Kabanata 37

353 18 12
                                    

"Niko." Sabi ni Dominic sabay pasa ulit saakin ng bola. Agad ko namang ni-receive ito with my right feet. Nang mareceive ko na 'to, sinipa ko rin agad pabalik sakan'ya.

Nandito kami ngayon sa field because you know, trainings. Kasalukuyan nagpapasahan lang kami ni Dominic ng bola habang gano'n rin ang iba, like Mark and Kevin. Si Christopher naman ay nagstra-strike habang si Ralph naman ang nagbabantay at sumasalo sa goalpost.

Si Liam? Well, speaking of the devil.

"Hey, Liam. You're late. Where have you been?" Salubong na tanong ni Coach Wowie. Naniningkit din ang mata ni Ms. Mutya na nakatingin sakan'ya. This past few days, nagiging strict na rin sila sa trainings namin. Siguro dahil halos ilang weeks nalang, tournament na.

"Somewhere." Maikling sagot niya lang at nagwarm-up na.

Parang ang lamig yata ng aura niya ngayon ah. Kakauwi niya lang kaya? Pagkagising ko kasi kaninang umaga wala pa rin siya sa higaan niya. So it means ngayon lang siguro siya umuwi. Grabe 'yung family dinner niya, overnight. Hayst. Baka miss niya lang talaga family niya kaya hindi agad nakabalik.

Napatingin siya saakin saglit pero agad din niyang iniwas. Sa lahat ng moody, si Liam ang pinaka sa kanila. Parang kahapon lang nag-aalala siya saakin tapos ngayon ni-hindi ako kayang tingnan? How dare he—

"Watch out!" Narinig kong sigaw ni Dominic. Eksaktong paglingon ko sa pwesto niya, isang bolang lumilipad ang papunta saakin. Napapikit at naramdaman ko na lang ang pamamanhid ng mukha saka ng ilong ko, nang tumama ito saakin.

"Kingina naman, Dominic! Uso sumenyas!" Bulyaw ko sakan'ya habang hawak ko ang ilong ko. Para namang umiikot ang mundo ko at may mga ibong lumilipad sa paligid ko no'ng minulat ko ang mata ko.

"Pasensya na. Kung saan-saan ka kasi tumitingin e." Sabi niya habang lumalapit saakin, na may tonong pang-aasar pa. Hayop 'to ah.

"Wow, Victim Blaming! Ba't parang kasalanan ko pa?" Napaubo pa ako dahil nasamid ako sa sarili kong laway. Bwisit.

Tinawanan niya lang ako at inabutan ako ng panyo. Naramdaman ko namang uminit 'yung ilong ko na parang sinisipon ako.

"Shit." Mura niya kasabay nang pagbago ng expression niya. Biglang nag-alala 'yung mukha niya at pinunasan ang ilong ko. "Sorry." Seryosong sabi niya kaya natawa na lang ako sakan'ya.

Pinakita niya saakin ang puti niyang panyo na may dugo. Sabi ko na nga ba. Binatukan ko nga siya.

"Aray. Ba't ka nananapok?!"

Tiningnan ko siya ng masama at inagaw sakan'ya ang panyo sabay punas ulit ito sa ilong ko.

"Aba nagtanong ka pa? Kung hindi lang ako mabait ningungod ko na mukha mo sa lupa. Peste ka." Tinawanan niya lang ako ulit at umakbay saakin.

Kunti lang naman ang dugong lumabas sa ilong ko. Buti nalang hindi tumama sa bibig ko, baka bungal na ako sa lakas ng pagtama ng bola sa mukha ko. Tama daw bang ipasa ang bola saakin na hindi ako aware. Tsk.

Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkaka-akbay at napatingin kay Liam na ngayon ay nasa tabi ko na, pinupulot ang bola. Napatingin siya saakin—sa ilong ko to be exact pero agad din siyang umiwas at umalis. Binangga niya pa si Dominic sa balikat na pinagtaka naman ni Dominic.

"Problema nun?" Tanong nito saakin.

Oo nga. Anong problema nun? Ba't 'di siya namamansin? Ba't ang cold niya?! 'Di manlang ba siya nag-alala saakin dahil dumugo ang ilong ko? Kabwisit na ipis 'yun. Argh! Napaka-bipolar!

"Okay. Let's have a practice game! Dati paring team." Sigaw ni Coach Wowie dahilan para magsigawan sila sa tuwa. Napatingin naman saakin si Ms. Mutya na katabi ni Coach at kinunutan ako ng noo.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon