Epilogue

39 1 0
                                    

Bryle's POV

"Makukuha niyo ang results next week, sir," sabi sa akin ng nurse after ko bayaran yung mga checkup fees ko.

"Sige, thank you," sabi ko bago kinuha ang receipt at naglakad na palayo.

"Kapag may dumating na pasyente, tell them to wait for me in the waiting area. I'll just have a quick lunch break," sabi ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na yun at agad kong nilapitan nang makilala. "Doktora!" tawag ko.

Gulat niya naman akong nilingon. "Oh, Architect! Ngayon pala ang monthly scheduled checkup mo."

"Yep. Maglalunch ka? Tara sabay tayo," aya ko.

"Wala ka pa lang entry ngayon, noh?" sabi niya na pasulyap-sulyap pa sa paligid.

"Entry?" taka kong tanong.

"Wala kang dalang jowa ngayon," sagot niya kaya natawa ako. "Break na kayo ng boyfriend mo?"

"It didn't work out." Nagkibit-balikat ako.

"Yan din sabi mo last month nung tinanong kita kung nasaan na yung girlfriend mo. Palagi ko ngang inaabangan sino kasama mo every month," sabi niya. "Naghahanap ka pa rin ba ng iba kasi hindi mo siya makalimutan?"

Mahina akong natawa. "Eh, ikaw? Bakit hindi ka pa maghanap ng iba? Forever hoping ka kay ano pangalan ulit nun? John ba yun?"

"Pasmado bibig mo, ah!" bwelta niya kaya natawa ako. "Hindi na lang ako mag-aasawa. Sakit sa ulo."

"Ako na lang, gusto mo?" biro ko.

"No way!" sabi niya bago ako inirapan. Tinawanan ko naman siya. "Nagpunta pala si Trisha dito. Kakalabas lang ng clinic ko so baka andyan pa."

Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalang yun.

"At affected pa nga siya, ladies and gentlemen," pagbibiro niya kaya napatikhim ako.

"Nix, akala ko ba maglalunch ka na," sabi ng isang pamilyar na boses.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 16 years na ang nakalipas pero iba pa rin ang dulot ng boses niya sa akin.

"Maglalunch na nga kasabay ko si Architect," sagot ni Eunix sa kanya.

"Architect?" taka nitong tanong bago lumapit sa amin. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. "Bryle, long time no see!" bati niya.

"Kamusta, Trish?" tanong ko.

"Okay lang. Ikaw?" tanong niya pabalik.

"Okay lang din," sagot ko.

"Close na pala kayo ni Eunix, ah!" sabi niya kaya pareho kaming natawa ni Nix.

"Crush kasi ako nito, eh kaso nireject ko siya ng paulit-ulit. Ang kulit-kulit nga! Pabalik-balik dito para suyuin ako. Hayst!" sabi ni Eunix na umiiling-iling pa.

Napaismid ako. "Ang kapal mo, Doc," sabi ko kaya natawa ulit kami.

"Yvon!" tawag ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ni Trish ang nagsalita. "Hon, halika! May papakilala ako," sabi ni Trisha at hinintay makalapit sa kanya ang tinawag niya. Natigilan naman ako nang marinig ang endearment niya dito.

"Oh, Bryle!" gulat na tawag ni Roy nang makalapit siya sa amin.

Nginitian ko siya. "Long time no see, Engineer," bati ko.

"Likewise, Architect. Palagi kong nababalitaan ang projects mo. Nagtataka nga ako bakit hindi pa tayo nagkakatrabaho sa isang project." Natawa siya.

"Kaya nga, eh!" Mahina akong natawa.

"Sana magkareunion na tayo, noh? Nakakamiss rin mga kaklase natin nung high school," sabi ni Eunix.

"Sana nga," sabi ni Trish. "Sige, una na kami. See you around, Bryle, Nix," paalam ni Trisha na tinanguan namin.

"Sana magkatrabaho na tayo soon, Bryle. See you next month, Doc," paalam naman ni Roy bago sila naglakad palayo.

"Bakit nag-"see you next month" si Roy sayo?" tanong ko kay Eunix habang pinagmamasdan namin silang maglakad palayo.

"Monthly checkup ni Trisha kasi..." Tumikhim siya. "Magkakababy na sila," sabi niya, halata ang pag-aalangan sa tono.

Bumuntong-hininga ako. "Kasal na pala sila."

"I'm sorry kung hindi ko sinabi," aniya.

"Okay lang," sagot ko.

Nandoon lang kami nakatayo at pinapanood ang papalayong si Trisha at Roy. Ingat na ingat si Roy kay Trish kaya hindi mapigilan ni Trish na matawa dahil napakaoverprotective ng asawa.

Sinubukan kong ngumiti. At least, masaya na siya.

"Lunch na tayo?" tanong ni Eunix kaya tumango ako at sumunod sa kanya.

Matagal na panahon ang lumipas. Marami akong nakilala, nakausap, at nakasalamuha. Iba't ibang personalidad ang naencounter ko, may magandang ugali, may pangit. Tumatakbo ang oras pati ang mga pagbabago.

Pero iisa lang ang alam kong hindi nagbago at iyon ay ang pagmamahal ko sa kanya na kahit subukan ko pa siyang palitan ng paulit-ulit ay hindi talaga. Siya pa rin talaga. Inasahan ko na ang lahat ng ito at kahit masakit ay kailangan ko na siyang pakawalan dahil masaya na siya sa piling ng iba.

The End

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon