Chapter 5

51 15 0
                                    

Bryle's POV

"Hi, Trish!" bati ko kay Trisha habang ibinaba ang bag ko. Hingal na hingal akong naupo at uminom agad ng tubig. Paano ba naman kasi! Akala ko ay late na ako tapos pagkarating ko dito ay wala pang teacher.

"Oh! Okay ka lang?" tanong niya at tumango ako habang umiinom pa rin.

"Yes. I'm fine. Akala ko kasi late na ako kaya tinakbo ko na lang paakyat tapos narealize ko na advance ng ten minutes yung relo ko," sabi ko bago ibinalik sa bag ko ang lalagyan ng tubig.

"Ayan kasi! Tanga!" sabi niya at tinawanan ako.

"Sorry na!" sabi ko sabay sulyap sa tabi ni Trish. "Wala pa?" hanap ko sa katabi niyang reincarnation ni Einstein.

"Wala at sana huwag na dumating ever!" sagot ni Trish na umirap pa. Tinawanan ko lang siya. Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit ayaw niya kay Roy.

Nang matahimik saglit ay nagbasa na siya ulit at ako naman ay sinubukang matulog dahil napagod talaga ako sa pagtakbo mula bahay papuntang sakayan at pagbaba ko ng jeep, takbo ako ulit para hindi malate at dahil sa katangahan ko, nakalimutan ko na naka-set ng advance ang relo ko.

Hindi nagtagal at pumasok na rin yung teacher namin. Ginising ako ni Trish at pareho kaming nakinig sa discussion niya.

Bago matapos yung subject, dumating si Roy na parang cool na cool lang at hindi man lang pinawisan.

Ibig sabihin, naglakad lang siya ng kalma kahit late na siya?

Pinagalitan siya kasi sobrang late na niya dumating pero matalino naman siya, eh kaya okay lang na hindi siya nakaabot sa karamihan ng discussion.

Tinignan ko siya ulit at seryosong-seryoso siya sa pakikinig.

May mga tao pala talaga na mas gumagwapo kapag nagseseryoso.

Nailing na lang ako at mahinang natawa sa mga pinag-iisip ko. Nakinig na lamang ako sa discussion na hindi na muling lumingon dahil baka mawala na naman ako sa sarili.

▲・▲・▲

"I will assign your partners na makakatulong niyo sa paggawa ng project na 'to na you will be submitting at the end of the semester," sabi ni Ms. Konio na teacher namin sa isa sa mga subjects namin.

Konio ang apelyido niya at siya ang pinakabatang teacher namin. Bagong graduate siya at ang sabi nila, siya ang bunso ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Bohol. Ayaw niya na mainvolve sa family business kasi wala siyang interes doon kaya lumuwas siya ng Manila at naging teacher.

Paano ko nalaman? Tsismosa kasi mga kaibigan ni Trish.

Sinabi na niya kung sino-sino ang magkakapares at hindi nagpahuli ang asaran at sigawan sa room.

"Ms. Dela Torre and Mr. Vasquez," banggit niya sa pangalan nila Trish at Roy. Tinignan ko si Trish at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

"OMG! Wait! Dizzy na ako. Ms. Dela Torre and Mr. Dela Cruz pala tapos si Ms. Foreman and Mr. Vasquez," sabi ni Ma'am. Liningon ako ni Trish at nginitian ko siya. Ganun din ang kanyang ginawa.

Pagkatapos ngitian si Trish ay sumilip ako kay Roy na nasa gilid niya. Halata sa mukha niya na parang dismayado at naiinis. Nagkibit-balikat na lang ako bago balingan si Trish at nakipag-usap.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon