Chapter 27

23 1 0
                                    

Roy's POV

"Kamusta?" tanong ni Angeline nang makipagkita ako sa kanya. Saturday ngayon at wala rin naman akong gagawin kaya pumayag ako.

"Okay lang naman," sagot ko.

"Oh," sabi niya na inabot ang libro ko. Yun ang dahilan kung bakit nagkita kami ngayon. "Kung hindi pa ako nag-ayos ng bookshelf, di ko makikita yan."

"Bakit nga ba nasayo?" tanong ko.

"Sa tingin mo ba maalala ko pa yung dahilan?" sagot niya bago umirap. Natawa naman ako. Napakataray niya pa rin talaga.

"Bakit binalik mo pa eh pwede mo naman na kunin. Bibili na lang ako bago," sabi ko.

"Mahal bagong libro at ang rare kaya niyan! Kung wala lang ako niyan, inangkin ko na kaso meron rin akong kopya so dapat lang na ibalik ko sayo yan," sagot niya.

Tumango-tango naman ako bago tumayo at kinuha ang order niya. Agad naman siyang sumagot kaya pumila na ako sa counter. Hindi rin nagtagal ay nakaorder na ako at nakuha ang pagkain namin.

"Balita ko, may girlfriend ka na daw ulit," sabi ni Angeline habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. "Yun yung long time crush mo yata?"

Napangiti ako habang inaalala si Yvon. "Oo," sagot ko.

"In love na in love, brad? Ngiting-ngiti ampucha," puna niya.

"Ganun talaga." Nagkibit-balikat ako.

"Mahal na mahal mo talaga siya, noh? I mean, di kita masisisi. Isa ka sa parang less than 1% ng population na naging jowa ang crush nila."

Natawa ako. "Less than 1% talaga?"

"Aba oo! Kahit magtanong-tanong ka pa dyan, napakaimposible macrushback," sagot niya.

"Pasalamat ka na lang talaga at krinush back kita dati," sabi ko bago natawa.

Hinampas niya naman ako nung libro ko. "Excuse me?!"

"Sige, daan ka na," pagbibiro ko ulit kaya tinignan niya ako ng masama.

"Ikaw ang may crush sa akin dati kaya ako ang nangcrush back sayo!" depensa niya sa sarili.

"Excuses, excuses," pang-aasar ko lalo.

Inirapan niya na lang ako. "Pero seryoso, masaya ako para sayo. Sayo at sa bagong shining star mo."

Natawa naman ako. Yun kasi ang tawag ko sa kanya dati. "Salamat," sagot ko.

"Huwag mo na siya pakawalan. Huwag mo rin sasaktan kung hindi lagot ka sakin." Pinandilatan niya ako.

"Yes, boss." Sumaludo ako. Pareho naman kaming natawa dahil sa mga pinaggagawa namin.

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain matapos nun.

▲・▲・▲

"Hanggang kailan niya kaya ako iiwasan?" tanong ko sa sarili nang magising at makitang walang message or missed call sa cellphone ko. Birthday ko ngayong araw at inasahan ko na baka kausapin na ako ni Yvon dahil birthday ko naman. Matapos kasi nung aksidenteng halik namin, hindi na niya ako pinansin.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon