Chapter 3

66 18 0
                                    

Roy's POV

"Nasaan na yung kaibigan niyo?" Tanong ko sa tatlong kaibigan ni Yvon.

"Ewan," Sabi ni Eunix.

"Ba't mo hinahanap?" Mapang-asar na sabi naman ni Cazscandra.

"Yeah, why on earth are you finding her?" Banat naman ni Morrel. Si Paula na lang kulang at lahat sila may dialog na.

"Wala naman. Gulat lang kasi ako eh. Tumahimik bigla."

"Palusot," Bulong ni Eunix pero narinig ko pa rin.

"Ano yun?"

"Hakdog!" Sabi niya at bumalik na lang ako sa ginagawa ko.

Kaya pala ganun si Yvon, eh! Ganito pala yung mga kaibigan.

Habang naghihintay sa teacher namin, naisip ko na lang mag-advance reading para sa next lesson namin.

"Kuya, sorry kanina, ah! Ano kasi eh... dapat sa isip ko lang yun, eh," nagulat ako nang marinig ko si Yvon. Katabi ko na pala siya. Ganun ba ako ka-focused sa pag-aaral na hindi ko siya namalayang tumabi?

"Okay lang. Daniel Bryle by the way. Call me Bryle," pagpapakilala nung katabi niya.

Teka! Ako lang katabi niya kahapon, ah! Bakante yung dalawa pang upuan na katabi namin.

"Yvon Tricia pero huwag na huwag mo ako tatawaging Yvon!" pagpapakilala naman ni Yvon.

Ba't ba ayaw niya yung Yvon? Ang ganda nga, eh! Bagay sa kanya.

"Well, it was nice meeting you, Yvon," mapang-asar na sabi nung katabi niya. Napaharap ako bigla.

Loko 'to! Ako lang ang pwedeng tumawag ng Yvon sa kanya!

"Joke lang! Di ka mabiro ah!" biglang bawi naman nito.

Sino ba 'tong Bryle na 'to?! Plano pa yatang agawin si Yvon.

"Call me Yvon one more time and I'll stick this pen up your nose until it scratches your brain!" Mataray na sambit ni Yvon sa kanya. Ang sungit talaga!

"Kailan ka ba matututong manahimik, Ms. Dela Torre?" sabat ko kasi di ko na makayanan na naririnig sila mag-usap. Ako lang ang dapat sungitan ni Yvon at hindi siya!

"Mr. Vasquez, hindi lang naman ako ang nag-iingay," sagot ni Yvon sa akin. "Look around you. Lahat sila maingay kaya just f*ckin' stop blaming me for the noise pollution filling this entire room."

Yan! Dapat ako lang ang susungitan mo.

Matapos nun ay hindi na naman ako pinansin ni Yvon at tinuloy ko ang pagbabasa kahit pa hindi ako mapakali dahil nagdadaldalan pa rin sila nung katabi niya. Gumaan na lang ang loob ko nang makarating na ang teacher namin.

▲・▲・▲

"Dito tayo," sabi ko sa mga kaibigan ko. Pinili ko yung lamesa na malapit kila Yvon. Kasama niya kasi yung lalaking yun.

"Bakit dito? Ang init dito, pre!" alma ng kaibigan kong si Mike.

"Basta! Umupo na kayo!" sabi ko at napabuntong-hininga na lang silang dalawa. Sinimulan ko nang kumain at nakikinig lang ako sa kanila.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon