Chapter 17

14 2 0
                                    

Bryle's POV

"Ang careless naman, Bryle!" inis na sambit ni Fyona matapos kong ikwento ang nangyari sa amin ni Trisha. "Akala ko ba tinigilan mo na pagsusulat ng letters para kay Roy? Ano yun, ha?!"

Napamasahe ako sa aking sentido. "Mamamaalam na kasi dapat ako kay Roy kaso nahuli na ako."

"Paano kapag ipinagkalat ni Trisha?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ganun si Trisha."

"Paano ka nakakasiguro?" tanong niya na nakataas ang kilay.

Hindi ko alam kung bakit nainis ako sa tanong niyang yun. Masyado sigurong malaki ang tiwala ko na hindi ipagkakalat ni Trisha. Mabuti ang puso niya at alam kong naiintindihan niya rin ako kahit papaano.

Naalala ko na naman nang umiyak siya sa harapan ko. Ang sakit makita siya sa ganoong estado at wala akong magawa dahil ako ang may kasalanan. Niloko at pinaasa ko siya.

"Malaki ang tiwala ko kay Trisha kaya huwag kang mag-alala," sabi ko bago pumasok sa kwarto ko.

▲・▲・▲

Mabilis na lumipas ang dalawang buwang bakasyon namin. Nakaenroll na kami ni Fyona at nakiusap na malipat sa second section dahil iniiwasan ko si Trisha.

Alam kong masakit pa para sa kanya kaya bibigyan ko na siya ng space na kailangan niya.

Ngayon ang first day namin bilang grade 12 students. Wala naman masyadong ganap ngayong first day. Kami lang din naman ni Fyona ang nag-uusap dahil wala kaming kakilala.

"Tara na! Gutom na ako!" reklamo ko kay Fyona na busy kakaayos ng sarili niya.

"Mauna ka na kasi! Sunod ako," sabi niya at walang pagdadalawang isip na iniwan ko na siya doon. Agad-agad ko naman natunton ang cafeteria.

"Tsk! Sino naman manliligaw sa akin, aber?" malakas na tanong ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa table malapit sa entrance ng cafeteria. Nakaupo doon si Trisha at ang mga kaibigan niya.

Hindi ko na lang dapat papansinin nang marinig ko ang sagot ni Caz na, "Si Roy."

"Ako? Liligawan ni Roy?" natatawang tanong ni Trisha.

"Aba! Hindi pa ba obvious na bet ka nung tao? Hello, Yvon Trisha Dela Torre? Umamin na siyang may gusto sayo, 'di ba?" sagot ni Caz.

Napailing-iling si Trisha. "Eh, hindi ko naman siya gusto pabalik. Masaya lang akong kasama siya."

"Eh, sino gusto mo? Si Bryle?" walang pag-aalinlangang tanong ni Eunix. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Ayoko na kay Bryle, okay?" mahinang sagot ni Trisha na narinig ko pa rin. Hindi ko alam kung bakit matapos marinig yun ay parang may dumagan na mabigat sa dibdib ko.

"Dapat lang!" pagsang-ayon ni Caz.

"A guy who makes their girl cry is someone who should not be accepted and forgiven easily," sabi ni Morrel.

"Huy! Bakit hindi ka pa umoorder?" tanong ni Fyona nang maabutan niya ako sa pintuan ng cafeteria.

"Ah, wala. Tara na," sabi ko at naglakad papunta sa counter.

"Hey, Bryleey. Are you okay?" tanong ni Fyona nang pumila kami.

Nginitian ko siya. "Oo naman."

"Parang malungkot ka kasi habang nakatingin kila–"

"Okay lang ako, Fyona," sabi ko at tumingin na lang sa menu na nakapaskil sa taas ng counter.

▲・▲・▲

"Imbyerna talaga ako dun sa paquiz sa Physics kanina. Nagreview ako pero naistress pa din," reklamo ni Fyona habang palabas kami ng school.

"Hayaan mo na yun. Ganun talaga," sagot ko.

"Saan kaya maganda magpakalbo? O gusto niyo gilid lang ipashave natin? Mohawk? Cute yun, 'di ba?" nang-aasar na tinig ni Trisha sa mga kaibigan niya. Napadaan sila sa gilid namin nang hindi nila kami napapansin.

Nagdidiskusyon silang magkakaibigan. Nakatitig lang ako sa kanila. Tumatawa na ulit si Trisha. Noong una ko kasi siyang nakita ulit, parang ang lungkot niya pa rin.

"Three months na pala, noh?" tanong ni Fyona na tinutukoy ang breakup namin. Nakatingin din siya kila Trisha. "Ayaw mo magsorry? Perfect timing na, 'to."

Napailing-iling ako. Magmula nang mahuli niya akong nakatingin kila Trisha sa cafeteria two weeks ago, palagi na niya akong pinapalapit at pinaghihingi ng sorry pero ayoko kasi hindi naman tatanggapin ni Trisha ang sorry ko dahil baka galit pa siya.

"Next time na lang."

"Next time na naman," puna niya bago ako inirapan.

Bumuntong-hininga ako. "Pagod na ako, Fyona, please."

"Tsk! Paano ba naman kasi gagaan pakiramdam mo kung di mo susubukan," sabi niya.

Napaismid ako. "Ikaw ang may kasalanan nito, eh! Bakit hindi ikaw ang magsorry?!"

"Bry–"

"Magkaibigan pa sana kami ni Trisha ngayon kung hindi mo ako pinilit na ligawan siya!"

"Okay," tumatangong aniya. "Ako pala may kasalanan. Oo nga pala. Sorry, ah! I forgot. Sige, napakabait mo, eh."

"Fyona, I'm–"

"Kung pagod ka na, mas pagod ako! Sawa na akong pagtakpan ka, Bryle! Pagod na akong isipin kung paano maitatatago sa lahat yung totoong ikaw. Magpapakatotoo ka na lang, nahihirapan ka pa," naluluhang sambit niya.

"Hindi ganun kadali. Intindihin mo naman ako, oh!"

"Yun na nga, eh! Sawa na akong umintindi! Simple na lang ang pinapagawa ko sayo. Gusto ko lang na humingi ka ng tawad kay Trisha. Kahit yun lang ay makabawi tayo sa kanya," sabi niya bago naglakad palayo.

Napahawak naman ako sa aking ulo. Ayoko na! Ang hirap ng ganito.

"Lalayas na kami, huwag kayo mag-alala," narinig kong sambit ni Eunix. Napatingin ako sa kanila ulit at nagulat ako nang makitang kasama na nila si Roy. Isa-isang nagsialisan ang mga kaibigan ni Trisha para bigyan sila ng privacy.

"May ibibigay kasi ako sayo. Nakalimutan ko kanina," panimula ni Roy.

May kinuha siya sa backpack niya na isang maliit na paper bag. Inabot niya iyon kay Trisha. Sinipat ni Trisha ang laman at inilabas ang isang red na parang keychain.

Napakunot ang noo ni Trisha. "Puso ko yan. Ingatan mo, ha?" sabi ni Roy. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko maintindihan kung bakit parang nahihirapan akong huminga dahil sa pagkabog ng puso ko. Mas lalo pang sumikip ang dibdib ko nang sabihin ni Roy ang mga katagang, "Pwede na ba ako manligaw?"

Pinanood ko ang reaksyon ni Trisha. Nagulat siya pero nang maayos na ulit ang kalagayan niya ay tumango siya bilang sagot.

Hindi ko na maunawaan ang nararamdaman ko. Parang ang sakit makita ng eksenang yun. Hindi ko alam kung nagseselos ako pero ano man ang dahilan, hindi ako sigurado kung dahil ba kay Roy ang pakiramdam na yun o dahil kay... Trisha.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon