Chapter 16

19 1 0
                                    

Trisha's POV

"Change topic na! Ayoko na balikan yun," sabi ko sa mga kaibigan ko nang ikwento ko sa kanila ang breakup namin ni Bryle at kung bakit hindi ko na sila napuntahan sa milkteahan. Tatlong linggo na ang nakalipas matapos nung mga nangyari. Malungkot pa rin ako pero sinusubukan ko na kalimutan para madali akong makarecover.

Naisipan namin maggroup video call ngayon dahil bored na daw agad sila sa bahay. Hindi naman ako tumanggi dahil napapagod na rin ako magmukmok buong araw. Hindi ko naman alam na kwentong breakup ko pala ang topic.

"Ang daya! Ano nga kasing dahilan kung bakit kayo nag-away?" pangungulit ni Eunix. Hindi ko kasi sinabi sa kanila na totoo pala ang bali-balita na lalaki din ang hanap ni Bryle.

"Sa amin na lang kasi yun. Ang kulit niyo," iritado kong sagot.

"Happy na siguro ang swim team captain, noh?" sabi ni Eunix. Nanlaki naman ang mata ko at hindi sumagot.

"Swim team captain?" naguguluhang tanong ni Paula.

"May gusto siya kay Trisha, 'di ba?" sabi ni Nix na hindi na lang diretsuhin kung sino.

"Ha? Sino ba?" tanong ni Pau.

"Si Roy! Slow mo, Paui!" reklamo ni Cazscandra.

"Hoy! Baka kasi madaming laman utak ko!" bwelta ni Pau.

"Uy! Nananahimik si Trisha! May nangyari, noh?" pang-aasar ni Nix.

"Ha? Pinagsasabi mo dyan?" maang-maangang sambit ko. Pinagpapawisan na rin ako. Ang lalakas talaga ng kutob nitong mga 'to!

"Ewan ko. Baka lang may umamin," sabi ni Nix na naniningkit pa ang mata.

"Ang daldal ninyong tatlo! Gayahin niyo kaya si Morrel na nananahimik lang!" reklamo ko.

"Asus! Ba't gusto mo kami manahimik? Ibig sabihin may nangyari nga?" panunukso ni Caz. Magkapartner talaga sila ni Nix sa pang-aasar sakin. Bwisit!

"Roy confessed his feelings to Trisha," walang ano-anong sambit ni Morrel.

"T*ng*na!" hindi sinasadyang pagmura ko.

"OMAYGHAD!" hysterical na sigaw ni Nix.

"Pota kang bruha ka!" pagmumura ni Caz.

"Sabi na, eh!" ani Pau.

"Mga g*go kayo!" pagmumura ko ulit. Hindi na ako magkandaugaga sa pag-iisip kung paano nalaman ni Morrel yun.

"Huy, sis! How did you know?" tanong ni Nix kay Rel.

"I had a hunch. Her eyes widened when you mentioned Roy's name so it's pretty obvious," sagot ni Morrel.

"So ano? Kailan siya umamin? Ano sabi mo?" tanong ni Caz at bumalik na naman sa akin lahat ng nangyari matapos niya umamin.

Napailing-iling na lang ako at napahawak sa ulo ko habang inaalala ang kagagahan ko. "Wala akong sinabi kasi linayasan ko siya," sagot ko.

Mga ilang segundo rin sila natahimik bago sabay-sabay na tumawa. Argh! Mga demonyitang hayp na 'yan talaga!

"G*go ka! HAHAHA!" sabi ni Caz habang tumatawa pa rin silang apat. Nakakainis silang titigan! Tuwang-tuwa talaga sila. Sabi ko na kasi kaya ayoko sabihin! Huhu!

"Pero ang ganda ni Trisha, ah! Matapos ng isa may kapalit agad. Penge sabon, mameh!" sabi ni Nix nang makarecover.

"Anong kapalit agad? Hoy! Hindi ako ganon, noh! Mahal ko pa si Bryle at hindi pa ako nakakamove on sa kanya," bwelta ko.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon