Chapter 29

15 1 0
                                    

Bryle's POV

Tatlong araw na ang nakalipas magmula nung umamin sa akin si Fyona. Hindi na niya ako pinansin ulit. Nag-uusap lang kami kapag may kailangan siya itanong or kung kailangan talaga mag-usap pero other than that, wala na.

Mabilis din naman akong gumaling. Mabuti na rin yun para hindi na ako maging burden pa kay Fyona.

"Nasaan na kaya yun?" tanong ko sa sarili habang hinahanap ang gray hoodie ko. Tinignan ko na ang bawat sulok ng kwarto ko pero hindi ko pa rin mahanap.

Tumigil ako saglit at inisip kung saan ko nga ba linagay. Agad ko namang naalala na hiniram nga pala ni Fyona yun.

Dali-dali akong nagpunta sa kwarto niya. Wala naman siya dito dahil may pinuntahan siya. Hindi nga siya nagpaalam sa akin pero naiintindihan ko naman kasi galit pa rin siya.

Binuksan ko ang cabinet niya at inisa-isa ang damit niya. Mabilis ko namang nakita ang hoodie ko kaya hindi ko masyado nagulo ang cabinet niya.

Nang hinugot ko na ang hoodie ko ay nagulat ako nang malaglag mula doon ang nakatuping papel.

Tinitigan ko pa saglit bago pinulot.
Binuklat ko mula sa pagkakatupi at binasa ang laman.

Boarding Pass
MNL > CEB
MS Fyona Asuncion
Flight
5J 561
Date
Sun, Nov 8
2020
Seat
6A
Boarding Time
12:30 am

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Fyona nang maabutan niya ako sa kwarto niya.

"Ano 'to?" tanong ko na itinaas ang boarding pass niya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Bryle."

"Aalis ka?" tanong ko habang pinipigilang tumulo ang mga luhang namumuo sa gilid ng mata ko.

"I'm sorry," sabi niya sabay yuko.

"Paanong– Hindi pa tapos ang school year, Fyona!" pagpapaalala ko.

"Alam ko pero naayos na ni Daddy lahat. Doon na ako magsesecond sem. Kailangan ko na rin makahabol sa mga admission tests," sagot niya.

Napapikit ako. "Bakit ba aalis ka pa?"

Bumuntong-hininga siya. "At tsaka akala ko ba gusto mo din na makapagcollege tayo dito," sabi ko nang imulat ang mga mata ko.

"For once, Bryle, I want to choose myself," puno ng emosyong saad niya. Nagulat naman ako.

"Ngayon ko lang kasi narealize na magmula nung maging kaibigan kita, every decision I make, itatanong ko palagi sa sarili ko kung magugustuhan ba ni Bryle, matutuwa ba si Bryle, kapag pinili ko ba 'to, masasamahan ko ba si Bryle. My life revolved around you and it's so stupid kasi hindi mo naman ako pinilit na gawin yun and yet, I still did it," aniya.

"Pati sa pagpili ng school na papasukan ko, nakadepende pa sayo. Bryle, it's not my dream to study here, it's yours. Sinabi ko lang na gusto ko kasi ayokong iwanan ka mag-isa," sabi niya bago umupo sa kama niya at iniharang ang mga kamay sa mukha.

"Eh, yun na yung ginagawa mo ngayon," sabi ko. Naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko.

"Kasi gusto ko nang masanay na wala ka. We have to grow apart, Bryle. This is what's best for us," saad niya na tumingin na ulit sa akin, namumugto ang mga mata.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon