Chapter 10

23 8 0
                                    

Trisha's POV

"Theo, wala kang jowa! Hahaha!" sabi ko sa kapatid ko habang nakatambay ako sa kwarto niya. Busy siya sa pagvivideo games habang ako ay nanlalambing at nangungulit kasi tuwang-tuwa ako sa mga kaganapan at wala akong mapagbuntungan.

"Kanina ka pa, ate. Lakas ng amats mo," sabi niya at busy pa rin sa kakapatay sa mga zombie or whatever sa laro niya.

"Kausapin mo naman kasi ako! Ang dami kong gustong ikwento tapos dinedeadma mo ako!" pagtatampo ko kunwari.

"Nakikinig naman ako sayo. Ano pa bang magagawa ko, eh pumasok ka dito na parang sayo ang kwarto na 'to. Ginulo mo pa yung kama ko," reklamo niya.

"Kanina pa magulo kama mo, tanga!" bwelta ko pero di niya pa rin ako pinansin.

"Ah, basta! May nanliligaw na sa akin, Theongshi tapos ikaw wala ka pa ring jowa. Hahahaha!" tuwang-tuwang kwento ko.

"Yung kapatid ni Rey yung manliligaw mo, di ba? Mukhang bati na kayo, congrats," sabi niya na tinutukoy si Roy.

"Hindi! Ang pangit-pangit nun tapos jojowain ko? Kadiri!" sabi ko at napatingin siya sa akin. Tinigil niya ang paglalaro at hinarap ako.

"Maniwala ka sa akin, ate. Kakainin mo lahat ng sinabi mo," sabi niya at nangunot ang noo ko.

"Maniwala ka rin sa akin, Theongshishi. Hindi. Ako. Magkakagusto. Kay. Marvin. Roy. Vasquez. PERIOD!" sabi ko at hinarap niya muli ang video game niya.

Tumayo na ako mula sa pagkakadapa sa kama niya at akmang lalabas nang magsalita siya, "Pero kahit sino man 'yang manliligaw mo, ate. Mas gusto ko pa rin si Kuya Roy para sayo."

Inikot ko na lang ang mga mata ko bago nagmartsa palabas.

Never na talaga nagsabi ng kahit anong matino 'yang si Theo!

▲・▲・▲

"Wala kayong jowa! Omayghad! Hahahaha!" sabi ko sa mga kaibigan ko habang nasa jeep kami papuntang school.

"Kanina pa 'to. Muntanga ka na, sis," sabi ni Paula sa akin.

"Medyo nasasaktan lang ako dun sa part na walang jowa," sabi ni Caz sabay hawak sa puso niya na kunyari nasasaktan.

"May jowa ka nga!" bwelta ni Nix sa sinabi ni Caz.

"Nasaan?! Hindi nga ako kilala nung tao, eh. Huhu!" pagdadrama ni Caz.

"Why are you happy?" tanong ni Morrel sa akin.

"Hindi bakla ang baby Bryle ko kase umamin na siya sakin at nililigawan na niya ako! Haha!" tuwang-tuwang kwento ko.

"Sana all!" sabay-sabay na sambit nila.

Nagkibit-balikat na lang ako sabay tingin sa labas at dinama ang polusyon ng Maynila.

Hindi rin naman nagtagal at nasa school na rin kami. Excited na excited pa akong pumunta sa room dahil makikita ko na naman si Bryle pero nang makarating ako dun, wala naman siya.

Inis akong naglakad papunta sa upuan ko at bago ako maupo, may nakita akong isang cute na nakadapang panda plush. Kinuha ko yun at inobserbahan. May nakasabit na note sa kamay niya. Tinanggal ko at agad na binasa ang nasa loob.

Kasing-cute mo 'tong panda. -Bry

Sakto namang pumasok si Bry matapos kong mabasa yung note niya.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon