Chapter 8

30 7 0
                                    

Bryle's POV

"You'll pick me up, right?" tanong ni Fyona sa akin. Nag-uusap kami ngayon sa phone at sa susunod na araw na siya darating dito.

"Oo, mag-aabsent ako para sayo so hope that made you feel special," sabi ko at napakanta na siya ng Feel Special ng Twice.

"Dapat lang! Nangako ka kay dad na ang kapalit ng pag-aaral ko dyan ay aalagaan mo ako," pagpapaalala niya sa kasunduan namin ni Tito bago ako umalis ng Cebu at pumunta sa Manila.

"Yes, ma'am. I'll take good care of you as if my whole life depends on it," sabi ko at bumuntong-hininga siya.

"Pa-fall ka talagang g*go ka kahit kailan! Buti na lang ako yung binanatan mo kasi kapag ibang tao, laglag panty na for sure," sabi niya at tinawanan ko na lang ang kababuyan ng isang 'to. Kababaeng tao tapos ganyan magsalita! "Oh, sige na! Matulog ka na kasi may pasok ka pa bukas!" tumatawang aniya.

"Okay, okay. See you. Miss you," sabi ko bago ibinaba ang linya. Nahiga na lang ako sa kama at tinitigan ang kisame. Hindi rin naman nagtagal at nakatulog na ako.

▲・▲・▲

"Trish, mag-aabsent pala ako bukas, ah!" sabi ko kay Trisha. Nandito kami ngayon sa room, naghihintay ng teacher. Hindi ko alam kung alam ni Trish na narinig ko ang confession niya pero parang ang awkward lang nung atmosphere mula kanina pang umaga.

"Bakit naman? Are you okay? May masama ba sa lagay mo?" tanong niya at umiling ako.

"Susunduin ko lang sa airport yung best friend ko. Nangako kasi ako sa daddy niya na ako ang mag-aalaga sa kanya habang andito siya sa Manila," sabi ko at napatango-tango siya.

Nagbalik siya ng tingin sa librong hawak niya. Andun na naman yunv awkward atmosphere na hindi ko maintindihan. Iba talaga ang pakiramdam ko sa araw na 'to.

"Wait!" baling niya muli sa akin. Mukhang may naalala siya. "Paano yung project natin? Akala ko ba magpaplano na tayo bukas," sabi niya at napaisip ako. Bakit nga ba nakalimutan ko yun?

"Oo nga, noh! Sige. Tawagan na lang kita tapos mag-usap tayo through the phone," sabi ko.

"Ah, sige," sagot niya at bumalik sa pagbabasa.

Isinawalang-bahala ko na lang ang kakaibang pakiramdam. Hindi ko na rin muna sasabihin ang mga nalalaman ko dahil siguradong magbabago ang pakikitungo namin sa isa't-isa kung malaman niyang alam kong may gusto siya.

▲・▲・▲

"Ang pangit mo pa rin. Antagal kong hindi ka nakita, baka naman naisipan mo magpaganda," pang-aasar ko nang makalapit sa akin si Fyona. Andito kami ngayon sa airport at nang sinalubong ko siya ay may hawak pa akong malaking karatula na nakalagay...

Fyona Maryo, welcome to Manila! Maghanap ka na ng jowa!!!

Pinagtitinginan ako ng mga tao pero tatawa na lang sila pagkatapos makita ang nakasulat sa karatula ko.

"Ikaw nga, hanggang ngayon, bad–" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis kong tinakpan ang madaldal niyang bibig.

"Ambaho talaga ng bungaga mo kahit kailan!" reklamo ko.

"Hiyang-hiya ako sayo!" sigaw niya saka inagaw ang karatula ko. "Napakalangya mo talagang nilalang eh, noh? Sige! Idiin mo pa! Ako na walang jowa, sige!" OA na sambit niya at tinawanan ko siya bago inakay at ginulo ang neat na neat niyang buhok. "Ampangit ng ugali!" sigaw niya na kumakawala sa akin.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon