Kabanata 23

542 23 6
                                    

"Bessy! G-gusto mo maglibot-libot muna?"

Napatingin ako kay Allysa at mukhang na-gets ko naman ang ibigsabihin niya.

"Tara. Parang gusto ko rin naman munang maka-langhap ng fresh air." Sabay tayo ko. Tumayo na rin naman si Allysa at maglalakad na sana ako ng pinigilan ako ni Liam gamit ang paa niya pang-harang.

"Dito ka lang." Pagmamando niya.

"Matulog ka nalang kaya diyan?" Sabi ko at tinabig ko ang paa niyang nakaharang saka nagdere-deretso na kaming lumabas ni Allysa ng guest room.

Napadaan pa nga kami sa sala at nakita ko pa 'yong tatlong lalaki na kinukulit si Heart. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko diyan sa Heart na 'yan. 'Di ko lang feel 'yong vibes niya. Nakakairita. Saka isa pa, wala naman akong ginagawa sakan'ya, pero ang talim ng tingin.

Nang makalabas na kami ng mansyon, hinila ako ni Allysa sa may gilid at napa-'wow' ako sa nakita ko. Isang napaka-lawak na garden na halos puro rosas ang nakapaikot sa isang maliit na fountain. Naglakad ako papalapit doon at nakita ko sa loob ng fountain na may mga barya, mababaw lang kasi ang tubig at mukhang hindi naman masyadong pinapaandar ito kasi makalawang na saka puro lumot. Napataas nalang ako ng kilay. Ginawang wishing well?

"Dito kami madalas mag-laro noon." Panimula ni Allysa na kasalukuyang nasa likod ko at hinahawakan ang mga mapupulang rosas.

"Niloko mo 'ko"

Napatingin naman agad siya saakin sa sinabi ko.

"U-uy! Anong pinagsasabi mo?"

I just rolled my eyes and walk around the fountain.

"Sabi mo hindi mo na close mga pinsan mo. Tss."

"Siyempre iba parin kapag kasama kita dito 'no!"

"Sige bolahin mo pa ako."

"Totoo naman kasi. Mas feel kita kesa sakanila!"

Lumapit ako sakanya saka binatukan siya.

"Ouch! Masakit ha?" Singhal niya sabay hawak sa ulo niya. Nagcross-arm naman ako at tinitigan siya.

"Or baka dahil kay Fabian?" I asked while raising my eyebrow. I know it's one of her reason kaya sinama niya ako dito.

"About diyan—Gusto ko lang naman magka-closure na kayo or pwede namang ipagpatuloy niyo nalang ang inyong sinimulan. Sayang kaya. Mukhang may parte pa naman siya sa puso mo diba?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya saka napahawak sa dibdib ko. Yes, Fabian is my ex-boyfriend and but after we broke up and left me hanging I decided to forget everything about us. But even though I will deny so many times, Fabian will always still have a part here in my heart . . . but soccer is love pa rin. I mean, ayoko muna isipin ang mga pag-ibig na 'yan. I want to focus on my goal. I want to focus on my dream. Saka ano, ipagpatuloy? Mas mabuti nang 'wag nalang isipin ang mga bagay na 'yan. Closure? Hindi na importante 'yan dahil mukhang alam din naman sa sarili namin na wala na. Wala na ba talaga? Hayst. H'wag ko na ngang isipin ang tungkol saamin ni Fabian kasi naalala ko lang mga masasakit na nangyare saaming dalawa.

"Confuse ka?"

'Di ko siya pinansin at lumapit sa isang rosas na hindi pa namumukadkad.

"Bakit bessy? Dahil kay Liam 'no? Yie."

Napaayos naman ako ng tayo at tiningnan siya habang sinuklian niya lang ako ng nakakalokong tingin.

"At bakit naman siya napasama?"

"I think Liam likes you."

"Kadiri."

"Ibang klase talaga beauty mo pagdating sa mga pinsan ko. HAHAHA."

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon