatake ako ng Law."

"Pangapat. Next year sa state na ako mag-aaral."

"At panghuli. Ikaw---Ikaw na walang ginawa kundi bwisitin ako. Tapos ngayon ikakalat mo sa lahat ang sekreto ko kapag hindi ko nagawa pinapagawa mo? You're such a pathetic person. If you really like Leone, ikaw ang gumawa ng paraan para mapansin ka niya! Be a man!"

Mahabang lintanya ko sakanya at nagsimula na ulit ako maglakad. Binigyan niya lang ako ng blank expression. Bwisit. Swerte siya at wala pa ako sa boiling point ko no'n. Baka inupakan ko na 'yon kapag naubos ang isang daan at dalawa kong pasenya. Tss.

"Tapos ka na?"

Napahinto ako ng magsalita na siya. Hindi ba obvious kasi nagwalk-out na ako? Duh. Hinarap ko siya at nagulat nalang ako na ang lapit na agad niya saakin. Hindi lang pala ipis 'to kundi kabayo din. Bilis gumalaw.

"Una sa lahat, hindi ko kasalanan ang una at hanggang pangapat mong problema. Because in the first place, ikaw ang may gusto niyan. Ikaw ang nagpanggap. Why? Can't face the consequence eh?"

Naningkit naman ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Oo kasalanan ko na! Anong magagawa ko? Mahal ko ang paglalaro ng soccer and I can't live without it. Soccer is my life, this is my passion. Hindi ko basta-basta ititigil 'to. Ayoko matulad kela mama at kuya na dahil lang sa kagustuhan ng aming ama e ititigil na ang pangarap nila. Hindi ako nababagay sa mga office na yan. Kahit kailan hindi ko nakikita ang sarili ko na nagjo-journalizing ng mga accounts ng isang business or what-so-ever at saka magtanggol sa isang taong may kasalanan man o wala. I was born to play soccer.

Playing soccer is just my life. The ball is my dream. My opponent is the people who want to take away my dream. Kaya gagawin ko ang lahat huwag lang mawala ang pangarap kong 'to. Kahit pa matumba at masaktan ako sa pagdadala ng bolang ito, hindi ako susuko hanggang sa marating ko ang goal post at makagoal.

"I just love soccer." I uttered kahit marami akong gustong sabihin sakanya at ipaintindi kung ano talagang nararamdaman ko.

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Napabuntong hininga siya saka napayuko na parang nag-iisip.

"Okay then. I understand. You're just doing this for your dream. Sorry kung ang kitid ng utak ko."

Buti naman alam mo. Tss.

"Mahirap talaga kapag hindi ka suportado ng mga magulang mo sa pangarap mo. But bilib ako sayo, hamakin mo 'yun? Nagawa mo 'tong bagay na to? Hahaha." Dugtong niya. Napapoker face nalang ako.

"Sige ganito nalang. I will never tell anyone about your secret. Peksman mamatay man."

Napasmirk naman ako sa sinabi niya. Talaga lang ha?

"Kahit 'wag mo ng tuparin 'yung peksman mo, pwede namang 'yung mamatay nalang." I chirped while rolling my eyes.

"Is that your real voice?" Nanlalaki niyang matang nakatingin saakin.

Ops. Sa sobrang tense ng nagaganap ngayon, nakalimutan ko na naman. I cleared my throat para i-adjust ko ang boses ko.

"Babaeng babae pala talaga ang boses mo. Hahaha."

Napataas na naman ako ng kilay. Feeling ko nahihilo na kilay ko sa pagtaas-baba nito.

"Okay sige. Kalimutan mo nalang ang pinapagawa ko sayo about kay Leone."

Aba'y dapat lang no? Ang hirap kaya ng pinapagawa niya. Wala naman sakanyang gusto si Leone e.

"Date me instead."

Nanlaki naman ang mata ko sa sunod niyang sinabi. Nakangisi pa ito saakin habang tinataas't baba niya yung kilay niya. Ang manyak lang.

"What the hell?" I uttered with disgust.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon