Trisha's POV
"Tayo na ba talaga?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Roy.
Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay namin.
"Oo nga. Wala naman kasi akong choice. Dare mo yun, 'di ba?" sagot ko.
Yumuko siya. "Hindi ko naman alam na gagawin mo talaga. Pwede ka naman mag-no kung pakiramdam mo minadali kita."
Naguilty ako bigla. Sa totoo lang ay may parte naman sa aking gustong sagutin si Roy kasi alam kong mas makikilala at mas magugustuhan ko pa siya kapag kami na. Bahala na siguro. Titignan ko na lang kung saan kami dadalhin nito.
"Huwag ka nang malungkot. Sinagot naman na kita at hindi labag sa loob ko yun, okay?" pagpapagaan ko ng loob niya.
Nakahinga naman siya ng maluwag bago ngumiti. "So, pwede ko na gawin 'to?" tanong niya sabay mabilis na kinuha ang kamay ko.
Agad na tumibok ng mabilis ang puso ko. Nararamdaman ko na ring nag-iinit ang pisngi ko.
"Mula ngayon ang tawag ko na sayo ay Vasílissa mou," sabi niya habang nilalaro ang kamay ko. Mabilis din namang kumalma ang puso ko matapos niyang magsalita.
"Ha? Ano? Vaseline mo?" naguguluhang tanong ko. "Hindi ako shampoo, Roy!"
Natawa siya. "Vasílissa mou. 'My Queen' in Greek."
"Eh, bakit hindi na lang 'My Queen'?" tanong ko.
"Masyadong common na kasi," sagot niya.
"Ahh... eh, ano tawag ko sayo?"
"O vasiliás mou."
"Ano? O vasi- ano yun?"
"O vasiliás mou."
"Ang hirap naman, eh! Parang 'Oh, pastillas mo'," reklamo ko.
"Edi Mr. Vasquez na lang itawag mo sakin," suggestion niya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Para Mrs. Vasquez itatawag ko sayo," nakangiti niyang sagot.
Kumunot ang noo ko. "Huy! Bakit yun?"
"Ayaw mo?" naguguluhan niyang tanong.
"Hindi naman ako yung nanay mo!" sagot ko. Duh! Napakaobvious naman.
Ilang saglit siya natahimik bago tumawa ng malakas. Napapout naman ako bago siya tignan ng masama.
"Ang cute mo," sabi niya. Natigilan naman ako at nag-init na naman ang mga pisngi ko. "Kahit ano na lang itawag mo sa akin pero you'll still be my cute vasílissa." Ngumiti siya.
Tumikhim naman ako para hindi mahalata ang pagbablush ko. "Sige. Ikaw na lang ang Pastillas ko."
Natawa siya. "Tara na nga," sabi niya bago ako hinila para maipagpatuloy namin ang paglalakad.
▲・▲・▲
"Roy, uwi na tayo?" tanong ko kay Roy nang matapos ang klase namin.
"Sorry, Vasílissa mou. Nakalimutan ko sabihin sayo na may practice kami ngayon," sabi niya.
"Sama ako!" masiglang sabi ko na pumalakpak pa.

BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionLove Triangle. Isang nakakabaliw at nakakainis na konsepto. Ang konsepto kung saan may gusto ang dalawang tao sa iisang tao lamang. Eh, papaano kung ang konseptong ito ay naiba at nabago? Anong mangyayari sa mundo ng tatlong taong ang tanging gina...