Chapter 18

15 3 0
                                    

Roy's POV

"Huwag ka nang maghanap ng iba kasi nandito na ako at hindi kita sasaktan."

"Alam mo– Sige, bye!" sabi ni Yvon bago kumaripas ng takbo paalis.

Napakunot ang noo ko. "Pagkatapos kong magdrama dito, tatakbuhan lang ako," bulong ko sa sarili bago tumayo at naglakad na rin pababa para makauwi na.

Lumipas ang ilang linggo na hindi na muli namansin si Yvon. Nirerespeto ko naman yun dahil kakahiwalay pa lang nila ni Bryle at hindi pa siya nakakamove on ay umamin na agad ako.

Bakasyon na namin ngayon at nasa bahay lang naman ako palagi. Lumalabas lang ako kapag kasama ang mga magulang ko o si Rey. Minsan nag-aaya din lumabas si Mike at Ron.

"Rey," tawag-pansin ko sa kapatid ko na naglalaro sa computer niya.

"Huwag mo ako hihingan ng advice tungkol sa babae kasi wala rin akong alam," sagot niya na hindi tumitingin sa akin.

"Naisip ko lang kasi. Umamin ako kay Yvon tapos hindi na niya ako pinansin matapos nun. Sa totoo lang, gusto ko malinaw sa kanya na kaya kong maghintay. Gusto ko din pagaanin ang loob niya kasi panigurado nasasaktan pa rin siya sa hiwalay nila ni Bryle," kwento ko.

"Tama ba ang dinig ko? Umamin ka na kay Ate Trisha?! Tsaka break na sila ng boyfriend niya?!" sunod-sunod na tanong ni Rey na gulat pa akong nilingon. Sinagot ko lang siya ng tango. "Masaya ka ngayon, noh?"

"Magiging masaya lang ako kapag masaya na siya ulit."

"Eh, ano pang ginagawa mo dito? Alam mo address niya, 'di ba kaya puntahan mo! Damayan mo tapos kapag okay na siya at nakamove on na, pormahan mo," sabi ni Rey habang tinutulak ako papunta sa banyo.

"Paano kung ayaw naman niya pala ako makasama kahit gusto ko lang naman siya i-comfort?" malungkot na sambit mo.

"Nag-ooverthink ka na naman, Kuya. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan, 'di ba?" sabi niya at napabuntong-hininga na lang ako bago nagtuloy sa banyo.

▲・▲・▲

"Oh, Roy? Ikaw na ba talaga 'yan?" tanong ng mama ni Yvon nang buksan niya ang gate nila.

"Ah, opo," naiilang kong sagot.

"Bakit ka pala naparito?"

"Si Yvon po sana gusto ko makausap."

"Sakto! Palaging nagkukulong sa kwarto yun, eh. Pasok ka," sabi niya na linakihan ang bukas ng gate. Agad niya akong inakay papasok.

"Kakabreak lang kasi nila ng boyfriend niya kaya grabe sa pag-eemote ngayon yung anak kong yun," kwento niya bago tinawag ang kapatid ni Yvon. Ipinatawag niya si Yvon rito. "Upo ka muna. Lalabas na rin mamaya si Ishang," sabi sa akin ng mama niya at sinunod ko naman siya at naupo sa sofa.

Hindi naman nagtagal at lumabas na si Yvon mula sa kwarto niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"Trisha, anak, tignan mo si Roy, oh! Napakagwapo mo nang bata ka," sabi ng mama niya.

Natawa ako sa reaksyon niya kasi nakatingin lang siya sakin. "Hi, Yvon! Musta?"

▲・▲・▲

Tahimik naming tinatahak ni Yvon ang daan papunta sa park. Inaya ko kasi siya na maglakad-lakad para makausap ko siya.

Ramdam na ramdam ko ang pagkailang ni Yvon. Maski ako ay naiilang sa kanya pero mas nanaig sa akin yung pagkabigla dahil pumayag siyang sumama sa akin.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon