Chapter 11

20 5 0
                                    

Bryle's POV

"Kailangan ba talaga?" tanong ko habang namimili kami ni Fyona ng stuffed toy na ibibigay kay Trisha.

"Wala kang sweetness sa katawan," sabi sa akin ni Fyona. "Panda ang favorite niya, 'di ba?" tanong niya at tumango ako.

"Ito, oh. Ang cute," sabi niya na hinablot ang isang cute na pandang nakadapa. "Tapos lagyan mo ng note sa kamay. Ako na mag-iisip ng sasabihin for you."

"Sige," sagot ko at naglakad na siya papuntang cashier. Susunod na dapat ako nang makita ang isang cute na mini unicorn plush. Kinuha ko yun at isinama sa babayaran.

"Para kanino 'yan?" tanong ni Fyona. Ipinahiwalay ko ang dalawa ng lalagyan.

"Para sayo," sabi ko at inabot ang paper bag sa kanya.

▲・▲・▲

"Magtago ka lang dito. Paakyat na sila," sabi ni Fyona na itinulak ako papunta sa isang tagong space sa may staircase.

"Kailangan ba talaga 'to? Anlakas talaga ng trip mo," sabi ko.

"Oo kaya stay put," sabi niya sabay balik sa classroom.

Nakita kong pumasok si Trish sa room namin. Medyo natigilan siya nang makitang wala ako sa pwesto namin. Padabog siyang naglakad papunta sa upuan niya at dun niya lang napansin yung binili kong panda plush.

Kinuha niya yun at inobserbahan. Tinanggal niya yung note ko na nakasabit sa kamay ng bear at binasa. Nagbilang ako ng tatlong segundo bago pumasok.

"Ang pangit ng trip mo," sabi niya nang makalapit ako.

Nag-ingay ang buong room dahil nakita nila ang mga nangyayari. Natawa ako. "Nagustuhan mo naman ba?" tanong ko saka siya nginitian. Namula naman ang pisngi niya.

"Anong kaguluhan ang meron dito?" tanong ng first period teacher namin. Pare-pareho kaming natawa bago tumayo ng maayos at bumati sa kanya.

Mas lalo kaming tinukso nang tanungin muli ng teacher namin kung anong nangyari.

Halos kalahati ng oras ang nasakop kaka-asar sa amin at kaka-kwento ng teacher namin tungkol sa mga estudyante niya dati na nagliligawan sa klase niya.

Habang nagkekwento ang teacher namin, pinagmamasdan ko si Trish at mukhang tuwang-tuwa siya sa mga sinasabi ng teacher namin. Iba rin yung itsura niya ngayon. Parang ang saya-saya niya.

Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Ayoko na malungkot siya kapag nalaman niya na ginagamit ko lang siya para pagtakpan ang tunay kong nararamdaman.

▲・▲・▲

"Kalma, Bryle. You look tense," sabi sa akin ni Fyona. Andito kami sa cafeteria, kumakain ng recess.

"Pakiramdam ko ang sama kong tao," sabi ko na napasabunot sa buhok ko.

Bumuntong-hininga si Fyona. "Aatras ka? Okay lang din naman kaso isipin mo si Trisha. Andyan ka na, Bryle. Wala ka nang magagawa kasi umamin ka na," sabi niya na diniinan ang salitang 'umamin'. "Kapag umatras ka, magtataka yung tao. Bakit kaya tumigil na siya sa panliligaw? May mali ba sa akin? Hindi ba ako bagay sa kanya? Pinaglalaruan niya lang ba ako? 'Yan ang magiging mga tanong niya kaya choose wisely, Bryle. Sumugal ka sa desisyong siguradong ikaw ang mananalo."

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon