Chapter 23

13 0 0
                                    

Bryle's POV

"Okay ka naman na, 'di ba?" tanong ni Fyona habang nakasakay kami sa jeep papasok.

Tumango ako bilang sagot.

"Kung hindi mo kayang pumasok, tell me tapos uuwi na tayo," sabi niya.

Nginitian ko siya. "Okay lang ako, Fyona. Hindi ko isasacrifice ang studies over something so petty," sagot ko.

"Ang strong talaga ni baby Bryleey," puri niya bago isinandal ang ulo sa balikat ko. Tinawanan ko naman siya.

"Uhmm... Ate, Kuya, sorry po FC pero ang cute niyo pong tignan," sabi nung babaeng nakaupo sa tapat namin. "Gaano na po kayo katagal?" dagdag na tanong niya.

Umupo ng maayos si Fyona at natawa naman ako. Dati pa lang kasi ay napagkakamalan na ng mga tao na kami. Sa sobrang close kasi namin ay daig pa daw namin kung umasta ang mga totoong magboyfriend at girlfriend. Tinatawanan na lang namin kasi napakaimposibleng maging kami dahil hindi naman namin gusto ang isa't isa.

"Hindi kami. Sadyang ganito lang talaga kaming magkaibigan," sagot ko.

"Ah, sayang naman. Bagay pa naman po sana kayo," sabi nung babae.

"Hindi ako bet nito, Ate," sabi ni Fyona na itinuro ako.

"Bakit naman, Kuya? Ang pretty naman po ni Ate," baling nung babae sa akin. Nagpacute naman si Fyona, mukhang paniwalang-paniwala na maganda siya.

"Pasalamin ka na, Ate," sagot ko at hinampas naman ako ni Fyona.

"Argh! So mean! Bahala ka nga dyan!" sigaw niya bago ipinara ang jeep dahil nasa school na kami. Pati si Ate girl na kumausap sa amin ay bumaba na rin.

Sinabayan siya ni Fyona maglakad dahil nagtatampo daw siya sa akin. Medyo naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Grade 10 student pala si Ate girl. May mga pinagbubulungan din sila ni Fyona na hindi ko napick up dahil napakahina talaga. Isinawalang bahala ko na lang yun at itinuloy ang paglalakad.

▲・▲・▲

"Tara," aya ko kay Fyona nang tumunog na ang bell.

"Mamaya pa ako uuwi, Bryle. May aasikasuhin pa kaming report sa Media and Info Literacy," sagot niya.

"Ah, sige. See you later," paalam ko.

"See ya later," sabi niya bago ako lumabas at naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

Hindi naman nagtagal at nakasakay na rin ako. Ako pa yata ang unang sakay nung jeep. Nagbayad na ako agad at unti-unting nadadagdagan na ang mga pasahero.

Nagulat naman ako nang sumakay si Trisha sa jeep at mag-isa lang siya. Nagkatinginan kami saglit bago niya iniiwas ang tingin at naupo na ng tuluyan sa tapat ko.

"Bayad po," sabi niya na inabot sa katabi ang pera.

Hindi talaga siya tumitingin sa direksyon ko. Nakatingin lang siya sa bintana o sa gilid-gilid. "I'm sorry," biglang sambit ko kaya nagulat siya.

Nilingon niya ako. "Nagawa ko lang naman yun kasi ayoko na umulit sa dati," panimula ko at nakatulala lang siya sa akin. "Hindi lang naman dahil pangarap namin ni Fyona kaya kami pumunta dito. Kung hindi ako pupunta dito, hindi ako mabubuhay."

Napakunot ang noo niya. " Anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya.

"Hindi ako katulad ng iba, Trish. Hindi ko gustong magdamit babae o umakto bilang babae. Sadyang hindi inaasahan na tumibok ang puso ko para sa lalaki." Nagkibit-balikat ako.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon