Kabanata 18

546 23 4
                                    

"Because I'm starting to like you."

Literal na nganga ako ngayong nakatingin sakanya. Anong pinagsasabi nito? G-gusto niya ako?

Pero hindi rin naman nagtagal e napapoker face nalang ako nang bigla siyang tumawa. Sinasabi ko na nga ba at pinagtri-tripan lang ulit ako nito.

"Asa ka naman. Halika na!" He said sabay akbay saakin at naglakad na kami papalabas ng campus.

Nang makalabas na kami, tinanggal ko nga ang kamay niya sa balikat ko. Ang bigat-bigat ng kamay niya no.

"Sa'n ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya habang naglalakad lang kami. Nakita ko naman siyang nagkamot ng ulo niya. 'Di kaya may kuto na rin siya? Ew.

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Napatingin ako sa gilid ko at napataas ako ng kilay na nasa Park pala kami. Isang maliit lang na park na may mga bench na under sa mga maliliit na puno. Nadaanan ko ito noong nagtra-transfer palang ako at sinabi ko sa sarili ko na tatambay ako dito pero 'di ko rin naman nagawa kasi nakalimutan ko. Kailangan ko na yata mag-memory plus gold.

"Dito lang pala tayo mag FRIENDLY DATE e, tapos pinabihis mo talaga ako." I said while emphasizing the word friendly date. Para malaman niya na hindi ako naaapektuhan sa sinabi niya kanina. Hindi kaya. As in.

Malapit lang kasi itong park sa school kaya nga nilakad lang namin e. Nakita ko naman siyang kumamot ulit ng ulo niya. Bilhan ko kaya siya ng suyod? Yung magic suyod talaga. Sige, kapag may time ako. Kawawa naman siya e. Baka naman marami na ang alaga niya diyan sa ulo niya.

"Ang t-totoo kasi niyan. . . Hindi pa ako nakikipagdate."

Napatitig naman ako sakanya sa mga sinabi niya habang nakayuko lang siya at namumula ang mga tenga.

Napatakip ako ng bibig para pigilan ang tawa ko pero taksil talaga ang bibig ko.

"Pft—Hahaha."

Tininingnan naman niya ako ng masama kaya mas lalo akong napatawa. Muntik pa akong mabulunan sa sarili kong laway.

"Tss."

"Ang lakas ng loob mo sa date me instead, tapos hindi mo naman pala alam kung ano ginagawa sa date? Hahaha."

Mas lalo naman niya akong tiningnan ng masama. Kaloka ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. Tumikhim ako at inayos ko na ang sarili ko dahil feeling ko sasapakin na niya ako kapag hindi pa ako tumigil.

"Ipagsigawan daw ba? Tss."

Lumapit ako sakan'ya at inakbayan siya kahit medyo matangkad siya saakin, abot ko naman siya 'no.

"Okay lang 'yan. Ayaw mo no'n, ako first date mo?" I said with my natural voice. Napatitig naman siya saakin ng seryoso kaya napahiwalay agad ako sakanya.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa titig niya. Anong klaseng tingin ba 'yon? Kaloka. Nagjo-joke lang naman ako e.

"H-halika na." Sabi ko, sabay hila ko sa wrist niya na dapat hindi ko nalang ginawa kasi parang nakuryente buong katawan ko. Kapatid ba siya no'ng babae na bida sa Electro Shock Chick na thai movie? Jusko. Enough na nga sa physical contact, Nikki. Mahirap na.

Wala mas'yadong tao ngayon sa park. Umupo nalang kami sa unang nakita ko na bench under of a cute small tree. Bale natatabunan ng mga dahon ng puno ang bench na inu-upuan namin kaya hindi gaanong mainit.

We sitted there for a few minutes without talking habang nakikiramdam lang. Ba't parang ang awkward ng atmosphere? Geez.

"Nikki."

Shock! Nasasanay na talaga siya na tawagin ako sa totoo kong pangalan ha?

"Gaano mo ba kamahal ang paglalaro ng soccer?" He asked habang nakatingin lang sa malayo.

"Hmm. 11 out of 10." Sagot ko sakanya dahilan para marinig ko ang mahina niyang tawa. Ano nakakatawa do'n?

"Why do you love playing soccer?" He asked again. Napabuntong hininga nalang ako.

"Interview ba 'to?"

Narinig ko naman siya ulit na tumawa ng mahina.

"'Di ba sabi ko, gusto pa kitang makilala?"

This time naramdaman kong tumingin siya saakin. Ano naman tinitingin-tingin niya? Deretso parin ang tingin ko sa kawalan kaya iniwas nalang niya ulit ang tingin niya. Buti naman.

"Because it's my passion."

"Kaya nagawa mong magpanggap bilang lalaki?" Tanong niya habang tatawa-tawa pa.

"Oo naman. Nakakainis lang kasi lagi nalang kayong lalaki ang prioritize ng mga big tournament. Pangarap din namin makapaglaro diyan no? Kahit mga kateam ko noon sa dati kong school." Mahabang explanation ko sakan'ya.

"I love soccer too." Napatingin naman ako sakanya. Nakatingin lang siya sa malayo kaya iniwas ko din agad ang tingin ko sakanya.

"Since I was 8 years old, I am already playing soccer. Gustong gusto ko talaga ang amoy ng soccer field no'n saka ng bola. Hahaha."

Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Nakakarelate ako e. Gustong gusto ko rin talaga amoy ng field saka ng bola.

"I feel you. 8 years old din ako no'n noong nagstart ako maglaro ng soccer. Lagi pa akong natutumba no'n kasi nabibigatan ako sa bola kapag drinidribble ko na." Kwento ko saka'ya pero parang hindi naman siya nakikinig kasi nakangisi lang siya. Tss.

"Hindi naman sa pinagyayabang ko pero magaling na ako maglaro no'ng 10 years old palang ako."

Napatingin naman ako sakanya kaya napatawa nalang siya. Ang hangin ng ipis na'to.

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Basta totoo sinasabi ko. Nasa luneta park kami no'n ng parents ko, namamasyal. Dala-dala ko pa ang bola ko no'n kaya nagsisipa at naglalaro ako mag-isa no'n sa damuhan ng luneta."

Hindi ako nagsalita at nakinig lang ako sa kwento niya. For sure magyayabang lang 'to. Pero like duh? Mas magaling lang siya saakin ng mga 30% e.

"Alam mo bang may tinuruan pa akong maglaro no'n na batang babae dahil sabi niya love daw niya ang soccer."

Wow. Chickboy na agad pala siya sa gano'ng edad? Ibang klase.

"Tapos habang tinuturan ko siya no'n lagi siyang natutumba. Napagalitan pa ako ng mama niya kasi akala niya inaaway ko 'yong batang babae."

Napatawa nalang ako sa kwento niya. Buti nga sayo.

"Pero ang masaya na part no'n e nagpa-thank you siya saakin dahil mas lalo daw niyang ipupursige ang pagso-soccer dahil saakin."

Naparoll eyes nalang ako nang biglang namula ang tenga niya. Mukhang kinikilig siya. Luh? Parang 'yon lang e.

"Feeling ko tuloy pwede na akong maging coach no'n. Hahaha. At saka alam mo bang ang cute ng batang babae na 'yon? May pagkasuplada lang at pagkaboyish pero cute siya. Lagi ko ngang inaaya si mama bumalik ulit ng luneta bakasakaling makita siya ulit."

Naparoll eyes ulit ako sa sunod niyang kwento. Jusko.

"So bata ka palang, malandi ka na."

Tumingin naman siya saakin ng masama pero ngumiti din agad siya dahilan para mapataas ang kilay ko. Baliw ba 'to?

"Alam mo din bang kahawig mo ang batang babae na 'yon?"

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon