Chapter 9

29 6 0
                                    

Roy's POV

"Bakit ka na naman nakabusangot?" kalmadong tanong ko kay Yvon nang makapasok ako sa classroom namin.

"Hindi tayo close kaya wala kang pakialam," mataray na sambit nito at tumingin sa kung saan.

"Hayaan mo lang, Roy. Ganyan yan kasi wala si bebeluvs Bryle niya," sabi Cazscandra sakin at tinignan naman siya ng masama ni Yvon.

Inis niyang inilabas ang cellphone at nagpipipindot ng kung ano-ano doon. Hindi ko mapigilan na titigan siya. Kahit pa wala siya sa mood ay napakasarap niya pa rin pagmasdan. Sanay na rin siguro ako na bumubusangot siya sa tuwing nakikita ako.

Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito kami makitungo sa isa't-isa. Noon naman ay parang wala lang kaming pake pero nag-iba lahat yun nung magsimula akong magkaroon ng crush sa kanya. Hindi ko inaasahan na isisigaw ng mga kaklase ko na may gusto ako sa kanya kaya nung tanungin niya ako ay dineny ko yun at inasar-asar ko siya para mas lalo siyang hindi maghinala. Effective naman kasi sa tuwing tinatanong siya ng mga kaibigan niya kung naniniwala ba siya ay hindi ang sagot niya dahil sa dalas naming mag-away.

Naputol na lang ang pagbabalik-tanaw ko nang dumating na ang teacher namin at naging abala na ako sa pakikinig sa lecture.

▲・▲・▲

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Yvon nang makita kong hindi siya nakikinig at nakatunganga lang siya sa isang tabi. May session na naman kami ngayong araw at tinuturo ko sa kanya ang itinuro kanina pero mukhang wala sa akin ang atensyon niya.

"Kung sinabi kong hindi, will you bother me later?" mataray na sambit niya na sinamaan ako ng tingin.

"Siya na naman iniisip mo," bulong ko.

"Ano 'yun?" tanong niya na mukhang hindi nakuha ang sinabi ko.

"Wala, just don't think too much. Kaya wala kang naabsorb, eh, " sabi ko at nagkibit-balikat siya. Matapos nun ay mukhang nakuha naman niya yung lesson kaya lang medyo balisa pa rin siya.

Tigilan mo na 'yan, Yvon. Nag-aalala ako para sayo.

▲・▲・▲

"Beh!" narinig kong tawag ni Cazscandra kay Yvon. Kasalukuyan na naglelecture ang teacher namin at itong mga kaibigan ni Yvon ay may plano pa yatang makipagdaldalan sa kanya.

"Oh?" baling ni Yvon dito.

"Di ganito yung crush mo," sabi niya kay Yvon.

Ano kaya yung ipinakita niya?

"Huh? Bakit?" tanong niya at mahinang natawa ang isa.

"Eto straight, siya hindi," sagot sa kanya ni Caz at narinig kong nagpipigil sila ng tawa.

At talagang si Bryle ang crush mo, ah!

"HINDI NGA SIYA BADING! BAKIT BA ANDALI NIYO SIYANG HUSGAHAN!?" sigaw ni Yvon at lahat kami napatingin sa kanya.

"Ms. Dela Torre!" saway ng teacher namin sa kanya.

"Sorry, maam," paghihingi niya ng paumanhin at umupo na ulit.

"Yan! Ang ingay kasi!" bulong ko sa  kanya.

"Will you just shut up!?" pabulong na sigaw niya at nagkibit-balikat lang ako. 

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon