Chapter 28

29 0 0
                                        

A/N: For these last three chapters, please play the songs featured at the top while reading para mas dama.

Trisha's POV

"Kawawa naman ang Trisha, ano? Walang date sa Valentines," bulong ni Caz nang magsimula na ang afternoon class namin. Hindi kasi pumasok si Roy. Tinatanong ko naman si Mike at Ron kung nag-absent rin ba siya sa immersion kaso hindi nila ako sinasagot ng maayos.

Ilang buwan na ang nakalipas magmula nung nanood kami ng sine. February na ngayon at konti na lang ay gagraduate na kami. Maraming nangyari nitong nga nagdaang buwan. Nagsimula na ang mga work immersion namin na sobrang naeenjoy ko. Nakapagtake na rin kami ng admission tests sa iba't ibang colleges at universities. Ngayon ay naghihintay na lang kami ng results.

"Makakatikim talaga sakin 'yang si Marvin Roy Vasquez. Hindi man lang nagtext na hindi siya papasok," inis na bulong ko. Natawa lang naman si Caz.

"Maam, may emergency po. Kailangan lang namin puntahan ni Mike. Babalik din po kami agad," sabi ni Ron sa teacher namin.

"Anong emergency?" tanong nito.

"Sa swim team po," sagot ni Mike.

"Ganun ba? Sige, excused na muna kayo," sabi ni Maam. Nagpasalamat naman ang dalawa bago dali-daling lumabas.

Hindi ko naman na sila pinansin at tumingin na lang kay Maam na nagdidiscuss.

Habang nasa kalagitnaan si Maam ng pagsasalita ay may nagpatugtog ng gitara mula sa labas. Lahat kami ay napatingin sa bintana pati si Maam na hindi natapos ang dinadaldal niya.

Nanlaki ang mata ko nang pumasok si Roy sa classroom kasama sila Mike at Ron na tumutugtog. Mabagal ang tono ng kantang tinutugtog nila.

"Itong awiting ito
Ay alay sayo," panimula ni Roy sa kanta.

"Sintunado man 'tong
Mga pangako sayo." Natawa ako.

"Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda," pagkanta niya bago bumilis ang tono na naging dahilan para magtilian ang mga kaklase namin.

"Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda," kanta niya with matching konting sayaw. May chuwariwap pa sa likod niya na sila Mike at Ron dahilan para maghagalpakan ng tawa ang mga kaklase namin.

"Ibibili ng balot pag mahinang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin...
Kasama kang tumanda...

Sasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one

Loves na loves parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para sa akin ikaw
Ang pinakamaganda
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda"

"At nangangako sayo..." Nagsimulang bumagal ang beat ng kanta.

"Pag sinagot mong oo..." patuloy ni Roy sa kanta na unti-unting naglalakad palapit sa akin.

"Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang." Hinawakan niya ang kamay ko pagkalapit na pagkalapit.

"Kasama kang tumanda," pagtatapos niya na diretsong tumingin sa mata ko. Parang maiiyak naman ako dahil first time na may humarana sa akin.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon