Chapter 2

84 18 0
                                    

Bryle's POV

"Alam mo na ba kung san ka pupunta?" Tanong ng kaibigan kong si Fyona.

"Di pa pero magtatanong na lang ako sa kung sino-sino," Sagot ko habang tinatanaw kung malapit na ba ako sa school.

"Sige sige. I'll see you there in 2 weeks. Marami kasi kaming inaayos dito. Bryleey, be careful. Ayaw natin mangyari yung nangyari noon, okay?"

"Opo. Bilisan mo na dyan, ha! Mahirap mag-isa."

"Yes, boss. I'll go na. Bye."

"Sige. Bye!" Sabi ko at binaba na ang phone ko.

First day ko ngayon kasi di ako umattend ng klase kahapon. Sabi kasi ni Fyona ngayon daw siya papasok kaso nagkaproblema kaya in two weeks pa.

"Para po!" Sabi ko sa driver dahil natanaw ko na ang school ko. Bumaba ako sa jeep at pumasok na sa loob ng gate. Di ko akalain na ganun pala kalaki yung school na 'to. Bukod kasi sa senior high may mga junior high din kaya mahihirapan ako maghanap nito.

Inikot ko ang aking tingin at nakita ko ang isang babaeng naglalakad. Nagpunta ako sa kanya at tinanong, "Uhmm... excuse me. Pwede magtanong?" Sabi ko at natulala siya ng saglit.

"Tatanungin mo kung may boyfriend na ko? Wala pa!" Sabi niya at tinawanan ko siya.

"That is not what I'm going to ask you," Sabi ko at napafacepalm siya. "What I'm going to ask is pwede mo ba ako tulungan hanapin 'to?" Binigay ko sa kanya yung room number.

"Ahh... uhmm... dun na rin ako papunta eh. Sabay ka na sakin," Sabi niya at sinundan ko lang siya.

Pagdating namin sa room, dumeretso siya sa upuan niya. Lahat ng upuan occupied na kaya no choice kundi tumabi sa kanya.

"Kuya, sorry kanina ah. Ano kasi eh... dapat sa isip ko lang yun eh," Sabi niya at napakamot sa batok.

Palusot. Girls these days. Huwag ako! Ang energetic ng sagot niya kanina!

"Okay lang. Daniel Bryle by the way. Call me Bryle," Sabi ko at inilahad ang kamay sa kanya.

"Yvon Trisha pero huwag na huwag mo ako tatawaging Yvon!" Sabi niya at kinuha ang kamay ko.

"Well, it was nice meeting you, Yvon," Mapang-asar na sabi ko at tinignan niya ako ng masama. "Joke lang! Di ka mabiro ah!"

"Call me Yvon one more time and I'll stick this pen up your nose until it scratches your brain!" Sabi niya na tinutok ang ballpen niya sakin. Itinaas ko ang kamay ko bilang pag-surrender. Natahimik kaming dalawa nang magsalita yung katabi ni Trish.

"Kailan ka ba matututong manahimik, Ms. Dela Torre?"

"Mr. Vasquez, hindi lang naman ako ang nag-iingay," sagot ni Trish sa kanya. "Look around you. Lahat sila maingay kaya just f*ckin' stop blaming me for the noise pollution filling this entire room."

Aba'y mataray din pala si ate!

Di ko masyadong makita yung lalaking katabi niya kasi nakaharang siya pero feeling ko masungit si kuya.

Naging maayos na din ang lahat nang dumating ang teacher namin.

▲・▲・▲

"May girlfriend ka na?" Tanong ng kaibigan ni Trish sakin. Bigla namang nasamid si Trish.

"Nix, san galing yun?" Sabi naman ni Trish sa kanya.

"Nagtatanong lang eh! Lahat naman kasi kayo may lablayp na!"

"Ako? May lablayp?" Turo ni Trish sa sarili.

"Oo!"

"Trisha, just let her be. She was curious, so she asked," Sabi naman nung kaibigan nilang inglesera. "Seriously, though do you have a girlfriend?"

"Rel!" Sigaw ni Trish.

"I was just asking," Painosenteng sagot naman sa kanya nito.

"Wala," Iling ko. "Wala akong girlfriend. Girl friend lang," Paglilinaw ko.

"Ha? Ano?" Sabi naman nung isa pa nilang kaibigan. Natawa na lang ako kasi naguluhan yata sa girlfriend at girl friend.

"Girl best friend kasi ang ibig kong sabihin."

"Nothing more, nothing less?" Tanong nung Morrel yata yun at tinanguan ko na lang siya.

"Uy! Tinitignan ka nung mga girls oh!" Turo naman nung Cazscandra yata yun.

"Hayaan mo sila. I'm not interested," sabi ko at bumalik sa pagkain.

"Mga teh, single! Huwag mag-alala!" Sigaw naman nung Eunix dun sa mga babae. Napairap na lang ako.

"Nix, nueba?!" Sabi naman ni Trish.

"Sabi ko nga sayo na," sagot ni Eunix sa kanya. Nasamid naman ako bigla.

"Oh? Okay ka lang?" Tanong ni Trish sakin.

"Oo. Napasobra lang ng kain," Pagpapalusot ko.

▲・▲・▲

"Sorry, Bryle ah! Di na kita masasamahan sa tryouts!" Sabi ni Trish sakin nang makalabas na kami ng pintuan ng classroom.

"Okay lang, Trish. Sanay naman ako mag-isa."

"Wushu! Aba'y humugot pa talaga! Bye na nga!" Sabi niya at nauna ng lumakad paalis.

Naglakad na rin ako papuntang pool area kasi may tryouts para sa swim team. Di rin naman nagtagal at nakarating na rin ako sa pool area. Nagpalit na agad ako at saka sumalang.

Matapos ang tryouts, nag-shower na ako at nagpalit ng damit. Lumabas na din ako ng shower room pero sinalubong ako nung team captain daw namin. "You were great," sabi niya pero hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Medyo nagtaka siya kung bakit di ako sumasagot. Bigla na lang kasing nahirapan akong huminga at bumilis bigla ang tibok ng puso ko!

Sh*t! Not again! Not this again!

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon