Prologue

281 19 1
                                    

Ano nga ba ang love triangle?

Sabi ni pareng Wikipedia, "A love triangle (also called a romantic love triangle or a romance triangle) is usually a romantic relationship involving three people. While it can refer to two people independently romantically linked with a third, it usually implies that each of the three people has some kind of relationship to the other two. The relationships can be friendships, romantic, or familial."

Sabi naman ni kuya urban dictionary, "When two people both love a third person, and that third often loves them both. The object of their love may be conflicted as to whom he/she wants, and generally nobody emerges from these very happy."

Kinulit ko na rin si aling Cambridge dictionary at ito ang sabi niya, "Love triangle is a situation in which two people both love a third person."

Iisa lang ang kinahinatnan ng sagot nila. Ang love triangle daw ay yung may dalawang tao na na-in love sa isang tao, pero di ko gets kung bakit triangle.

Ang triangle ay merong three points, called vertices na pinagsasama ng three lines and angles. Kung yung tatlong tao yung vertices, yung lines naman yung relasyon sa isa't isa.

Kung ivivisualize mo siya, dapat ay si girl ang nasa taas at yung dalawang lalaki ang nasa baba or vice versa.

Kung triangle, dapat si boy 1 ay may gusto kay girl while si girl may gusto kay boy 2 and si boy 2 may gusto kay boy 1.

Oh, di ba? Bata pa lang talaga ako tinatanong ko si naymmy kung bakit love triangle yung sa mga teleseryeng pinapanood niya, eh ang gusto ni boy 2 ay si girl. Sabi ko pa dapat ang gusto ni boy 2 ay si boy 1 kahit weird yun. Nang lumaki naman ako naintindihan ko na rin naman siya. Yung parang sa mga triangle map sa math na parang shortcut na ewan (nakalimutan ko kasi tawag dun) ay yung nasa taas ay ididivide mo sa dalawang nasa baba pero once again, I'm freakin' confused. Kasi kung titignan mo ulit siya you can multiply the two values na nasa baba so, may relation pa rin sila. See? Magulo, right?

I buried that thought on the back of my head when I met Daniel Bryle Dela Cruz. Siya ang pinakaunang lalaking nagpatibok ng aking puso. Medyo school heartthrob siya. Bagong lipat kasi kaya hindi pa rin siya gaano kilala. Karamihan ng may gusto sa kanya ay kaklase namin o mga malapit sa room namin.

Ang weird sa kanya ay kahit anong papansin sa kanya ng mga babae ay dedma siya. Kaso may kumalat na isyu tungkol sa kanya. Hindi pala siya straight! Naalala ko pa yung sinabi sakin nung mga best friend ko.

"Nahuli si Bryle na may nilagay sa locker ni Roy. Pink envelope daw."

"And so?"

"Pink letter, sis. Iisa lang ang ibig sabihin nito."

"Naglagay lang naman ng something sa locker ni Roy ibig sabihin ba nun, bak–"

"The point here is not him putting something on Roy's locker. The point is he might be Roy's secret admirer or whatever due to that pink envelope."

Oh, sino si Roy? Marvin Roy Vasquez, also known as the school's scientist, mathematician, physicist, writer, artist, at marami pang iba. Well, maraming nagsasabing crush niya ako. Haba ba ng hair ko? Di ko naman nararamdaman kasi palagi niya akong sinusungitan! Marami ring babae ang nagkakandarapa sa kanya kaso 'di kasing dami ng kay Bryle. Pogi kasi ng baby ko eh hihi! Cute naman siya kaso medyo masungit lang and mayabang pa.

Sino naman ako?

My name is Yvon Trisha Dela Torre. Ang pinakabaliw, sabi nila 'pinakapabebe', at pinakamabait sa tropang PEMCY.

Ako ang babaeng na-in love sa heartthrob ng school namin na in love sa pinakamatalinong LALAKI sa school namin. Saan kami dadalhin ng kakaibang love triangle na 'to?

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2020 by arianna_sognatore12 . All Rights Reserved.

This story is published subject to the condition that it shall not be reproduced or retransmitted in whole or in any part, in any manner, without the written consent of the copyright holder, and any infringement of this is a violation of copyright law.

This story is published subject to the condition that it shall not be reproduced or retransmitted in whole or in any part, in any manner, without the written consent of the copyright holder, and any infringement of this is a violation of copyright...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Ito po yung first draft nung story so this is unedited. You may encounter some typos and grammatical errors here and there. Hopefully, maedit ko na siya by 2022. Thanks for understanding!

Also, this story is not meant to offend or hurt anyone especially the LGBTQ+ community whom I respect and love very much.

If I have written anything offensive, please let me know. I am willing to change it right away and learn from my mistake.

Enjoy reading!

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon