Chapter 15

18 3 0
                                    

Roy's POV

"Fyona, saglit," tawag ko kay Fyona nang makita ko siyang naglalakad patungo sa building namin.

Tumigil siya sa paglalakad kaya agad ko siyang naabutan. "Oh, Roy, bakit?"

"May date ka na ba para sa prom?" wala nang paligoy-ligoy na tanong ko. Nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Wala," sagot niya habang umiiling. "Wala rin akong plano magkaroon. Pinag-iisipan ko na rin kung pupunta ako o hindi," dagdag niya.

"Pumunta ka. Kasama sa tuition fee natin yun," panghihikayat ko. Tinignan niya ako na parang tinubuan ako ng pangalawang ulo dahil talagang pursigido ako sa pagpilit pero isinawalang-bahala ko na lang yun.

"I'll think about it," sabi niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Basta pumunta ka," pamimilit ko.

"Bakit ba gustong-gusto mo ako pumunta?" halatang inis na tanong niya.

"Kasi gusto kitang maging date," walang alinlangang saad ko.

Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Ako?" tanong niya at tumango ako bilang sagot.

"Eh, may gusto ka kay Trisha, 'di ba? Bat hindi siya ang yayain mo?" takang tanong niya.

"Papayag ba siya?" malungkot na sambit ko at natigilan siya. "And besides, may Bryle siya. Ikaw ang inaalala ko."

"Bakit?"

"Kasi may gusto ka kay Bryle," sabi ko na nagkibit-balikat.

Natawa siya. "Pinagsasabi mo?"

"Huwag mo nang i-deny."

"So, what kung mayroon?" mataray na saad niya.

"May alam tayo na common thing sa isa't-isa," sabi ko na nginitian siya.

"Alam ng lahat na gusto mo si Trisha," aniya.

"Pero di nila alam na gusto mo si Bryle," balik ko sa kanya.

"Anong point ba nitong pag-aya mo sa akin?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Misery loves company?"

Natawa siya sa sinabi ko at napailing-iling. "Fine, sige. I'll go with you," sagot niya. "Well, just because we share the same burden."

"Thank you," sabi ko na tinanguan niya lang bago kami sabay na umakyat sa hagdanan.

"May plano ka siguro," bigla-biglang saad niya.

Natawa ako. "Wala. Gusto lang kita maging kaibigan."

"Bakit?"

Bumuntong-hininga ako bago siya malungkot na nginitian. "Kasi ikaw lang din ang makakaintindi sa sakit na nararamdaman ko."

▲・▲・▲

"Inaya mo talaga si Fyona sa prom?" gulat pa ring tanong ni Ron. Naikwento ko sa kanila na mayroon na akong date dahil kung kani-kanino nila ako nirereto.

"Oo. Problema nun?" walang ganang saad ko.

"Wala naman. Nakakagulat lang kasi parang hindi naman kayo close tapos bigla-bigla ka na lang nag-aaya," sagot ni Ron.

"Proud nga ako kay Roy, eh. Nagmumove on na siya kay Trisha at sobrang ganda pa ng ipapalit," sabi ni Mike bago tumawa ng malakas. Binatukan ko naman siya. Kung ano-anong mura na ang naisigaw niya pero hindi ko pinansin.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon