Bryle's POV
"May nalaman ako," bulong ni Fyona na tumabi sa akin. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at tinignan siya. "Birthday ng baby mo bukas," sabi niya.
Napakunot naman ang noo ko. "Birthday ni Trisha? Sa October pa siya, 'di ba?"
Nagtaka naman siya. "Si Roy! Hindi mo naman naging baby si Trisha, di ba?" bulong niya.
Nanlaki naman ang mata ko dahil nakalimutan kong hindi pa pala alam ni Fyona na si Trisha na ang gusto ko.
"Anyway, gawan mo ng letter si Roy. Tutulungan kita magtago don't worry," sabi niya.
Umiling ako. "Hindi na. Mabuti na ang safe," sagot ko.
"Sure?" Itinaas niya ang parehong kilay.
"Sure," sagot ko bago ibinalik ang tingin sa ginagawa ko kanina.
▲・▲・▲
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Ngayon ang unang araw ng sembreak namin at hindi ko alam kung bakit ganito na agad ang pakiramdam ko. Siguro ay dahil sa pagod.
Umupo ako at minasahe ang sentido bago lumabas ng kwarto.
"Good morning, Bryleey!" masiglang bati ni Fyona na nakaupo sa dining table kasama si Ate Fina na may-ari ng boarding house na tinutuluyan namin.
Silang dalawa lang ang nasa lamesa dahil kaming dalawa lang naman ni Fyona ang natira niyang boarders. Lahat ng SHS boarders ay umuwi dahil nga semestral break. Ang mga college boarders naman ay busy palagi kaya hindi sila nakikikain kay Ate Fina.
Hindi kami umuwi ni Fyona dahil mahal ang ticket pero sumang-ayon ang parents namin na bilhan kami ng ticket sa December para makauwi kami para sa pasko.
"Good morning, Ate," bati ko kay Ate Fina. Nginitian niya naman ako at tumango.
Naupo na ako sa tabi ni Fyona at kumuha lang ng white bread at fried egg dahil wala akong gana.
"Yan lang kakainin mo?" tanong niya nang makita ang inilagay ko sa plato.
"Wala akong gana, eh," sagot ko.
Kinapa naman niya ang noo ko. "Mainit ka!" puna niya.
"Okay lang ako," sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Pagkatapos mo kumain, uminom ka ng paracetamol tapos magpahinga ka, okay?" sabi niya sa akin na tinanguan ko.
Ganun nga ang nangyari matapos ko magbreakfast. Uminom ako ng paracetamol na nakalagay sa first aid kit namin ni Fyona. Inantok din ako dahil dun kaya hinayaan ko ang sarili kong matulog.
▲・▲・▲
"Ang ganda niya talaga," bulong ng katabi ko habang pinapanood namin si Trish na naglalakad papalapit sa altar.
Tama ang sinabi niya. Napakaganda ni Trisha sa suot niyang puting off-shoulder gown. Nakatabing ng puting veil ang mukha niya pero kitang-kita mo pa rin ang maganda niyang ngiti. May hawak siya na pink and white tulips bouquet. Maganda rin ang pagkakaayos ng kulot niyang buhok.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionLove Triangle. Isang nakakabaliw at nakakainis na konsepto. Ang konsepto kung saan may gusto ang dalawang tao sa iisang tao lamang. Eh, papaano kung ang konseptong ito ay naiba at nabago? Anong mangyayari sa mundo ng tatlong taong ang tanging gina...