Chapter 6

44 13 0
                                    

Roy's POV

"Hi, maam. Good morning po," bati ko sa teacher namin sa General Math nang makita ko siyang naglalakad papunta sa isa sa mga building.

"Good morning, Mr. Vasquez. Anything I can do for you?" tanong niya.

"Tuloy po ba yung peer counseling na sinabi niyo samin last week?" tanong ko sa kanya.

"Yes, Mr. Vasquez. Based sa results ng assessment, may mangilan-ngilan sa inyo na kailangan ang peer counseling and isa ka sa mga naisip ko na mag-counsel," sabi niya at napangiti naman ako. "Hindi ka pa ba tutuloy sa class mo? Late na. Wala first period ko ngayon pero for sure, andun na teacher mo."

Napatingin ako sa relo ko at tama nga siya. Late na ako sa klase ko! Bakit 'di ko namalayan yung oras?! Bahala na nga!

"Okay lang po. May hihingin lang po sana akong pabor kung okay lang?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "Okay lang po ba kung ako na lang ang maging counsel ni Ms. Dela Torre?"

"I don't think Ms. Dela Torre is in the list," sabi niya habang inilalabas ang grading sheet niya. "Pero she got a low score."

"Kaya naman po pataasin kung tuturuan ko po siya," sabi ko na nakangiti.

"Plano ko pa naman na ikaw sana ang magturo dun sa may pinakamababang score pero sige, isasama ko na si Ms. Dela Torre sa peer counseling at sayo ko na siya i-aassign," sabi niya at ilang beses pa akong nagpasalamat bago naglakad papunta sa building namin.

Pagkapasok ko naman sa room namin, sinalubong ako ng dada ng first subject teacher namin. Kesyo babagsak daw ako kapag pinagpatuloy ko ang pagiging late. Nagsorry na lang ako at umupo na sa upuan ko.

Napasulyap ako saglit sa gilid ko. Magkatabi si Bryle at Yvon at paminsan-minsan ay nagbubulungan. Kung alam niyo lang kung gaano kahirap katabi ang dalawang 'to. Nakakamatay pala talaga ang selos, hindi biro!

Nakinig na lamang ako at paminsan-minsan ay nagrerecite para hindi sila mapansin.

▲・▲・▲

"I will assign your partners na makakatulong niyo sa paggawa ng project na 'to na you will be submitting at the end of the semester," sabi ni Ms. Konio na teacher namin sa isa sa mga subjects.

Ang lupit ng apelyido, noh? Bagay sa kanya kasi napaka-conyo nito magsalita. Mas maarte pa sa pinakamaarte sa room.

Inisa-isa na niya ang mga magkakapares at sa bawat pares na bibigkasin niya ay sabay-sabay kaming tatawa o mang-aasar

"Ms. Dela Torre and Mr. Vasquez," banggit niya sa pangalan naming dalawa ni Yvon. Palihim akong napangisi.

Mukhang mahal na mahal talaga ako ni Lord. Palaging kami ni Yvon ang magkapartner.

"OMG! Wait! Dizzy na ako," habol ni Ms. Konio. Napasimangot ako bigla.

"Ms. Dela Torre and Mr. Dela Cruz pala tapos si Ms. Foreman and Mr. Vasquez," pagtatapos ni Ma'am Konio sa pagtawag ng mga pangalan. Napatingin ako kay Yvon at Bryle. Nagngingitian na sila sa isa't-isa habang ang nasa likod ko namang mga kaibigan ni Yvon ay inaasar si Yvon at nakikipag-apir kay Morrel dahil sigurado silang mataas ang makukuha niyang marka dahil sa akin.

Nasira na tuloy ang araw ko. Peste naman kasi 'yan! Kami dapat ni Yvon ang pair!

▲・▲・▲

"Wala kang kwentang tutor!" reklamo ni Yvon nang hindi niya pa rin naintindihan ang lesson na itinuro kanina ng teacher namin na paulit-ulit ko nang inexplain ngayon. Ilang araw na rin ang nakalipas matapos nang masimulan itong peer counseling na 'to at palagi kaming nagkikita ni Yvon dito sa milktea shop malapit sa school. Wala lang kaming tutor kapag weekends at Friday dahil may training ako.

"Ang sabihin mo, hindi mo lang pinapansin yung mga tinuturo ko," bwelta ko at inirapan niya ako.

Inexplain ko ulit at nakuha naman na niya. Salamat sa Diyos!

Kalaunan ay nagligpit na kami ng gamit at naglakad papunta sa labasan.

Bago pa kami makarating sa labasan, natanaw ko na agad ang isang pamilyar na lalaki. Nang humarap siya samin, nginitian niya si Yvon at kinawayan. Excited naman na tumakbo papalapit si Yvon sa kanya.

Interesado rin akong malaman kung bakit niya hinintay si Yvon kaya tumayo ako sa gilid nila.

"Bry! Anong ginagawa mo dito? Inaantay mo ako, noh!" pang-aasar ni Yvon at natawa naman si Bryle.

"Assuming ka pero tama naman yung pag-aassume mo," sagot ni Bryle. "Eto, oh! Hindi na kasi kita naabutan kanina dahil nakaalis na kayo agad. Gift ko para sayo kasi tinulungan mo ko sa first week ko dito," dagdag niya na inabot ang isang paper bag kay Yvon. Kinuha ni Yvon yun at nginitian siya. Lumingon naman sa akin si Yvon at sumimangot.

"Hoy! Lumayas ka na dito. Sino pa hinihintay mo dyan?" sabi niya sa akin at tinignan ko siya ng masama bago iniwan sila doon.

Naglakad ako ng ilang metrong layo na medyo natatanaw ko pa sila. Nakita kong binuksan ni Yvon yung paper bag at inilabas niya ang isang panda stuffed toy.

Masayang pinasalamatan niya si Bryle at paulit-ulit niyang niyakap ang panda na yun.

Dati ko pang alam na mahilig siya sa mga panda. Tuwing birthday niya pa ay nag-iiwan ako ng panda keychain sa locker niya. Hindi ko alam kung naappreciate niya kasi hindi naman niya alam kung kanino galing pero sana naman ay kahit papaano itinatago niya.

Nakita kong naglakad na sila papunta sa sakayan at naiwan ako doon na tinatanaw sila hangga't sa naglaho na silang pareho.

Wala akong karapatan magselos dahil walang kami ni Yvon at ni minsan ay hindi pa ako umamin sa kanya pero masakit pala. Sobrang sakit pala na makita mo yung taong gustong-gusto mo na may kasamang iba at halata sa gusto mo na gusto niya ang kasama niya.

▲・▲・▲

"Mauna na kayo. Lagay ko lang 'to sa locker," sabi ko sa mga kaibigan ko habang naglalakad papunta sa locker ko.

Pagkarating ay agad kong inilagay ang passcode ko at binuksan ang locker. Nagulat na lang ako nang biglang may malalaglag mula dito. Dinampot ko yun at sinuri.

Nakalagay siya sa yellow na envelope. Nang buksan ko siya, may nakatuping papel na yellow din ang kulay. Kinuha ko na ang papel at binasa ang mga laman nito.

Dear Roy,

      It's been exactly five days magmula nang bigla ko na lang narealize na nagugustuhan na kita. Ang weird lang! Hindi naman kasi tayo nag-uusap palagi kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko.

          Alam kong hindi ko kakayanin ang umamin sayo dahil imposible mo rin akong magustuhan. Siguro ang punto lang ng letter na ito ay para lang malaman mo ang nararamdaman ko na kahit kailan ay hindi ko maamin sa iyo.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon