Roy's POV
"Ang corny ng trip mo sa buhay, pre," sabi ni Ron nang ikinwento ko sa kanila ang plano kong Valentines surprise para kay Yvon.
"Bitter ka lang kasi wala kang girlfriend," pambabara ni Mike kaya natawa ako.
"Basta magtetext ako tapos kailangan lumabas na kayo para kunin yung mga gitara niyo," sabi ko.
Tumango naman sila bago ako iniwan doon at pumasok na ng classroom.
Valentines ngayon at may plano akong surpresahin si Yvon. Ngayon ko na din balak tanungin kung gusto niya ba ako maging date sa prom. Sa March pa naman ang prom pero plano kong tanungin na siya ngayong Valentines para mas special.
Matapos maghintay ng ilang minuto ay tinext ko na sila at tulad ng nasa plano ay agad silang lumabas.
Kinuha nila ang gitara mula sa akin at pinauna akong maglakad. Nasa labas pa lang kami ng classroom ay tinugtog na nila ang intro ng napili kong kanta. Napatingin ang lahat ng kaklase namin sa amin. Medyo naiilang ako pero ikinalma ko ang sarili ko bago pumasok sa loob ng room.
"Itong awiting ito
Ay alay sayo," panimula ko sa kanta habang nakatingin kay Yvon."Sintunado man tong
Mga pangako sayo." Natawa siya."Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda," kanta ko bago bumilis ang tono ng pagtugtog ni Mike at Ron."Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda.Ibibili ng balot pag mahinang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin...
Kasama kang tumanda...Sasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand oneLoves na loves parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para sa akin ikaw
Ang pinakamaganda
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda""At nangangako sayo..." Nagsimulang bumagal ang pagtugtog nung dalawa.
"Pag sinagot mong oo..." patuloy ko habang lumalapit kay Yvon.
"Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang." Hinawakan ko ang kamay niya."Kasama kang tumanda," pagtatapos ko na diretsong tumingin sa mga mata niya.
"Yvon Trisha Dela Torre, papayagan mo ba ang isang tulad ko na maging date mo para sa nalalapit nating Senior High School Prom?" tanong ko nang matapos kumanta.
"Nagyayaya lang pala sa prom. Akala ko sa kasal na," sabi ng teacher namin na naging dahilan para tumawa kami. "Mag-yes ka na, anak. Alam ko namang gusto mo."
"Nakakahiya ka. Nagkaklase kami, oh," bulong ni Yvon sa akin na tinawanan ko lang. "Ano pa bang magagawa ko syempre yes ang sagot ko," sagot niya. Naghiyawan naman ang mga kaklase namin kaya pareho kaming natawa.
"Oh, okay na tayo. Upo na at mauubos ang oras natin. Marami pa tayong hahabulin," sabi ni Maam kaya dali-dali naman kaming sumunod.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Novela JuvenilLove Triangle. Isang nakakabaliw at nakakainis na konsepto. Ang konsepto kung saan may gusto ang dalawang tao sa iisang tao lamang. Eh, papaano kung ang konseptong ito ay naiba at nabago? Anong mangyayari sa mundo ng tatlong taong ang tanging gina...